4 Agosto 4, 2021
"Nay bakit ganyan po kayo, bakit kailangan kong baguhin ang aking sarili para matanggap ako ng iba. Bakit niyo pinagpipilitan na dapat ganito ganyan ang aking gagawin. Hayaan niyo naman akong gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin". Sabi ko sa aking ina na kasalukuyang nagagalit dahil hindi ko siya sinunod magsuot ng revealing dress. Hindi naman ako sanay sa mga ganyang damit. "Savy anak para naman sayo itong ginagawa ko eh. Gusto mo bang pagtawanan ka ng mga tao doon sa party ha? Gusto mo bang ipahiya kami ng daddy mo doon. Gusto mo bang magalit ang daddy mo sayo? Kung ayaw mong mapagalitan sumunod ka.!"
Kung ganun na si Mama wala na akong magagawa kung hindi ang sumunod ng sumunod palibhasa kasi takot siya kay daddy. Sa aking pagmumuni-muni sa party may naririnig akong nag-aaway pinipilit din ang isang binata na sumunod sa kanyang ama. Ewan ko ba kung para saan ang parting ito, kung bakit pinadamit ako ng back revealing na dress.
Nagulat nalang ako na marriage proposal pala tong party na to. Pero sana naman huwag nila akong idamay. Sana para sa iba ito, huwag sana ako, panalangin ko sa Poong Maykapal. Pero sa kasamaang palad tinawag ang pangalan ko sa stage pati yung binata kanina na pinipilit ang kanyang ama na sumunod sa kagustuhan nito.
Pinakilala kami sa isa't-isa at sinabing kami daw ang star of the night dahil nag-iisa kaming anak ng dalawang pamilyang sikat sa business industry. Pareho kaming heiress at balak nilang magmerge para sa mas malawak at mas malakas na kapangyarihan sa lahat ng business industry. Kung ang pamilya namin ay hotels at restaurant ang business ang pamilya naman ng lalake ay sa cruise ship at airlines naman ang hawak nila.
Hindi ko lubos maisip na bakit kami ay kasama sa business nila eh kung tutuusin kaya naman nilang magmerge ng wala kami sa eksena. Napalingon ako sa lalake na Austin pala ang pangalan. Kung ako ay nagulat mas nagulat siya dahil hindi niya din inaasahan ang nangyari. Bigla niya akong hinila palabas ng stage para daw kami ay makapag usap.
Nagulat naman ako sa kanya dahil nagagalit siya sa akin gayong wala naman akong alam sa mga plano ng aming mga magulang. "Savy ang pangalan mo di ba? Savy sabihin mo sa magulang mo na hindi ako pwedeng magpakasal sayo dahil ako ay kasal na. Wala pang alam ang aking mga magulang kaya please umurong ka, ramdam ko naman na hindi ka din masaya at tutol ka sa mga nangyayari eh." Sabi niya sa akin na mukhang problematic na sa kanyang sitwasyon. " Huwag kang mag-alala dahil hindi ko din naman ito gusto, wala kang problema sa akin, magulang natin ang problema dito."
Ng palabas na kami biglang nagbubulungan ang lahat ng mga tao at biglang sinuntok si Austin ng kanyang ama. Narinig pala nila ang pinag-usapan namin, masaya naman ako doon dahil ko na kailangang magpaliwanag sa aking mga magulang at higit sa lahat walang bisa ang kasal.
Sa aming bahay nagulat nalang ako ng umiiyak si Mommy nagsosorry sa akin at sasagutin niya na daw ang aking tanong na "Bakit kailangan kong sumunod sa kanila all the time?" Sabi niya "Savy Anak I'm sorry dahil muntik ka ng mapunta sa maling tao dahil sa amin. Mga kriminal pala ang pamilyang yon umamin si Austin anak na hindi pala sila ang totoong may-ari ng mga airlines at cruise ship pwersahan pala nilang pinapaperma ang totoong may-ari ng mga iyon Anak para ipalit sa kanilang pangalan ang lahat ng kanilang ari-arian sa pangalan nila. Akala namin anak magiging maayos ka, ligtas at masaya kapag sumunod ka sa amin. Iniisip namin na kapag kilala namin ang mapapangasawa mo ay magiging ligtas ka kaya binakuran ka namin sa lahat ng pagkakataon, masyado na pala kaming mahigpit sayo, na to the point na nalalayo na ang loob mo sa amin. Sana mapatawad mo kami Anak."
Masaya naman akong malaman na ganun ang intensyon ng aking mga magulang pero isaalang-alang din sana nila kung ako ay masaya sa kanilang kahigpitan. Pero masaya na akong malaya na ako.
Ako kaya kailan ako makakalaya sa restrictions ng aking sarili?
Pasensiya yan lang po nakayanan ng utak ko hehe
Salamuch sa pagbisita! Godbless sa ating lahat and always make ingat!
Lead image source:https://pixabay.com/photos/dove-freedom-peace-trust-prayer-3426159/
Ang hirap talaga kapag strict ang parents gusto nila sila palagi ang nasusunod kapag hindi sinunod mapapasama :(