Pwede ba magdrama muna dito? Pasensiya na kung hindi ito yung article na gusto niyo ngayong araw. Maiintindihan ko kung hindi niyo ito babasahin.
Pasensiya na Zcharina kung magdradrama ako ngayong araw. Alam niyo ba yong kuya ko kung makahusga ay wagas? Alam mo yun hindi naman ako araw-araw umiinom eh tsaka pag umiinom ako ladies drink naman mga wine, sojo mga ganun tapos mga dalawa o tatlong beses lang naman sa isang taon hindi ko pa nga ubos ang isang bote ng soju eh tapos kung magkwento sa ibang tao malakas akong uminom.
Noong una akong uminom together with zcharina ay taong 2018 pa yun christmas progam namin yun sa aming dorm. Nag-request yung mga dormate namin sa aming land lady na inumin or alak nalang yung sa kanila. Binigyan nila kami ng $10 or 500 in peso binili namin lahat yun ng tanduay ice iba-ibang flavor may kulay red, blue at white pero hindi ko na tanda kung anong flavor ang mga iyon basta iyon yung mga kulay. 13 bottles lahat yun kase 36-39 ang isa tapos 17 kaming lahat na nagdodorm doon, pero hindi lahat ay dumalo mga 10 lang kaming available noon yung iba ay may emergencies.
Yun yung pinakamasayang christmas namin sa aming dorm kase ang daming handa maraming akong rommate na magaling magluto tapos sila tita at tito ang landlord namin ay nakisali sa amin, grabe ang saya noon dahil ang daming pagkain tapos kakauwi lang yung anak nila tita galing abroad mayaman sila tita dahil dalawang anak nila ay nagtratrabaho abroad nurse sila doon. Kaya may chocolate, inumin, spaghetti, pansit, shanghai, cake at mga ulam grabe parang new year ang dating sa dami ng handa tapos may video oke pa kami. Bawal ang killjoy noon kaya lahat kami ay uminom ng alak at nakisali sa mga palaro, kahit konti lang kami ay ramdam namin ang saya dahil lahat ay nakisama, madami ring premyo mga school supplies at pera dahil nga sa anak nila tita na galing abroad ay nag-sponsor ng premyo. Madami kaming linaro like hep hep horay, stop dance, singing contest, calamansi relay, madami pang iba, may groups groups din yun eh hindi ko na maalala hehe basta yun. Kami ata hakot award ni besty noon kase wala kaming hinindian siguro epekto na din yun ng alak.
Iisang kulang lang yung ininom namin ni besty yung kulay white apat yun eh, halos dalawa lang kaming nakaubos noon kase yun lang yung medyo pasok sa panlasa namin. Alam niyo ba nangati kami kinabukasan dahil yung white tanduay ay expired ng 5 months ata basta expired yun. Kinabukasan lang namin nalaman na ganun. Mga 2-3 weeks kaming nangati yung kati ay nasa loob grabe natakot din kami buti nalang nadala naman yun ng gamot na citirizine. Simula noon natakot na akong uminom lalo na si besty. Umiinom nalang ako pag kasama ko pinsan ko magaling uminom yun pero ako diko pa ubos yung isang soju, bago ako bumili sinisigurado ko talaga na hindi expired.
Hindi naman ako magaling uminom eh gaya ng sinasabi ng kuya kong lasenggera ako na kaya kung uminom ng gin at red horse. Sa katunayan nga hindi ko yun kaya mabigat sa dibdib ko kaya hindi ako tumitikim ng ganun mga wine at soju lang ako pero timplado naman, gusto kong umangal pag kinakalat yun ni kuya pero hinahayaan ko nalang bahala na kung maniwala sila sa kanya. Bakit ko lilinisin ang pangalan ko eh nadungisan na. Bahala na ang iba basta alam ko sa sarili kong hindi ako lasenggera. Pero alam niyo iyon masakit kapag hinuhusgahan ka ng ibang tao pero hindi nila alam yung buong kwento kahit sinasabi kong hindi ako ganun wala eh nadungisan na yung pangalan ko. Pasa Diyos ko nalang mahirap din kaseng mag explain eh.
Pasensiya na sa drama kong kwento today.
Hindi ko alam kung busy pa si Zcharina..
Salamat sa magbabasa nito.
Kuyas are protective sometimes. Dont take it as something bad.