Kung walang maisip na isusulat paganahin nalang ang imahinasyon hehe. Let your mind do the talkings and scenes. My mind imagine this story, so its means its fictional hehe. Pasensiya na kung hindi gaanong maganda hehe.
Ava Pov
Ginagawa ko naman ang lahat pero bakit ganun ganito pa rin ako. Isa akong honor student noong nasa elementary at high school ako pero bakit ganito feeling ko wala akong natutunan. Bakit palagi nalang akong nahihiya. Ayaw kong matulad sa kaklase ng ate ko dati na graduate na ng college pero dahil nahihiya siya hindi niya ginamit pinag-aralan niya. Parehas kami masyadong mahiyain. Pero anong mangyayari sa akin in the future if ganito ako palagi.
I tried to interact with other people but I feel like I'm making them bored. Sino naman kase ang gustong makisalamuha sa akin kung isang sagot isang tanong lang ako diba? Paano kase maging bubly tulad ng iba na lahat nalang ng bagay ay nasasabi nila. Pero diba boring at nakakainis din yun. Yung hindi dapat sinasabi ay nasasabi nila. Ayaw ko ng ganun parang hindi mapagkakatiwalaan ang ganung tao.
Akala ko okay na ako yung nasa kuwarto lang mag-isa at nagbabasa ng books all day long . Okay naman ako sa ganyang set-up noon pero bakit ngayon may hinahanap na akong ibang pagkakaabalahan pero di ko naman mawari kung ano yun. Kulang kaya ako sa interaction? Pero sinubukan ko naman eh pero nabobored pa rin ako mas lalo na iyong kausap ko kase kusa na silang umaalis expected na silang nabobored sa akin haha. Pasayahin ko nalang sarili ko. Pero paano hindi ba ako baliw nito? Hhaah
Pumunta ako sa mall at may nakita akong video oke room for rent 500 for 3 hours. Hmmm parang yun ang kailangan ko ah sabi ko sa aking sarili. Sinolo kong renentahan ang isang room pero bago yun bumili muna ako ng snacks. Madaming snacks ang binili ko ginastos ko na lahat allowance ko for nextweek bahala na. Gusto kong maging hyper ngayon haha.
Bumili ako ng madaming chitchiria, siomai, shanghai at drinks. Mabobored pa kaya ako nito? Haha ang drinks ko ay soju with yakult and sprite oh saan kapa. Hindi ako malalasing nito dahil 10percent alcohol content lang naman. Ano kayang feeling pag may kasama ako. Huwag ko ng isipin yan maiistress pa ako haha.
Sa loob ng video oke room nakaramdam agad ako ng excitement, agad agad akong kumanta at linakasan ko ng todo ang volume dahil gusto kong makarinig ng ingay, gusto kong maramdaman na buhay lahat ng senses ko. Ang sarap sa pakiramdam yung wala akong inaalalang problema lalo nat sound proof naman tong room. Nakaka sampung kanta na ako ng may kumatok. Akala ko ba walang storbo, dalawang oras palang naman yung nacoconsume ko ah. Hinayaan ko nalang yung kumatok ayaw ko ng storbo kukumpletohin ko naman yung bayad eh. Bahala siya haha gusto kong sulitin ito kaya sumasayaw-sayaw ako habang ako'y kumakanta walang akong pakialam sa labas linakasan ko pa lalo ang volume hanggang sa wala na akong maririnig kundi ang malakas na tugtog at ang pangit kong boses. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagbreakdown yung masaya kong aura kanina naging malungkot na. Hininaan ko na ang volume dahil gusto kong marinig iyong iyak ko at tignan yung sarili ko sa salamin. Kaya pala walang nagtatagal sa aking tabi dahil ang pangit pangit ko. Wohhooo ikanta ko nalang ulit. Haaaay nababaliw na ako. Ganito pala pakiramdam yung wild and free parang nakakabaliw na hindi. Eto pala hinahanap ko iyong ingay na hindi ko naririnig, yung ingay na sobrang mapapaindak ako sa saya, yung ingay na nakakawala ng lungkot. Gawin ko ito next time talaga. Hanggang sa Hindi ko namalayan yung oras 8 hours na pala ako sa loob, tapos nakain ko lahat ng pagkain at nainom ko iyong tatlong soju. Para wala ng satsat yung staff sinubrahan ko nalang yung bayad ko. Kaya pala may katok ng katok dahil may susunod pala sana sa akin malas nalang niya dahil ako ang nasa loob haha. Lumabas ako ng mall at ako'y umuwi na bahala na sila sa kalat ko may tip naman silang 500 haha.
Pagdating sa bahay, nakaramdam ako ng pagod at the same time relief dahil nailabas ko ata lahat ng lungkot ko sa mall. Back to reality na ako kung saan kailangan ko ng harapin yung buhay ko. Gawin ko every week yun para kahit papano mawala stress ko sa buhay. Ganito siguro pag OFW magulang noh walang makausap tuwing nabobored ka sa loob ng bahay at hindi nabibuild- up yung social interaction dahil nga walang kang makausap at siguro kaya ako mahiyain dahil hindi ako sanay sa mga tao.
May tanong ako saan ka aabot pag bored ka na sa buhay? Ako sa mall sa may video oke room..Gawin mo din to para di ka mabaliw sa buhay haha
Signing off na me! BYERS!
Ako kapag bored Nood lang ng BTS haha , o kaya magkakape lang tapos gagala pupuntahan si jowa para mag foodtrip basta kung ano ang mapaglibangan .