Isang umaga, nagising ako sa sinag ng araw. Tiningnan ko ang anak ko na nakahiga sa kartong inilatag ko na sasakto lamang para sa kaniya. Tumayo ako sa pag kakaupo at tiningnan ang nangingitim na sako sa tabi ko. Walang pag kain. Walang kahit anong makakain para samin, para sa anak ko. Tumingala ako sa langit, di naman ganoon ka sakit sa balat ang sinag ng araw. Tiningnan ko ang anak kong himbing ang tulog habang ginagawang kumot ang isa pang sako. Nag lakad ako para makita kung may mga basura ba o kalat, baka may maaari pa kaming makain.
Ngunit walang tao. Walang mausok na kalye na nag mumula sa maiingay na sasakyan. Walang mga papel o plastik na nakakalat sa daan. Walang natapong pag kain o kahit man lang dura sa lansangan. Nasaan na ang mga tao? Nag lakad pa ako sa kabilang kalye. Ramdam ko ang hangin na humampas sa aking mukha, bibihira lamang ang ganito. Kadalasan ay usok ang sasampal sa mukha ko. Nasaan na ba ang mga tao? Tumingin ako sa gilid ko ng may makita akong sasakyan. Sa pag kakaalam ko ay isa itong ambulansiya. Sa likod pa nito ay may isang sasakyan. Parang may mga sakay na pulis. Huminto ito sa harap ko.
"Manang, ano hong ginagawa niyo dito sa labas?"
Di ako sumagot. Bagkus ay nag tanong rin ako.
"Ano hong nangyayari? Nasaan ang mga tao?"
"May epidemiya hong kumakalat, mas mabuti pa po ay umuwi ka na sa inyo." Sabi ng babaeng naka-puti na wari ko'y isang nurs o doktor.
Tumalikod siya sakin, akala ko ay aalis na siya. Pero humarap ulit ito sakin na may hawak na maliit na tela.
"Mag ingat ho kayo, mukhang wala pa naman ho kayong tinitirahan. Ito ho. Isa nalang ang natira, sakto para sa'yo," sabi niya at binigay sa akin ang isang puting tela.
Face mask, sakto para sa anak ko.
"Sige ho, mauna na kami," pag ka sabi niya nito ay umalis na ang sasakyan ka sunod ang isa pang sasakyan.
Di na ako nakapag pa salamat.
Hapon na ng makauwi ako sa kung saan ang pwesto namin ng anak ko. Wala man lang akong nakitang kahit anong makakain sa mga basurahan. Maliban dito sa isang wala ng laman na plastik ng bote. Ano ng kakainin namin ngayon nito? Mag gagabi na ngunit wala pang laman ang aking sukmura, lalo na ng anak ko... Palapit na ako sa pwesto namin ng nakita kong namimilipit ang anak ko. Tumakbo ang ako para malaman kung anong nangyayari sa kaniya.
"Anak!"
"N-nanay, gutom na gutom na po ako..." naiiyak at namimilipit sa sakit ng tiyan ang anak ko.
"Pasensiya na anak, wala akong nahanap na kahit anong makaka in eh. Pasensiya na..."
Kahit ako ay maiyak iyak na sa kalagayan ng anak ko. Nasaan na ba ang mga tao? Nasaan na ba ang mga basura sa kalye? Paano na kami nito...
—————————————————
Hi reader, thank you for reading my article. Hope you're doing good. Keep safe!
Disclaimer: I pledged my honor that I did not copy anything or plagiarised.
I have posted this on my: Facebook
Mar. 2020
Covid-19 has created many problem in our life . The poor are the most suffering