Voluntered as assistant of our Mayor in Town before!

17 50
Avatar for Zcharina22
3 years ago

12 Ausgust 14, 2021

Hello sa lahat!

Gusto ko lang ikwento yung two days kong pamamalagi sa bahay ng aming Mayor!

Bilang isang scholar ng aming munisipyo, nagvolunteer akong tumulong sa kanila, pasasalamat manlang sa tulong na binibigay nila sa aming mga studyante. Actually lahat ng scholars ay nagvolunteer. Libre kase or prinoprovide nila lahat ng kailangan ng isang mag-aaral. Sa mga elementarya, may libreng school supplies silang binibigay, sa high school naman libreng tuition, school supplies at stipend every year. Sa college naman every sem nagbibigay sila ng stipend. Lahat pwede maka-avail magpalista kalang sa munisipyo at basta resident ka sa lugar. Yung mga personal scholar nila libre lahat, bayad ng dorm at allowance every month. Swerte yung mga nakaavail ng personal scholar nila dahil wala ka ng gagawin kundi ipasa ang mga subjects at mag-aral ng mabuti. Lahat naman kailangang mag-aral ng mabuti para makaavail sa scholar ng bayan.


Sa aking pamamalagi sa kanilang bahay doon ko nakita kung gaano kabusy ang isang Mayor at Vice Mayor.

Ano ngaba ang pinapagawa nila sa isang volunteer na katulad ko:

Kapag marami silang bisita, at hindi kaya ng mga katulong nila ang pagsilbihan lahat ng mga bisita nila doon sila nagtatawag ng mga volunteers. Unang araw ko palang noon napagod ako dahil lakad, takbo ang galawan lalo na kung ang mga bisita ay ang mga kilalang tao tulad ng Congressman at Governador. Nakakahiyang magkamali sa harapan ng mga politiko. Kaya halos kaming lahat ay ingat na ingat ang bawat kilos. Mabilis ang galawan pero lahat kami ay kabado. Unang araw nagserve kami sa mga bisita hanggang sa makauwi sila. Kapag ganyang may bisita sila, dapat nakahanda ang katawan, nakakain ng maayos bago pumasok dahil hindi mo na maaasikaso ang iyong sarili sa oras ng trabaho.

Sa aming Mayor bawal magkamali, dapat alerto pag siya ang kausap mo. Eto yung iniiwasan kong gawin yung tawagin niya ako at kausapin. Natatakot ako sa kanya dahil nasaksihan ko kung paano niya pagalitan ang mga employees niya. Tahimik ang lahat pag siya ang nagalit. Pero ang maganda doon madali siyang makalimot, mamaya okay na tumatawa na siya parang hindi siya nagalit ng bonggang bongga. Minsan tinawag niya ako, nataranta ako, hindi ko na nadala sandal ko, hindi ko din kasi mahanap kung saan ko linagay yung sandal ko. Sa laki ba naman ng kanilang bahay at daming pinto na pinasukan ko hindi ko na alam kung nasaan yung sandal ko. Ayaw pa naman niya ng mabagal kaya hinayaan ko na lang, takbo ako agad sa kanya. Kinakabahan na ako baka pagalitan ako. Napansin niyang hindi ako nakatsinelas . Hindi na ako makahinga that time Diyos ko Lord! Ano ba tong pinasok ko! Tumawa siya na ngumiti basta yun yun haha "Haha gwapo pala ni sir pag hindi galit" Tinawag niya akong "Tukling"(yan ay ibon, tawag sa taong walang sapin sa paa) . Nakahinga ako ng maluwag hindi siya nagalit. Magpapatimpla lang pala siya ng kape. Ayan na naman, akala ko ba hindi siya nagkakape lol. Pinasa ko yung gawain sa katulong nila dahil hindi ko naman alam timpla ng kape niya, baguhan lang ako hehe. Makita ko lang si Sir noon nagkukunwarihan akong may ginagawa, at pasimpleng aalis, baka tawagin niya kasi ako. Bakit kasi nagvolunteer ako takot naman ako sa kanya haha lol.

Laking pasalamat ko natapos ang isang araw, the next day simple nalang pinagawa nila sa amin. Nag-ayos lang kami ng mga relief goods para sa mga barangays. Kapag nagstart na ang June every month na siyang nagbibigay ng relief . Hindi na ako sumama sa kanilang ibahagi ang mga relief sa mga ibang barangays, doon nalang ako sa barangay namin tutulong para makapagpahinga na rin.


Eto yung karanasan kong diko makalimutan ang magtrabaho sa kilalang tao sa aming bayan kahit volunteer lang. Nakakanerbiyos na nakakataranta pero naenjoy ko naman at fulfilling dahil nakatulong ako kahit papano sa mga taong tumulong din sa amin para umangat ang aming buhay.

7
$ 3.75
$ 3.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.06 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.05 from @Bloghound
+ 5
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Mahirap talaga maging scholar naranasan ko na yan noong hayskul pa lamang ako..

$ 0.02
3 years ago

Oo agree ako sayo, yung kailangan mong gawin ang lahat huwag mawala yung scholar.

$ 0.00
3 years ago

Sana lahat nalang sis HAHAHAAH. Pero totoo, nakakatakot magkamali sa harap ng politiko kasi baka mamaya majudge ka agad

$ 0.02
3 years ago

Oo nakakapressure, nakakatakot magkamali hehe

$ 0.00
3 years ago

Sana all scholar. Buti pa diyan sa inyo lahat makaka-avail, sa amin kasi pinipili lang nila, mostly yung mga nag-aaral sa public tapos kaming mga nasa private na di naman mayaman at hirap sa tuition ay walang pag-asa. :(

$ 0.02
3 years ago

Opo lahat pwede makaavail basta resident sa lugar at walang bagsak..

$ 0.00
3 years ago

Ang bait nmn pala ng mayor niyo at mas ok pa yan kesa yung laging nkangiti pero may attitude nmn😉

$ 0.02
3 years ago

Oo mabait pero grabe kung magalit.hehe

$ 0.00
3 years ago

Napakabait naman ng mayor nyo,lalo nat nagbibigay pa ng scholar,sa amin kasi hindi lahat makaavail nyan.

$ 0.02
3 years ago

Lahat po pwede makaavail basta resident doon at walang bagsak yun lang ang requirements nila.

$ 0.00
3 years ago

naks naman, keep it up hanggang sa makatapos ka beb...normal talaga ang nerbiyos lalo na't prominente at nasa politika ang pinag sisilbihan...at least may experience ka na

$ 0.02
3 years ago

Oo mommykim nakakatakot ngalang gumalaw galaw pag nasa paligid lang sila hehe

$ 0.00
3 years ago

Matalino, keep it up for your dreams!

$ 0.02
3 years ago

Hindi po ako masyadong matalino, masipag lang..hehe

$ 0.00
3 years ago

Hehe sige na nga sinabi mo eh :)

$ 0.00
3 years ago

Wow scholar. Congrats, sis!!!!

$ 0.02
3 years ago

Opo ate kahit papano po nakakatulong din yung stipend na bigay ng Mayor namin noon po yun ate hehe .Yung mga personal scholar nila yung swerte lahat libre every month my stipend libre pa dorm nila..

$ 0.00
3 years ago