Napahiya dahil sa paggamit ng lengguaheng jejemon at jargon sa eskwelahan!

20 49
Avatar for Zcharina22
3 years ago

2-August 2, 2021

Ang bilis ng panahon Agosto na naman sa susunod ber-ber months na! Ipon-ipon na para sa pasko. Pero bago ipagdiriwang ang kapaskuhan buwan ng wika muna.

Ngayong buwan na ito ipinagdiriwang ang "Buwan ng Wika" kaya sa pakikisali sa pagdiriwang na ito, magsusulat ako ng isang storya na gamit ang "Wikang Filipino".

@LucyStephanie eto na tagalog story..haha tungkol sa paggamit ng lengguaheng jejemon at jargon sa eskwelahan.

__________________________

"Anak ayusin mo naman pagsasalita mo, alam mong Filipino teacher ako. Ano nalang sasabihin ng mga tao, na anak ko hindi ko maturuan ng tamang pagsasalita at paggamit ng "Wikang Filipino"?. sabi ko sa aking anak na kung magtext ay nakajejemon na at kung minsan hindi ko magustuhan ang pagsasalita niya ng jargon na kung tawagin ay "salitang kalye or salitang kanto" "Ma naman nakikisunod lang sa uso, kung di makasunod tatawagin ka nilang ignorante, tsaka Ma, bakit naman konektado sa pagiging guro mo, nag-iingat naman ako, wala naman ako sa eskwelahan. Huwag mo naman akong pagbawalan Ma please!"

Ang anak ko ang hirap ng pagsabihan. "Anak maganda bang pakinggan ang "chaka, junakis, pwede pa ang erpat at ermat, baka madala mo yan paglaki mo. Hindi naman sa pinagbabawalan kita Anak kasi Filipino teacher ako bigyan mo naman ng respeto yun. Saka Anak yung sa jejemon baka madala mo yan sa pagsusulat ng mga requirements mo sa eskwelahan. Marami akong estudyanteng ganyan pati sa pagsagot ng exam short cut. Zero agad-agad ang mga yun sa akin. Yung tama sinusulat nila -Tma sa Mali-Mli. Tama at Mali lang ang isusulat short cut pa. Kaya anak ugaliin mong kumpletuhin ang mga salita huwag mong putulin o ibahin ang letra sa numero katulad ng text mo sa akin na "Ma, 22o otw na me". Sa totoo lang hindi ko yan maintindihan. Huwag naman ganyan Anak."Sana makuha ng aking anak ng pinupunto ko. "Ma uso na yan hindi lang naman ako ang gumagamit at nagsasalita ng ganyan na, infact lahat na ata ng kabataan. Kung susunod ba ako, susunod din ba ang lahat?Hindi diba Ma! Tsaka ang hassle na ngayon yung magtetext ka ng tamang spelling at pangugusap, kung may paraan para mapadali ang buhay doon ka Ma! Hindi na 90's ang buhay kaya nga naa-apgrade ang technolohiya para mapadali ang lahat ang jargon at jejemon napapadali din nila ang buhay minsan. Huwag ng KJ Ma, Muah Bye"

Ang anak kung yun ang dami ng alam ang hirap ng pagsabihan, mukhang ako pa matatalo sa kanya dito ah. Gusto ko lang naman siyang matuto at hindi mapagtawanan at isabuhay pa rin ang "Wikang Filipino"

Isang araw umiiyak siya bigla niya akong niyakap at sinabing "Ma pinahiya ako sa eskwelahan pati ikaw dinamay. Hindi ko naman sinasadya Ma, na gamitin ang salitang jargon at jejemon sa pagsusulat ng essay" Haaay ang Anak ko natuto din kailangan pa pala niyang mapahiya bago makinig sa akin. "Filipino subject ba yan?Saka anong sinabi ng guro mo Anak? Yan na nga sinasabi ko sayo eh dati pa hindi ka naman nakikinig sa akin." sabi ko sa aking Anak na dinibdib ata ang sinabi ng kanyang guro. " Tinanong niya ako Ma kung taga saan ba ako. Sinabi niyang taga bundok daw ako, bakit daw ganun ako magsulat at magsalita gayong guro ang aking Mama ng Filipino subject. Yung sinulat ko kasi Ma, "Ang Chakabels kong junakis" Tapos gumamit ako ng mga salitang uso ngayon gaya ng,"petmalu, sakalam, lodi, at marami pang iba. Akala ko makikiayon din siya Ma. Hindi niya pala alam ang ibig sabihin nun Ma, Eh nandoon naman na. Sabi kasi niya magsulat ng storya, eh storya naman sinulat ko." Ang dami kong tawa sa Anak ko.."Anak sinabi ko naman sayo na kapag yan nakasanayan mo madadala mo yan kahit saan, at makakalimutan mo ang tamang paggamit at pagsalita ng Wikang Filipino, kaya tama lang na nasita ka. Yan ang pinupunto ko sayo noon pa at sa eskwelahan mo pa talaga ginamit" "Sorry na Ma! Hindi ko akalain na pati ikaw idadamay ng gurong yun. Ma hindi ko maipapangako na hindi na ako mgasasalita o gagamitin ang wikang jejemon o jargon pero susubukan ko pong umiwas na. "Huwag mong lang subukan Anak, gawin mo!"


