Nanghihiram noon ngayon siya na ang Nagpapahiram!

22 56
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Nanghihiram noon ngayon siya na ang Nagpapahiram! Bongga ka Day! Bongga! Sana all!

Hi, ako si Novana mula sa Probinsiya ng pinakamahirap sa lahat. Alam mo yun kahit ukay-ukay walang pambili yung naghihintay ka na lang ng ayuda galing sa Gobyierno. Naranasan niyo ba yung naranasan ko na lahat ng gagamitin sa mga okasyon sa eskwelahan ay hiram lamang. Alam mo yun hiram na lang ba ang lahat? yung ingat na ingat ka sa bawat galaw kase baka masira mo yung damit, sandal at kung ano-ano pa. Naalala ko dati JS Prom muntik na akong hindi dadalo dahil walang mahiram na damit ni mama,kailangang dumalo dahil ang laki ng multa mas mataas pa sa gagastusin tapos one day community service pa  the heck. Ewan di kami pinagpala eh. Iyak ako ng iyak bakit ang unfair ng buhay.

JS Prom talaga yung diko makakalimutan dahil hiram lang ang lahat ng gamit from head to toe. Kung pwede nalang magtsinelas nalang,  tapos uso pa ang make-up, kung saan-saan ako nagpa-ayos noon. Yung hindi ko kinakausap na kaklase ko kinausap ko na maayosan lang ako. Alam mo yun kapalan na lang ng mukha . Pwede namang umatend ng walang make-up pero nakakahiya yun espesyal na okasyon yun eh. Tapos ako yung tagabutas ng upuan dahil hindi naman din ako kagandahan hahahaha. Okay lang yun basta maayos yung mga damit kong hiniram. Yun talaga inaalala ko noon haha imbes na mag enjoy, tapos hindi ako comfortable kase hindi naman yung sukat ko eh ang daming aspileng nakalagay baka matusok pa ako pag may umayang sumayaw sa akin. Pero sa kasamaang palad walang naligaw hahhaha gagi sila. Ganun ba ako kapangit? Ang aarte naman nila, pag ako gumanda yari kayo at who you kayo sa akin..lalala joke lang! Pero ang nakakagulat may isang teacher na bumuto sa akin bilang star of the night. Diba ang astig yung akala kong ako yung pinakapangit noong gabing yun malaman-laman kong choices pala ako ng isang guro bilang star of the night kung may panlibre lang ako sa gurong yun ililibre ko siya. Hahaha Di bale gagalingan ko nalang sa kanyang klase.

Pero alam niyo noong  nakaluwag-luwag na kami. Binili ko na yung mga wala sa akin. Ang hirap yung hiram lahat eh yung kailangan mo pang makarinig ng masasakit na salita bago ka pahiramin. Ang pagka unfair ng buhay ay hindi naman  yan forever eh. Oo kase yung ako yung nanghihiram noon ngayon ako na ang nagpapahiram diba ang bongga. Yung iba pinamimigay ko na lang tapos bibili na lang ako ng bago kase alam ko yung pakiramdam eh, masakit  yung hindi mo naman gustong humiram pero dahil wala kang pambili no choice di ba kahit kase ukay ukay lang wala eh.Tapos yung mga taong parang wala lang ako sa kanila dati ngayon papansin na the heck manigas sila joke haha

Curious ba kayo? Kung bakit bigla akong yumaman, ano may friend akong kachat abroad I think one year na kaming magkaibigan, mahirap din sila pero after niyang makapagtapos ng pag-aaral at nagkatrabaho na rin ay tinulungan niya akong makapag-aral tapos pinasok niya ako sa kanyang trabaho inshort gastos niya lahat-lahat ng gastusin tapos sa kanila pa ako nakatira.

Naging magiliw sa akin yung pamilya niya kaya walang naging problema. Kung tutuusin ang swerte ko sa kanila kase dati tanong lang ako ng tanong kung kailan ako yayaman, kung kailan ko mabibili lahat ng gusto ko ngayon abot-abot ko na lahat sobra sobra pa. Utang ko itong lahat sa friend kong foreinger.

