Hello, In our life we need to be strong why? Because if we are that weak aapak apakan tayo. Pero ang hirap maging matapang kung matapang din kalaban mo di ba. Pero atleast malakas ka. I want to be strong like others iyong hindi masyadong maaapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao. Sabi nga ni @Garethgrey05 ang tsismis can't define us kung hind iyong tingin natin mismo sa ating sarili.
Ang hirap magkamali talaga pero minsan ang kamalian natin sa buhay ay siyang daan para maging strong tayo sa buhay. Katulad na lamang ng aking kaibigan na nabuntis ng maaga, aminado siyang nagkamali siya pero dahil nandiyan na yan kailangan na niyang harapin ang kanyang kapalarang hindi pa dapat sana.
Tinanong ko siya kung ano ang napagdaan niya sa buhay, napaluha siya dahil hindi niya lubos akalain mahirap maging nanay ng maaga. Wala daw siyang magagawa kundi maging strong sa buhay dahil kailangan. May konting pagsisisi pero after niyang masilayan ang kanyang anak ibang tuwa o galak ang kanyang naramdaman worth it lahat ang kanyang paghihirap.
Laking pasasalamat niya dahil hindi siya nagpaapekto sa mga sabi-sabi ng mga tao sa kanya. Single mom man siya ang mahalaga sa kanya ay hinarap niya ng buong buo ang kanyang responsibilidad at ang kanyang pagakakamali sa buhay. Naiba na din ang kanyang perspective sa buhay kung dati panay sarili niya ang iniisip ngayon sabi niya mapabayaan na ang kanyang sarili huwag lang ang anak niya.
Sabi pa niya ang pagkakamali ay pwede pang itama sa maayos na paraan. May mga magiging consequence oo pero ang mahalaga ika' y natuto sa buhay. Siguro kung walang pagkakamali sa buhay hindi mo malalaman kung hanggang saan ang kaya mo. Dito masusukat kung gaano ka katatag at kahina sa buhay. Matuto tayong maging matatag at maging malakas sa buhay dahil yan ang kailangan natin sa buhay. Kailangan natin labanan ang hamon ng ating buhay dahil kung mahina tayo sa lahat ng pagsubok sa buhay mahuhuli tayo sa magandang buhay na naghihintay para sa atin.
Matuto tayong makipagsapalaran sa buhay. We don't know what will happen until we try. As for me there are times na mahina talaga ako pero habang tumatagal habang inaalagaan ko sa aking sarili ang pagiging mahina walang nangyari sa aking buhay, kumbaga walang improvement. Now I am willing to take a risk for my future. A risk that will change my self, my life and my career. Its easy to say but its not easy to do yes but I will do my very best para malabanan ko lahat ng hamon sa buhay.
-This is Barbie Zcharina's friend now signing off.
Thanks for reading Godbless!
Naku kapag mahina tayo sis talagang talunan tayo, sa panahon maging matapang tayo