People say "Huwag umasa masasaktan ka lang?" Ito ang kadalasang sinasabi ng ilan sa atin dahil masakit nga naman pag hindi umayon sa atin ang panahon o hindi nangyari ang ating inaasahan.
Bakit ba kase umaasa ako sa isang bagay na impossibleng namang mangari? Dahil hindi ko masagot sarili ko tinanong ko ang aking ate na isang guro baka may sagot siya sa akin. Tinanong ko siya ng dalawang tanong:
Bakit umaasa ang isang tao?
Sobrang straightforward ang sagot ni ate. Sabi niya "umaasa ang isang tao dahil gusto nilang sumugal sa isang tao o bagay. Gusto nilang maramdaman ang feeling kahit hindi pa nila nakikita o nahahawakan dahil diyan marami ang nasasaktan dahil sa over excitement, over thinking, and sometimes naplano na nila ang lahat sa kanilang isipan. May eksena ng naganap, may scene ng nakikita kahit hindi pa nangyayari. Yan tayo eh masyado nating pinapalawak ang ating imahinasyon sa mga bagay-bagay na mangyayari pa lamang. Tapos ang nakasiksik na sa ating isipan ay mga positive image, thoughts, events lahat puro magaganda. Diva yan yung gusto nating makita sa buhay pero without welcoming changes in our expectation doon tayo nasasaktan at nabibigo bakit? Dahil ang gusto mo lang masunod o makita ay yung expectation mo. Kaya marami ang naloloko sa facebook at shoppe, eh akala nila maganda nakikita nila pero sa personal hindi pala.
Samantala, pwedeng umasa huwag lang over. May mga instances pa rin na dapat umasa ka sa buhay. Hal. umasa ka pa rin na makakanap ka din ng jowa sa buhay. Umasa ka pa rin na may magandang buhay sa kabila ng pandemic. Umasa ka sa mga magbibigay pag-asa sa iyong buhay hindi yung umaasa sa mga bagay na magbibigay negative impact sa buhay mo pag hindi nangyari. Halimbawa ulit huwag ka ng umasa na ipagluluto ka ng taong tamad. Alam mong tamad siya bakit ka pa aasa na ipagluluto ka eh alam mong tamad siya diva.
Bakit masakit ang umasa?
Simple questions tsk kase nga hindi nangyari yung inaasahan mong mangyari. Yung nakikita mong scene sa iyong isipan ay iba sa reality. Ang inaasahan mo o iyong binuo mo sa iyong isipan ay ilusyon lamang iyon, imahinasyon lamang iyon at wala pa sa realidad. Tandaan mo sis masakit umasa kapag iniisip mong deserved mo ang lahat at dapat mangyari ang lahat ayon sa iyong kagustuhan. Babaan minsan ang pride girl ha dahil kase diyan feeling ng ilan importante sila masyado.
Ganito mostly ang sinsabi ng ilan kapag bigo sa inaasahan: Napapasayang nalang sila at napapatanong nalang ng bakit hindi ako? Anong nangyari? Anong mali sa ginawa ko? Hindi ko ba deserved maging masaya at maranasan din yung nararanasan ng iba? Anong meron sila na wala ako? Anong ginawa nila na hindi ko ginawa? Bakit hindi ako crush ni crush? Hindi ba ako kapansin-pansin?
Di ba pag bigo ka kung saan saan ka dinadala? Napapatanong ka sa iyong sarili. Napapainom ka, napapagala ka, napapaisip ka, at higit sa lahat narealize mong masakit umasa kaya hinay na hinay lang haaha. Pero ang kinaganda naman nito natuto ka. Natuto kang maghandle ng emotion mo, nakilala mo iyong sarili na ganito ganyan ka pala pag bigo ka, ang mga karanasang ito ay experience mo din sa buhay na maaaring magbigay leksyon sa iyong buhay. Sabi nga ng iba masakit umasa at paasahin ang sarili pero may leksyon ito sa buhay.
Pakiramdam ko noong tinanong ko si ate estudyante niya ako haha. Well Explained sister! Sana hindi ka magsawa sa akin dalas dalasan ko para mahiwagaan utak ko hehe!
Thank you for reading!
Sobrang sakit umasa Sis hahaha maraming paasa sa mundo nakoo yan ang wag mong gagawim haha. Kusa naman may dadating :)