13, Agosto 15, 2021
Magandang gabi sa lahat! Nawa'y lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan at masaya sa kabila ng kalagayan nating ECQ. Mabuti nalang mayroon tayong tambayang, read.cash at noise.cash. Ano nalang kaya ang mangyayari kung wala ang dalawang platform na ito? Sa lahat ng sinalihan kong passive income na site dito lang ako nasatisfied. Kaya sobrang thankful ako sa friend kong nagpakilala nito sa akin, sa kasamaang palad tumigil na siya wala pa siyang isang linggo ay tumigil na siya. Pero concern naman pa rin siya sa akin dahil kinakamusta niya ako at tinatanong kung nag reread pa rin ako. Sinabihan ko siyang pwede pa siyang bumalik pero wala na daw siyang time. Nasasayangan ako sa earnings niya kung sakaling mag succeed siya dito. Pero wala na akong magagawa dahil yun ang desisyon niya.
Ang aking ikukuwento ngayon ay kung bakit sa dami ng naging crush ko ay wala akong sinabihan at never akong umamin. Kaya siguro single pa rin ako hanggang ngayon dahil masyado akong mapaglihim haha charr. Hindi ayaw ko lang yun, paiba-iba ng boyfriend. Kapag nakipagboyfriend ako ay dapat yun na talaga, pero siyempre wala pa yan sa aking isipan basta yun lang muna crush, crush lang hehe.
Pero hindi ko inakala na kahit crush lang ay masakit na hindi niya nalaman. Marami akong naging crush pero may umangat sa kanila, my ultimate crush in high school. Wala akong sinabihan na crush ko siya pero mga kaklase ko tsismosa, at sila pa ang unang nakaramdam kaysa yung manhid kong crush haha charr. Pero kahit nahalata na ng mga kaklase ko hindi parin ako umamin, linalait ko pa nga siya, kung ano-anong sinasabi kong di maganda maniwala lang sila. Kaya hindi ko sinabi dahil hindi pa ako umaamin ay ang dami na yung tumutukso sa akin. Oo kaklase ko siya school.
Bakit ko ba siya nagustuhan? Well, mabait kasi siya at masipag plus points nalang yung pagiging gwapo niya. Sa lahat kasi ng kaklase naming lalake siya lang yung gentleman, the rest basagulero na haha joke.
Isang araw nagkaroon kami ng laro lahat kaming magkakaklase ay kasali, bonding daw naming lahat kaya bawal ang killjoy. Guest kung anong laro, "Truth or Dare". Pwede humindi? Gusto kong umalis at tumakbo pero linock nila ang door. Masyado akong halata noong mga oras na yun, dahil pinagpapawisan ako na hindi ako mapakali haha. Mga kaklase ko kase mga pahamak alam kasi nila eh baka mamaya yung tanong nila ay diretso.
Pinauna ko muna ang lahat na umupo para alam ko yung iiwasan ko pero mga bruha kong classmate,ang binigyan lang na space ay doon sa tabi lang ni crush. "Ayoko na uwi na ako" Lakas nilang makahiyaw kala mo nanalo silang lahat ng lotto. Wala akong choice kundi umupo sa tabi niya " heart please calm down" ang dami ko pang buntong hininga bago ako gumalaw. Dina matapos-tapos yung mga pakulo ng mga bruha kong classmate may pasway-sway pa silang nalalaman. "Pwede bang huwag gumalaw o maging statuwa muna kahit ngayon lang? " "Lord stop this nonsense game mukhang katapusan ko na" napadasal tuloy ako.
Pero sa mga tanong nila ako nagulat. Tanong ba naman kay crush ay "Kung malalaman mong may crush si blank este sa tabi-tabi anong gagawin mo?" Dipa tinanong kung truth or dare may tanong na. Asan kaya yung truth or dare diyan. Gusto ko siyang tignan pero natakot ako haha. Nagprotesta siya sa tanong dahil wala pa siyang napili doon sa dalawa. Ayun napili niya Dare. Mga kaklse ko talaga pahamak ay ang Dare ba naman sa kanya ay "Titigan mo ngayong katabi mo left side mata sa mata for one minute" What the heck! Ako yung nasa left side niya.
Humarap siya sa akin pero hindi ko kayang humarap tapos eye to eye for one minute goodness! Pwedeng humindi? Bahala na bumuwelo muna ako bago ako humarap sa kanya. Guest what kung anong nangyari nasave ako dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok ang teacher namin next class na pala namin. Nakahinga ako ng maluwag doon ah. Thanks God hindi natuloy.
After yung laro namin, kinompronta ako ng pinsan ko kung may pagtingin ako sa crush ko. Sa tingin ko nakahalata din siya. Lahat kami magkaklase eh kaya walang dudang alam niya. Hindi pa ako nakakasagot ng sabihin niyang sila na the day before the game. Masakit nanghinayang pero in the first place, walang rason para masaktan ako diba? Walang rason ang lahat dahil wala namang kami. I guest accept the truth nalang at maging masaya kung saang mas sasaya yung taong nagpapakilig sa akin.
Salamat parin kay crush kahit hindi niya alam na crush ko siya atleast nalaman kong hindi pala ako manhid. Masakit din pala kapag hindi ka nacrushback ng crush mo.
Malay mo mgtagpo kayo diba... Kakilig nmn