Ito ang Binabaje Hills or kilala rin sa tawag na The Alicia Panoramic Park (TAPP). Ito ay matatagpuan sa Camba-ol Alicia Bohol. Sa ngayon open na ito sa mga mahihilig sa hiking. Mapalula at mapatulala ka sa kagandahan ng lugar.Araw araw marami ng pumupunta dito at sa pamamagitan ng social media ito ay nakilala.
Mula sa sentro ng lungsod sakay ng isang motorsiklo ay aabot ng mahigit isang oras bago mo marating ang lugar. Libre lang ang pagpunta dito at free kang akyatin ang libutin ang mga hills. Sa umaga makikita dito na may umaakyat at naghahiking sa lugar. Very refreshing at relaxing ang lugar.
Worth it ang pagod mo sa pag akyat sa peak. Sa paglanghap mo sa preskong hangin ay para kang naeenergize at ang pagod mo ay mapalitan ng kasiyahan sa pagmasid at pagtanaw sa malaparaisong ganda ng lugar.
Sa dapit hapon at papalubog na ang araw may dumadami na ang fog at papalamig na ang lugar.
Isama niyo ito sa bucket list kong kayo ay pupunta at bibisita sa Bohol.
abzero:)
Nakaka inspire naman yan sir, dream ko din magtravel at makaakyat sa ganyan e. Kahit na my fear of heights ako gusto ko talaga subukan. Sana soon in God's time 😊