Welcome Back Inay!

14 34
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Panganay na Anak: Nay! bakit niyo po kami iniwan! Ha, Bakit niyo iniwan sa akin ang responsibilidad ng isang magulang. Hindi manlang kayo sumipot noong namatay si Itay!. Alam niyo bang kayo ang hinahanap niya bago siya namatay? Kaysakit Nay, kami ang nasa tabi niya pero hindi namin siya mapasaya, tapos ngayon babalik ka, na parang wala lang? Anong klase kayong ina? Anong klase kayong asawa ha? Sana hindi nalang kayo bumalik?

Inay: Anak, hayaan mo akong magpaliwanag, may mga rason ako, pakinggan mo naman ako Oh!. Akala mo ba madali lang to para sa akin, masakit anak, masakit na masakit. Akala mo ba ginusto ko ang mga nangyari? Masakit din sa akin, kung nasaktan ka mas lalo ako. Ikaw nakita, nakausap at naalagaan mo siya bago siya nawala eh ako ha? Hindi mo ba ako tatanungin kung anong nangyari sa akin ? Alam kong galit ka, pero makinig ka naman muna sa akin. Pwede ba yun anak?

Panganay na Anak: Hindi nga madali nay. Alam mo ba simula noong nawala ka lahat kami ng mga kapatid ko naghirap! Alam mong maysakit si itay bago ka umalis, pero ang masama doon hindi ka na bumalik hanggang sa namatay at nalibing na siya ay wala ka. Sige nga nay! Ipaliwanag mo kung saang lupalop ka ng bansa napadako. Bakit hindi mo manlang nabalitaan na namatay na si itay! Bakit hindi ka manlang nakabisita sa amin ng halos sampung taon. Akala namin nay, patay ka na. Dahil hinanap ka namin Nay pero wala ang hirap mong hanapin. Nagastos lahat ang ipon ni itay Nay sa paghahanap sayo. Yung pera na para sana sa pag-aaral namin ay nagastos lahat sayo, sa paghahanap sayo Nay. Gayong hindi ka na namin hinahanap nagpakita ka at bumalik. Mapagbiro nga naman ang tadhana no? Baka inaakala niyong magsasaya ako dahil nagpakita na kayo, hindi Nay! Galit ako sayo. Alam mo ba muntik ng mamatay si bunso dahil nagkasakit siya ng malubha. Marami kayong hindi alam dahil sa tagal ba naman ng panahon na nawala kayo. Baka ngayon may pamilya na kayong iba.

Inay: Anak kayo lang pamilya ko wala ng iba, maniwala ka. Naipit lang ako noon anak pero hindi ko kayo ipagpapalit sa iba, Mahal ko kayo Anak.. Bumalik ako, para ipaalam sa inyo ang ang nangyari sa akin, pero wala na ata akong babalikan. Ni ayaw mong pakinggan ang mga paliwanag ko sayo. Pero kahit ayaw mo, magpapaliwanag pa rin ako baka sakaling magbago isip mo. Miss na miss na miss ko na kayo anak, pakinggan mo naman ako, kayo ng mga kapatid mo.

Ikalawang anak: Ate pakinggan mo na si Inay. Baka hindi lang tayo ang nahirapan baka mas nahirapan pa siya kaysa sa atin eh. Ikaw nga yong alalang-alala noon eh. Palambutin mo naman puso mo ngayon ate, nandito na si Inay huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili kung pwede naman nating bigyan ng chance ang isa't-isa. Umamin ka na ate na kahit konti naging masaya ka sa pagdating ni Inay. Galit ka, kasi ano? Kasi kung nandito si Inay dati pa may asawa ka na dapat ngayon, pero dahil sa responsibilidad mo sa amin, pinili mo kaming tulungan kaysa magpakasal noon.

Inay: Patawad anak hindi ko alam. Kung alam ko lang sanang makukulong ako hindi nalang sana ako umalis. Nakulong ako Anak, napagkamalan lang akong nagnakaw ng malaking pera. Naglalakad lang ako sa daan ng may naghagis sa akin ng briefcase ioopen ko palang sana ang briefcase na yun ng may kumidnap sa akin. Hindi sila naniwala sa akin na binigay lang ang briefcase na yun. Linagay nila ako sa abandonang bahay na walang tao, imbes daw na ikulong ako linisin ko na lang daw ang bahay na yun araw-araw. Hindi ako makatakas dahil wala namang naniniwala na nakidnap ako, wala din akong nahingan ng tulong dahil lahat ng tao doon ay takot sa dumukot sa akin. Nakatakas lang ako ng dinala na nila ako dito sa Maynila at nagpunta agad dito. Anak hindi ko ginusto ang lahat, araw-araw akong umiiyak dahil sa kakaisip sa inyo sa tatay niyo. Oo anak, wala na akong alam sa inyo, pero anak hayaan mo akong makabawi kahit paunti-unti Anak kahit gaano pa katagal maghihintay ako anak, mapatawad mo lang ako.

Pangalawang Anak: Ayan ate, sino ngayon ang mas nahirapan sa atin? Sige na ate tanggapin mo na si Inay para makapag-asawa ka na huwag ka ng maarte diyan group hug please! Yaay welcome back Inay!


Pasali nga din sa prompt ni Sir @meitanteikudo na #promptfactory

Kung gusto niyo ding subukan heres the rules:

Tell a story, or a scene that uses nothing but dialogs. No narration is allowed and everything is said and described in the dialogs, including the setting, the character development, their feelings and reactions. Everything must be in the dialog.


Lead image source:https://unsplash.com/s/photos/family-hug

@dziefem nakagawa din haha

5
$ 2.99
$ 2.70 from @TheRandomRewarder
$ 0.13 from @meitanteikudo
$ 0.05 from @Bloghound
+ 3
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Buksan ang briefcase! :D Naalala ko si Kris sa Deal or No Deal :D

Kawawa naman sila at ganyan ang nangyari. Pero matatanggap naman na siguro si nanay Di naman nya ginusto din ung nangyari sa kanya.

$ 0.00
3 years ago

Wun sir bati dan hehe...thank sir sa upvote..

$ 0.00
3 years ago

Wun sir bati dan hehe...thank sir sa upvote..

$ 0.00
3 years ago

Aray ha. Medyo masaklap ang kinahinatnan pala ni inay. Sana'y magkapatawaran. :)

$ 0.02
3 years ago

Salamat po sa challenge, nahihirapan akong mag-isip ng topic hehe... Yehey salamat sa big tip po. Godbless!

$ 0.00
3 years ago

hehe no worries. :)

$ 0.00
3 years ago

Hala siya. Ang sad naman nun nakulong pa tlga. :(

$ 0.02
3 years ago

Oo walang maisip na twist hehe

$ 0.00
3 years ago

Huhu nakulong nman pala yun mother kaya di nakabalik agad😔

$ 0.02
3 years ago

Hi ma'am jt wun ma'am hehe

$ 0.00
3 years ago

Uyyyy. Maganda po ang dialog at flow nito. Pwede po ako makisali na gumawa niyan. Hehehe. Try ko din po para may ma publish ako na article. hehehe

$ 0.02
3 years ago

Oo pwede ata sa lahat hehe cge try.. Salamat sa pag appreciate hehe

$ 0.00
3 years ago

Hehe wag na kasi maarte eh no?

$ 0.02
3 years ago

Hi Ma'am bloughound hehe oo Ma'am bawal ng maging maarte hehe

$ 0.00
3 years ago