Kapag may ginawang kasalanan sa isang tao, kailangan mo siyang suyuin dahil mahirap ang may kaalitan lalo na kung mismong kapamilya mo pa.
Kung minsan kailangan mong magpakumbaba dahil mas importante ang samahan o magandang relasyon kaysa pride ng isang tao. Ang pakikisama ay mahalaga sapagkat kung marunong kang makisama, marami kang magiging kaibigan at tutulong sayo. Mas masaya at magaan ang buhay kung walang kaalitan o kaaway.
Kung marami kang kaaway, mabigat ang buhay, kaya naman makipag-ayos sa mga kaalitan dahil hindi pinagpapala ang may matigas na puso. Mahirap minsan, magpakumbaba at sumuyo ng isang tao pero kapalit naman nito ay kapayapaan ng iyong buhay at kalooban.
Ito ang ginagawa ko kapag ako ay nagkasala sa aking kapatid, magulang at mga kaibigan.
Unang-una humihingi ako ng dispensa
Kung minsan nahihiya akong humingi ng dispensa sa kanila pero mas nakakahiya kung wala kang gagawin dahil nakakabastos yon sa tao. Kapag humingi ka ng pasensiya sa isang tao ibig sabihin nagpapakumbaba ka at alam mong ikaw ay nagkasala.
Tinatanggap ko ang aking pagkakamali
Walang silbi kung makikipagtigasan pa ako dahil maslala ang sitwasyon kung walang titigil sa pagsasalita. Minsan pakiramdam ko kahit hindi ako ang may kasalanan ako ang nagsosorry para matapos na ang gulo.
Kapag may ginagawa silang trabaho inaako ko
Halimbawa sa pamilya namin , kapag nakikita kong maraming ginagawa si Mama, si ate at kaya ko naman, tumutulong ako or inaako ko para kahit papano pansinin nila ako at makausap din sila na, seryoso ako sa paghingi ng dispensa.
Bumibili ako ng peace offering
Mas madali para sa aking mag sorry kung may dala dala akong pasalubong mostly food. Kung minsan nahuhulaan na nila ang aking pakay Oh diba instead na mabigla o magalit sila mawawala yun sa kanilang isipan.
Para mapatawad ako, tinatanong ko sila kung anong gusto nila
Ginagawa ko ang favor nila para mapatawad na ako hehe. Mostly, favors ng mga ate ko ay samahan sila sa mag pinupuntahan nila, hindi naman mahirap yung pinapagawa nila kaya sinasamahan ko sila. Sa aking mga kaibigan naman ay request nila is food dahil food is life sa kanila. Sa aking mga magulang, isang palo lang daw para magtanda ako haha. Matanda na nga ako napapalo pa haha
Ipakita na seryoso ako sa aking intensyon
Paano ko ba pinapakita na seryoso ako?Kailangan ba iiyak? Siyempre, pinapakita ko sa kanila na seryoso talaga ako,na hindi lang joke-joke yung paghingi ko ng tawad.
Huwag ng gawin kung ano yung ayaw nila at kung ano yung ikinagagalit nila
Kapag humingi ka ng tawad, ibig sabihin hindi mo na ulit gagawin ang ayaw nila kasi bakit ba nagagalit ang isang tao? Nagagalit sila dahil may mali kang ginawa o nasaktan mo ang kanilang damdamin. Una sa lahat siguro ay iyong hindi mo pagsunod sa kanila kahit kapakanan mo naman ang kanilang hangad. Pangalawa, hindi ka tumutupad sa usapan or promise mo sa kanila or sa iba siguro mas mabigat pa diyan.
Humingi rin ako ng tawad at gabay sa Diyos
Mas mapapadali ang lahat kung ipinapa Diyos mo ang lahat ng bagay. Siya pa mismo ang gagawa ng way para mapadali ang lahat.
Ang paghingi ng tawad minsan ay mahirap lalo na kapag hindi mo nakasanayan pero mas mahirap mabuhay ng may kaalitan. Kung may magagawa ka para bumalik ang ang dating samahan ay gawin na dahil napakaliit ang mundo para hindi kayo magkita-kita. Kung hindi na talaga bumalik sa dati ang samahan ang mahalaga ay nakahingi ka ng dispensa. Tanggapin ka man o hindi, kailangan mong ding tanggapin at irespeto ang desisyon nila dahil nga ikaw ang may kailangan sa kanila.
Nahihiya akong humingi ng kapatawaran minsan dahil parang hindi naman sila seryoso pinagtatawanan pa ako. Pero mas mahalaga naman sa akin yung samahan namin kaya kung anuman ang kakahinatnan ng paghingi ko ng tawad ay kailangan kong tanggapin yun.
Samahan ang pinakaimportante sa lahat, maliit lang mundo at maiksi lang ang buhay kaya gawin ang mga bagay na ikagagaan ng iyong kalooban.
Lead image source:
Tama, sana all marunong nito. Mahirap tlga sa iba na umamin pag nagkakamali pero kung kilala natin sarili natin mas madali itong magawa.
Ako pag alam kong mali ako nagso-sorry tlga ako. Tama lang yun. Lahat naman tayo di perpekto. Kaya nakakagalit yung mga politiko rin na kurakot eh. Alam na ng buong bayan yung kabulastugang ginawa di pa rin humihingi ng tawad at di ibinabalik ang mga dapat ibalik. Ay jusmio.