Ngayong araw na ito barbie turns 4 our nephew na talagang napamahal sa amin. They are just living upstairs pero lagi siyang bumababa para makipaglaro sa amin. Kung nasa bahay siya hindi niya na hinahanap ang mama niya kaya okay lang kung may pupuntahan ang mama niya dahil safe naman siya sa amin at gusto din namin siyang alagaan hehe.
Maaga palang nagsimula ng magluto ang mama niya nakakahiya dahil hindi manlang kami nakatulong hehe. Dito kasi sa Maynila hindi uso yung kapag may handaan ay sila sila lang magluluto at padalhan nalang yung mga kamag-anak at kaibigan nila. Hindi tulad sa probinsiya na pwedeng tumulong lahat ang kapitbahay sa paghahanda ng pagkain. Siguro dahil na din sa pandemic na bawal ang social gathering.
Ang sarap magluto ang mama niya gusto ko ng tumira doon haha xd. Lahat ng handa niyang pagkain ay aking tinikman grabe hindi ako matapos tapos sa pagkain. Hindi ako nahiya dahil wala silang bisita kami lang ng cousin ko haha. Kase nag-iingat din siya baka mabash daw sila hehe. Pinadalhan nalang niya yung kakilala niya dito. Pagkatapos naming kumain pinadalhan pa kami solve na yung dinner namin hindi na kami magluluto hehe.
Mahilig si barbie sa kulay pink kaya gusto niya kulay pink na cake pero kulay black yung cake dahil regalo yun ng aming anti. Buti nalang may kulay pink na decoration nagkasya na siya doon hehe.
Ang kanyang handa ay spaghetti, macaroni, shanghai, maha, ice cream at pancit. Lahat ay masarap naparami ata kami ng kain kaya after ng kainan napagpasyahan naming mamasyal sa mall. Linakad na namin para madaling maprocess yung kinain namin hehe. Wala akong picture ng macaroni at ice cream dahil nasa ref pa kanina hehhe
Nakalimutan namin wala pala kaming regalo sa kanya kaya ayun bumili nalang kami ng laruan at damit niya. Yung damit na binili namin hindi na niya pinansin hehe sa laruan na siya nagfocus hehe.
Grateful kami kay barbie kasi siya yung libangan namin dito. Nakakahawa yung ngiti at tawa niya kaya siya napamahal sa amin dahil ang sweet sweet niyang bata pero minsan nagiging masungit siya dahil pinipilit namin siyang mag-aral. Sa katunayan pwede na siyang ipasok sa Day-Care pero Mama niya sumusuko dahil tutok siya sa kanyang panganay na anak na nasa ikaapat na baitang. At mukhang mahihirapan siya kay Barbie dahil ayaw niyang mag-aral. Diretso nalang si Barbie sa kinder kung pwede.
Sana lang naging masaya si Barbie ngayong kaarawan niya kahit kami lang ang bisita niya hehe. Dahil sa walang bisita kami-kami nalang kumain hehe.
Eyyy ang sarap nang mga handa sissy hihi. