Salamat August at read.cash sa Journey ngayong buwan!
Hello patapos na ang August kamusta journey niyo ngayong buwan na ito? Ako masaya na malungkot at ito ang aking ikukuwento ngayong araw! Masaya ang simula ng August para sa akin dahil unang araw palang bumili ako ng bagong cellphone. Wala pa akong balak bumili ng bagong cellphone kahit nagbliblink yung phone ko dahil hindi pa kasya yung ipon ko noon pero yung mga kapatid ko napansin nila yung cellphone kong nagbliblink tinanong nila ako kung may ipon ako. Pinakakita ko sa kanila yung ipon ko sa noise.cash at read.cash nasa 6500 yun eh. Naipon ko yan ng 3 months medyo maliit lang siya kumpara sa iba pero sa akin ay malaki na yan, ng mga panahon na yun hindi ako active makipag interact sa mga writers dito dahil nga nahihiya pa ako noon, naging active lang ako ngayong buwan na ito simula noong makilala ko sina ate bloughound, ate jaytee, sir articlee si dziefem at si mommykim. Sila yung consistent na nagbabasa ng mga article kong tagalog mula noon hanggang ngayon. Hanggang sa dumami na akong nakilala yung ibang writer nakilala ko sila sa noise.cash sila khing14, jeanesapphire39, meraki yung nagsponsor sa akin sina winz1998, at si Amy05, si Officialgamboalikeus ay agad agad siyang nag sponsor kahit hindi niya pa ako masyadong kilala. Simula noon sumasali na din ako sa mga prompt niya. Dahil sa kanila nagkaroon ako ng bagong pag-asa at inspirasyon para mag stay dito. Walang akong interaksyon last 3 months ngayong august lang talaga ako naging active. Simula noong nagkaroon ako ng interaksyon sa ibang users naging active na rin si random rewarder sa mga article ko kaya sobrang saya ko dahil malaking tulong ito sa akin sa at sa gastusin namin dito sa aming bahay. Yung naipon ko sa loob ng 3 months ay napunta lahat sa phone ko kaya lahat ng wallet ko ay naging zero balance. Nagsimula ulit akong mag-ipon. August 4 ng ibalita sa amin na namatay na ang isa naming uncle sa ilocos, ng mga panahon na yun nakaipon ako ng $19 agad agad ko iyong kinonvert sa peso para maipadala ko kay ate Marya trough gcash. Mabuti nalang medyo tumaas na yung bch noon nasa 29k plus siya. Gawin ko sanang isang libo yung ipapadala ko ay hindi umabot 900 lang yung napadala ko. Alam ko yung bigat sa gastos eh pag namatayan kaya agad-agad akong nagpadala kahit manlang financially ay makatulong ako. Sobra akong nalungkot dahil hindi ko manlang nasilayan si uncle sa huling pagkakataon mahirap umuwi dahil malaki ang gastos, madaming requirements, at quarantine pagdating doon kaya minabuti nalang naming huwag ng umuwi. August 18 naman ng ibalita sa amin na nanganak na yung ate namin pero cs siya, buti nalang covered lahat ng philhealth yung gastos nila. Excited ang lahat para bisitahin si baby. Nakabisita lang kami noong August 27. Kinailangan ko namang withdrawhin si bch galing kay read linabas ko yung $20 buti nalang talaga may earnings pa ako dito sa read dahil kawawa naman si ate kung siya lahat gagastos ng fare namin ang mahal ng pamasahe pero sabi niya huwag nalang daw, siya nalang gumastos, yung $20 na yun ilalaan ko na lang sa bills namin sa kuryente at internet sa susunod na buwan dahil nakabayad na si ate ngayong buwan. Thankful din ako sa frenny kong nagsusulat dito noong panahong busy ako. Kahit busy ako andiyan naman siya kahit sinabi ko sa kanyang withdrawhin niya yung earnings ng articles na sinusulat niya ay ayaw niya okay na daw siya sa load. Diba ang bait pero ako nagtatabi ako ng pakonte-konte para sa outing namin in the future. Dahil kay read at noise nagkaroon ako ng mga gamit na hindi galing kay ate nakakatulong pa ako dahil ako minsan ang nagbabayad ng internet kaya laking pasalamat ko talaga sa platform na ito dahil naproprovide niya yung gastusin namin personal man o hindi. Gustuhin ko mang mag-hold gaya ng ibang users hindi ko magawa-gawa dahil nga sa mga emergency ay mapapagastos ka talaga pero ang kinaganda naman nito ay may pinagkukunan kahit papano na hindi mo na kailangang umutang o magmakaawa sa ibang tao. Salamat nga pala sa mga writers dito na nagbabasa ng articles ko at nagcocomment kung hindi dahil sa inyo wala parin akong matatanggap na upvotes kay rusty. Pasensiya na kung hindi ko nababasa articles niyo on time. Hopefully po mauupuan ko ng matagal ngayon yung articles niyo hehe.
