Hatid Tulong Initiative

1 38
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Noong nakaraan buwan ay isa ako sa nag-apply ng Balik Probinsya Program (BPP) ni Sen. Bong Go. Dahil na rin sa hirap bumili ng ticket at isa ako sa nagbabasakali na matawagan para makauwi ng probinsya at makakuha ng ticket. Pero lumipas ang isang buwan ay wala paring feedback or kahit email para malaman na kasama ako. Tapos nabalitaan ko nalanq na kanselado na ang balik probinsya program. Nakakadismaya ang balitang iyon.

So ayun, kahapon may nagtext sa akin ng ganito:

Ikinagagalak po namin ibalita sa inyo na ang Hatid Tulong Initiative para sa Locally Stranded Individuals (LSIs) ay magkakaroon po ng BIYAHEnihan sa mga sumusunod na schedules:

July 4- Mindanao (maliban sa CARAGA region)

July 5- North Luzon

Sa mga may gusto ng libreng biyahe pauwi sa kanilang probinsya, maaring itext ang mga sumusunod:

1. BUONG PANGALAN (Name)

2. KUMPLETONG HOME ADDRESS ng PROBINSYA

3. CONTACT NUMBER

At ipadala sa:

0956 314 6376

Magtungo sa Quirino Grand Stand, Manila, 7:00AM sa petsa ng inyong biyahe, DALA ang inyong 1 Valid ID at photocopy ng valid ID

Ang Hatid Tulong na po ang mag aasikaso ng inyong Medical Certificate at Travel Authority

#wehealasone

#GOforth.safetravel

Syempre nagreply ako nilagay ko buong pangalan ko address ko sa probinsya. Tapos mga ilang minuto ito reply:

Nais naming ipaalam na kayo ay kasama sa BIYAHEnihan. Maaring mag tungo lamang po sa Quirino Grand Stand ng 7:00AM

July 4- Mindanao (maliban sa CARAGA region)

July 5- Region 7 (maliban sa cebu at Mactan) at North Luzon

Huwag kalilimutan ang inyong VALID ID at Photocopy ng VALID ID

#wehealasone

#GOforth.safetravel

Sa tingin niyo totoo kaya to or simpleng pangluluko lang kasi tinatawagan ko ang numero ayaw naman sagutin tapos ecacancel pa..then kaninang hapon hindi na makontak ang numerong iyan..

3
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
4 years ago

Comments

I cannot say for sure. They could have also hang up because of a lot of msgs they received. They also could have just blocked all calls because of a lot of calls from people. To know more about it, it is best to check it out in google or facebook if other people have talked about it. If you can't find anything, you can check it out yourself. You can hide at first, observe if there is really a bus waiting for passengers. Check it out first. Stay safe!

$ 0.00
4 years ago