Final thought:

Hindi lahat pinagpala sa una pero kung ikaw ay masinop sa buhay ay walang imposible. Huwag lang tanong-tanong kung bakit mahirap ka. Tanungin mo kung paano ka makakaahon sa buhay.

_______________________________________________

Still Zcharina’s Friend..Sorry for my fiction story, yung iba diyan ay totoo.. Good day!

Edited by zcharina mas magaling siya pag tagalog eh ...

Thank yow for reading!

Lead image edited from canva!

 

 

 

10
$ 4.22
$ 4.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @FarmGirl
+ 3
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Congratulations. Napakaganda. From rugs to riches. Bakit walang nag ayang sumayaw sayo. Gago ba sila hahaha. Ilibre mo na ngayun yung titser mo na bumoto sayo na star of the night

$ 0.02
3 years ago

Hehe joke lang yun nakakahiya hehe

$ 0.00
3 years ago

Usta han nga puros reklamo, hanap ng paraan para mapabuti ang sarili d ba naneng hehhehe iikot din ang gulong ng buhay

$ 0.02
3 years ago

Ate kasano nga dibalyan ta nagan mo ate

$ 0.00
3 years ago

Inbatikon jay old nagaramid ak baru

$ 0.00
3 years ago

Aaay apay ate na spam ka ate?

$ 0.00
3 years ago

Madin jay seed ko

$ 0.00
3 years ago

Hahhaha

Pati siak ate naexperience ko met eta diak naisave diay seedphrase ko mesa

$ 0.00
3 years ago

Saan po kaya makakahanap ng ganyan foreigner na friend at sobrang bait? Hahhaha sana all po. Tama naman po kayo bilog ang mundo kaya kung nasa ilalim ka ngayon malay mo bukas ay nasa ibabaw kana.

$ 0.02
3 years ago

Oo nga hehe pero huwag kalimutang maging humble pa rin kahit anong marating sa buhay..

$ 0.00
3 years ago

True po mas mahahalin ka ng mga tao kapag humble ka parin despite of what you have.

$ 0.00
3 years ago

Tama hehe

$ 0.00
3 years ago

Ganyan pag nag sumikap sa buhay.. Mabibili mo yung hindi mo nabibili noon..

$ 0.02
3 years ago

Oo magsumikap lang sa buhay then eventually si God na bahala sayo .

$ 0.00
3 years ago

Hindi ako naka experience ng JS Prom kaya hindi ako makarelate jan.

True kung gustong mabago ang ating buhay dapat may gawin tayo para sa ikakaunlad nito. Hindi yung tanong tayo ng tanong kung bakit mas maganda yung buhay ng iba, satin hindi. Nasa atin yun kung gusto ba nating mabago ang ating buhay.

$ 0.02
3 years ago

Oo sinisira lang natin ang ating araw kung ganyan ginagawa natin sa buhay..imbes na ganun gawin magsumikap nalang tayo..

$ 0.00
3 years ago

Tama. Dapat yung pagbabago magsisimula sa ating mga sarili. Positive mindset, hard work at huwag kalimutan mag pray kay God para gabayan tayo sa bawat hakbang na ating gagawin.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka diyan hehe

$ 0.00
3 years ago

Ang sarap mgkaroon ng gaya mong kaibigan,super cool at kalog joke lng pro super supportive na kaibigan kya napaka swerte sau ni Zcharina

$ 0.02
3 years ago

Haha sinabi mo pa ate bait yan..

$ 0.00
3 years ago

Ayna idi js prom mi idi high school bimmulodak me badok, ading hehe

$ 0.02
3 years ago

Oh kaslang diak mamati ate hehe..ngem nagbain ti bumulod ate no saan mo kamag anak aya ate .

$ 0.00
3 years ago