45 comments
Napaka inspiring ng article mo sissy,anlaking help tlga satin ang read.cash at noise.cash. ang laking naitulong sa karamihan. Dont lose hope sissy makakaipon ka parin soon ng higit pa sa inaasahan mo. God will always guiding us basta laban lng.
Thank you diyan ate hoping po sa lahat ng sinabi niyo sana magkatotoo hehe..
Keep going lng sissy,malayo pa mararating mo lalo na at ang ganda ng attitude mo sa lht,proud of you
Halla ate masyado mo naman po akong pinupuri haha pero thank you ate
True yan sissy nakikita nmn
Ate baka mapressure ako niyan hehhe thank u ate...
Keep it up sissy
Ang galing mong mg ipon pala kaya good job ka dyn..May 5 stars ka hehehe pero ang bait mo tlaga kahit bta ka pa. Condolence sa uncle mo
Hindi naman ako ganun kabait ate hehe sakto lang haha.. Sana madami tayong maipon no ate para sa pasko hehe
Hahaha bsta. Sana lng,tlga bsta tyga lng .lapit na tlga pasko
Berber na mamaya ate hehe
Tama ka at ang bilis ng araw tlga
Magaling2. Keep it up!
Salamat ma'am haha
Yung nakakatulong tayo galing sa kita natin dito ay achievement na :) The right time will come for you to HODL :)
Oo nga sana this berber na para makaipon para sa pasko hehe
The pressure is on sis :)
kahit ako walang na i hold kasi ginamit ko na expenses sa bahay...condolence din sayo beb...sana maging masaya na ang ber months natin
Sana nga ate hoping for that ate.. Sana talaga ate makaipon kahit papano para sa pasko hehe
kaya yan
Keep on writing girl, this platform really helps us in our daily life, I hope that you can reach your goal for next month, were all grateful with this great chances.
Oo laking tulong talaga ito pwede sa lahat kaya lang yung ate ko nag stop siya dito kase hindi niya hilig magsulat ng abot sa 4 minutes talk..
Galing naman sis.. Keep it up po and goodluck sa september earnings
Salamat sana nga lahat tayo makaearn ngayong beber months..
Kahit wala ka man mahold, it's true may nadudukot naman pag kailangan and that's more important my friend! Nakakalungkot lang na dahil sa pandemic hindi na tayo nakakapunta sa malayong kamag anak natin na namatay. Hays. Anyways, keep it up, you are doing good! :) ambait din talaga nga friend mong makulit haha.
Oo parehas kayong mabait, grabe ka talaga wala akong masabi sayo kundi salamat ng marami..
Hindi naman ako mabait ii hahaha. Walang anuman ng marami hahaha
Alam mo sis, sa bait mong yan mas maraming blessings pa ang darating sa'yo. I can sense how golden your heart is, kahit hindi ka man nakapaghold ng bch mo noon, pero yung pagmamahal sa'yo ng mga taong natulungan mo nag-uumapaw. The right time will come at dadagsain ka ng blessings, and I am praying for that to happen. Happy Ber Months, sis. 💖
Oh my Thank u so much..
Masaya ako at nakakatulong ang readcash sa mga pangagailangan nyo. Okay lang na hindi ka muna makapag hodl , unahin mo muna yung mga emergencies. I am sure makakaipon ka din soon. Good job sa lahat mg achievements mo and more BCH to come to you.
Thank you..
Thanks sissy sa sponsor. At sana madami pang blessing ang dumating sayo. Same tayo pag walang wala sa ipon ko sa noise cash ko kinukuha ko ang panggastos namin. Dito sa readcash looking forward ako na mapansin din ako ni rusty kagaya mo sis.
Mapapansin ka din ni bot ate konting tiis lang..pasensiya na maliit lang funds ko ate hehe
Sana nga sis. Tiyaga muna sa ngayon hehe. Ayos lang yun sis laking tulong na yun. Makita ko lang na meron nag sponsor sa akin tuwang tuwa na ako. ☺️ Parang achievement na yun para sa akin. Thank you sis
Haha walang anuman ate..huwag kang mag-alala ate marami pa kayong di nanonotice ni rusty baka pagsasabayin niya kayong lahat surprised daw yun ate haha
hahah hoping sis. Sana, sana talaga chaarot 😁
Oo hoping lang palagi haha
Oo hintay hintay lang ate.. Walang anuman pasensiya na maliit lang hehe
Nakakatuwa naman ate.. Nakasama ako sa namention mo.. Hehe.. Happy to be one of your friend po here sa read.cash
Sa noise kase kita nakilala hehe same here happy to know you here sa read hehe
Opo.. Naalala ko parang ilang beses kita natanong ng username mo dito sa read.cash
Oo haha
hehehehe...nakakatuwa noh> dami na natin nagiging kaibigan dahil sa noise.cash at read.cash
Oo yung iba nakakachat ko pa sila at naging close na rin hehe
same here sis...hahaha..nakakatuwa nga at may extended na friends tayo kahit hindi natin nakikita in person