Kung pagsubok lang ang pag-uusapan, naiyak ako sa kwento ng isang ina mapag-aral lang ang kanyang mga anak. Kung minsan nabibigatan na tayo sa pagsubok sa ating buhay pero hindi natin alam may mga taong mas mabigat pa ang pinagdadaanan sa buhay at ito'y kanilang nakayanan.
Kung sinukuan mo ang mga pagsubok sa iyong buhay ay para mo na ring sinabing ikaw ay mahina ang iyong kalooban. Minsan kapag nabibigatan ako sa aking problema iniisip ko na mas mabigat pa ang pinagdadaanan ng ibang tao kaysa sa akin.
Tulad ng isang kwento ng isang ina na kinailangan niyang itago ang kanyang mga anak sa bahay ng kanyang amo dahil stricto ang kanyang amo. Buti nalang may second floor ang bahay ng kanyang amo at doon sa second floor siya nakatira, ng mga panahon na iyon nag-aaral sa kolehiyo ang kanyang mga anak, Madaling araw palang naliligo na sila para hindi sila makita ng kanyang amo.
Pagdating sa pagkain, kung wala ang amo niya, doon na bumababa ang kanyang mga anak, doon lang sila nakakakain. Minsan nakahalata ang kanyang amo dahil napansin niyang may kumakalalampag sa taas, pero nagdahilan agad ang kanilang ina na may nakapasok na malaking daga sa kanilang bahay. Doon tumira ang kanyang mga anak dahil ng mga panahon na iyon ay wala silang pera pambayad ng upa ng bahay.
Tumagal sila ng ganung set-up ng isang taon. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang kanilang napagdaan sa buhay. Pero naiyak ako talaga ng sabihin ng kanilang ina na gusto na niyang sumuko pero dahil edukasyon lang kaya ang kaya niyang ipamana sa kanyang mga anak, nagtiis siya, at naglinis ng ibat-ibang bahay kada araw may ipambaon lang sa kanyang mga anak.
To cut the story short, graduate na kanyang mga anak at may maganda ng trabaho ngayon. Kasalukuyan silang nag-iipon para sa kanilang mansyon to be.
Ang pagsubok sa ating buhay kapag sinukuan natin walang mangyayari sa ating ng buhay. Katulad ng isang ina na kapag sinukuan niya ang pag-aaral ng kanyang anak ay walang mangyayari sa kanilang buhay.
Kaya laban lang tayo sa ating buhay, huwag tayong susuko dahil ang hindi sumusuko ay may magandang kinabukasan..
Yan din ang maiisip ko kapag pasuko na ako sis inaalala ko na maa may higit pang nagdusa kaysa sa naranasan ko kaya ayun bigla akong matauhan.