At biglang Bumuhos ang Malakas na Ulan

10 51
Avatar for Zyrel04
1 year ago

Magandang araw sa Lahat kamusta kayo dito mga Friends.Tagalog muna ako today kay nahihirapan ako mag english hahaha!mahirap talaga pag hindi magaling sa English saklap.

Umulan din ba ng Malakas sa inyo kahapon?dito kasi sa umaga palang makulimlim na at pagdating ng Tanghali ayun bigla ng bumuhos ang napakalakas na Ulan may kasama pang Kulog at kidlat na malakas.Ang anak ko nga takot na takot.

Naghahanda na ako ng pagkain para sa tanghalian.Lumabas muna ako saglit kasi sumilip ako sa labas .Ang asawa ko naman ay pumunta sa kusina kasi may kinuha siya ,buti nalang nakita niyang may pumasok na tubig sa may kusina namin.Subrang Lakas talaga ng tagas ang bilis bumaha sa kusina .Buti nahugot agad ang extension .nako Kung hindi natanggal kuryente ang abot.

Tumakbo agad palabas ang asawa ko para tignan sa may Likod .Kaya pala pumasok ang tubig kasi nasira ang alulud sa labas.Buti at naayos agad,Ang iniisip ko pano nalang kaya kung Kami lang dito ng anak ko nako baha talaga sa loob ng bahay.Kasi hindi ko alam panu ang gagawin.Imbis kakatapos niya lang maligo nong time na yon ,no choice siya ligo ulit sa Ulan hahahah.

Pasalamat nalang talaga ako at ang asawa ko .Pagkatapos maayos ng asawa ko ang nasirang alulud sa kumain muna kami saka ako naglinis sa kusina dami kasing tubig na nakapasok sumakit likod ko kakawalis ,hahahaah.Habang ang anak ko naman nanggugulo sakin ,kaya ang tagal ko natapos sa paglinis.Kaya kahapon pahinga ako kaka celphone kasi naglilinis ako😆.

Sana naman wag na maulit yung pangyayari na iyon nakakatakot huhuhu lalo na pag kami lang dalawa dito!

Ang bilis din bumaha sa ibang lugar kahapon dahil sa subrang Lakas ng Ulan.

Akala ko kanina Uulan na naman Kasi makulimlim na naman ulit at umambon na naman .buti hindi tumuloy Ngayon ang init na naman.!

Gusto ko sana maligo kahapon sa ulan kaso napakalakas ng kulog at kidlat kaya di na ako lumabas baka mataan pa ako mahirap na😆.

Paiba-iba ang ihip ng panahon ngayon kaya wag kalimutang magdala ng payong kapag Naalis kayo ng bahay mga kaibigan.

Salamat sa mga Nagbasa ,pasensiya na po kayo ito lang nakayanan ayaw gumana ng utak ko.Anak ko naman nanggugulo na naman tinupak pa .Kahit papano nakakasulat din kagit kaunti!

10
$ 3.02
$ 1.89 from @qheen_am
$ 1.11 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @mhy09
Sponsors of Zyrel04
empty
empty
empty
Avatar for Zyrel04
1 year ago

Comments

bsta ingats po kau jan ate

$ 0.00
1 year ago

maraming salamat po kayo din

$ 0.00
1 year ago

grbe nman s generouss tysm po

$ 0.00
1 year ago

walang anuman buti dinalaw ako ng kaibigan nating ,si rusty heheheh

$ 0.00
1 year ago

sana dalawin nya din aq kht ayw nya hahhaa

$ 0.00
1 year ago

Grabe talaga laks ng ulan kahapon bah,nataranta pa ako kasi inutusan ako ni gha na isarado yung bintana kasi umaanggi yung router baka mabasa tpos natulog pa khym sa malapit sa bintana naangian din kahit my kurtina,eh natakot ako sa kulog at kidlat kay ng dahilan nalang ako na hindi ko abot hahaha,yaw2 siya oi hahaha

$ 0.00
1 year ago

hahaha ,bitaw kusog kaayu kidlat ai ,naghukad pa gayud ko ato niya wala madaun ug kaon kay nataranta pod me sa kusina kay daghn nay tubig hahha

$ 0.00
1 year ago

Daghan gibahaan kagahapon bah,

$ 0.00
1 year ago

Buti na lang talaga andyan asawa mo sis, hirap ng ganyan hindi mo alam ang gagawin mo hehe

$ 0.00
1 year ago

kaya sis eh,kung nagkataong kami lang ai baha talaga sa loob

$ 0.00
1 year ago