Sino dito gumagamit ng jejemon at jargon. May kaklase ako dati ganun magsulat, napahiya siya eskwelahan. Ewan ko ba kung sinasadya niya o hindi lang alam ang tamang spelling ng mga salitang tagalog.

Kung minsan kung anong nakasanayan natin nadadala yan sa ating pagkatao, katulad ng paggamit ng Wikang jejemon o jargon, hindi natin namamalayan na hindi na nagagamit ng tama ang Wikang Filipino, ang masama pa nito ipinagmamalaki pa ng iba na sila ay bihasa sa lengguaheng jargon instead na ipalaganap ang tamang paggamit at pagsalita ng ating Wikang Filipino na "tagalog".

__________________________llead image source: https://m.facebook.com/425860607915059/photos/a.425861724581614/920918335075948/?type=3&source=44#_=_

7
$ 4.42
$ 4.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @Bloghound
+ 6
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Filipino is also one of my best subjects pero never ko pa ata natry magsulat ng buong article na pure filipino. Salute. 👍🏼

$ 0.02
3 years ago

Try niyo po hehe mas madali ngapo sa akin ang magsulat ng tagalog kaysa english hehe kaya ayan tagalog lahat hehe Salamat po sa pagbisita..

$ 0.00
3 years ago

Hahaha. I've tried this jejemon thingy but only in text wayback 2012, after the said year I've learned that it is not good to read and see. But when it comes to school, exams, writing essays, I've never done that in my whole life. Saglit, bakit ba english ang comment ko haha. Basta yon, hindi ko sinanay sarili ko na gumamit ng mga jeje sa school. Haha.

$ 0.02
3 years ago

Hahahaha sisasanay ko sarili kong huwag ng magjejemon kasi nakakalimot na rin ako ng tamang spelling haha try mo jargon makiuso haha joke..

$ 0.00
3 years ago

Oo yan din. Nakakalimutan tamang spelling kagagamit ng jeje hahaha. Oh yeah, I used jargons before too. Now, I rarely use it tapos nasanay na kasi ako na hindi gamitin din haha

$ 0.00
3 years ago

nung bata pa ako uso talaga ang jejemon pero kahit kailan di ako makasunod sa ganyang uso kasi di ko bet...hehehe

$ 0.02
3 years ago

Ako rin mommykim pero sa pagbaliktad ng mga spelling gumagamit ako gaya ng sakalam, petmalu, lodi ganun nakikiuso lang. Hehe

$ 0.00
3 years ago

hahah ako di masyado kasi di ako sanay

$ 0.00
3 years ago

Dati uso po yung ganyan sa school namin pero ginagamit lang sya kapag sinasabi mismo o sinasalita o kaya naman kapag po sa text pero wala po akong mga classmate na gumamit ng jejemon o jargon sa klase na mismo. Pero dapat nga po may maging mahusay tayo sa mismong lenggwahe natin kase yung iba mas magaling pa sa mga ganyan salita eh.

$ 0.03
3 years ago

Oo ngapo..pero may clasmate po talaga ako dati ganun siya magsulat ewan ko lang kung natanggal na niya yun..

$ 0.00
3 years ago

Siguro po natanggal nya na pagiging ganun nya di na po uso ngayon ang jejemon eh.

$ 0.00
3 years ago

Haha nakakaloka, may ganyan na palang isyu sa mga schools ngayon. Sabagay di maiiwasan tlga pag nasanay na. Pero sumakit mata ko sa mga "nakahubad" na letra. hahahaha.

$ 0.02
3 years ago

Oo may ganun siguro tinamad siya pagsusulat gaya sa pagtext haha

$ 0.00
3 years ago

Di nman aq natuto nyan noon hahaha.. Taz di q din masyado maintindihan.. Maulawak nu kasta kasaok hahhaja

$ 0.02
3 years ago

Wun Ma'am tay maopi kapay nukwa nu tay agsasao da hehe nagrigat makarelate nukwa aglalo diay jargon hehe

$ 0.00
3 years ago

Wen sunga bye kunak ladtan hhahaha

$ 0.00
3 years ago

Naabutan ko jejemon days, nakakamiss jejemon days. MAdalas rin ako gumamit ng mga ganyang salita, like mader, pader, ermat, junakis, petmalu, or any shortcuts na nalasanayan ko before. Jejemon year parin pinakabest generation por me 🤣

$ 0.02
3 years ago

Alam mo ba sa church ko unang naintindihan yang mga baliktad na spelling, naging topic kasi yung mga trending doon dati, pag sa friends ako magtanong pagtatawanan ka hahah

$ 0.00
3 years ago

Kaya sikapin nating gamitin ang proper words, ding hehe. Like "thank you" instead of ty. I mean "salamat" kunak koma. Naglawaan pay la space 😁

$ 0.02
3 years ago

Hahaha wun ate baka dadduma isasao da ngem dita met gayam ammo sawen na. makikintinnulad da lang hhehe kastaak dati ate uray saan ko ammo ti kayat na sawen ket makigamgamitak haha

$ 0.00
3 years ago