Hello! Wala akong article kahapon dahil sa sobrang kabusyhan. Ramdam ko din ang pagod pero okay lang dahil parte ng ating buhay ang mapagod. Dahil sa dami ng customers kahapon nagkanda mali-mali ako ng taong renereplyan, buti nalang tama ang lahat ang orders na pinapadala ko.
Dagdag stress pa sa bahay namin dahil nabudol ata sila. May nagpaseminar na nagbibigay sila ng libreng coaching on how to make oraganic fertilizer and libreng abono na din. Siyempre kung libre lang din marami ang naeengganyo at bilang magsasaka kung saan ka mas nakakatipid doon ka, and grab the opportunity agad-agad. After a year nagulat nalang sila na sulat na dumating akala nila ayuda hehe. Ayon pagkabukas iyon pala ay sulat na kailangan na nilang magbayad abono na akala nila ay libre. Dahil walang silang cash, humingi sila kay ate ng less than 3k kase nakakahiya naman kung hindi babayaran iyon. Napagalitan sila ng konte dahil bakit daw hindi sila aware. Nagalit si ate pero nagbigay din naman hehe.
Yesterday night, nagulat ako ng binigay na ni boss ang sweldo ko for 15 days. Ayeah nawala bigla pagod ko hehe. Pero dahil pauwi sila ng ilocos ngayon lahat ng dapat matutunan ay itinuro niya na sa akin dagdag stress pero inspired ako dahil sa on time ang salary, ay naging attentive pa lalo ako.
Sana lagi akong gabayan ng Diyos sa aking trabaho na huwag akong magkamali dahil hindi biro ang magkamali at mapagalitan ng amo at customers, usapang pera pa naman. Bawi po ako sa inyo mamaya. Sa ngayon po babye po muna at ako'y magtratrabaho na ulit. Thank you and Godbless! Ingat😊
Sahod time :) pero ang sarap makakuha ng pera na pinaghirapan diba Sis? Kaya hanga ako sayo napag sasabay mo ang trabaho at itong readcash. Ingat palagi