Katulad ng Cebu, may ipinagmamalaki rin na Kawasan Falls ang Bohol. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Balilihan. Bukod sa Camugao Falls at Mag Aso Falls sa Balilihan ay may Kawasan Falls din ang matatagpuan dito.
Mga 5 kilometers ang layo nito mula sa sentro ng lungsod ng Balilihan.
Mga 20 kilometers din ang layo mula sa Tagbilaran City na kabesera ng probinsya.
Malapit lang din ito sa isa Camugao Falls.
Ang entrance fee nito ay Php 20.00 lang na mas mura kompara sa Camugao Falls.
May mga cottages din na malapit sa naturang falls at nagkakahalaga ito ng Php 100.00 bawat isa.
Malamig ang lugar kasi napapaligiran ito ng mga malalaking kahoy at napaka presko ng hangin. Maganda ito sa mga gustong mag jamming at mamasyal ang buong pamilya.
Sa panahon ng tag-init konti lang ang tubig na bumabagsak dito. At hindi masyadong malalim ang falls. Pero kong sa panahon naman ng tag-ulan dito makikita ang ganda ng bagsak ng tubig.
Kay gandang pagmasdan ang mga nilikha ng Diyos na dapat natin alagaan at pahalagahan.
abzero:)
Ahaha naalala ko tuloy yung bisaya version ng apocalypto. Yung lage nila sina sabi na kawasan. Totoo pala yung akala ko gawagawa lang nila yun. Ganda pala ng kawasan falls