Bunhayag Hills

2 22
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Ang Bunhayag Hills ay matatagpuan sa bukiring bahagi ng aming lungsod ng Guindulman. Mula sa sentro ng lungsod sakay ng motor ay byabyahi ka lang ng 20 minuto bago marating ang lugar. Free lang ang pagbisita dito at makita mo na ang mala-paraisong ganda ng mga hills. Kahit nakakapagod ang pag-akyat dito worth it naman pag andun ka na sa pinaka peak ng hills. Makikita mo mula sa taas ang sentro ng lungsod at ang mala crystal nitong dagat.

Kasama ng mga pinsan ko ay masaya kaming pumupunta dito. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan habang pinapanood ang makabuntong-hiningan tanawin.

Sa tuktok ng hills ay may isang mahabang upuan na nagsisilbing pahingahan habang minamasdan ang ganda ng lugar. Presko at malamig ang simoy ng hangin, tahimik at mapayapa ang nakakamanghang view.

Kong gusto kong magrelax at magpahangin ay pumupunta ako dito kasama ng mga pinsan ko. Masarap dito dahil nakakawala ng stress at pagod mo sa buong araw ng pagtatrabaho. Napakasimple lang ng lugar, walang anumang mga bagay na nakakadistract habang nandito sa tuktok ng hills. Maraming pumupunta dito at namamasyal lalo na sa hapon kasi di na mainit at masaksihan pa ang sunset.

Kay ganda talagang pagmasdan ang natural na kapaligiran at nilikha ng Maykapal na animoy isang biyaya na hatid sa atin para pangalagaan at pahalagahan sa lahat ng oras.

abzero:)

2
$ 0.00
Sponsors of abzero
empty
empty
empty
Avatar for abzero
Written by
3 years ago

Comments

asa ni dapit sir?makahinumdom man ta sa atong mga utang if moanha ko diha.haha. btaw nice place to meditate o maghinuklog..

$ 0.00
3 years ago

og muanhi sir makawala nuon sa problemas utang..hahah.. sa amoang lungsod ni sir sa bukid na bahin. Lisod lagi pod muari kay ang dalan perting tungasuna..

$ 0.00
3 years ago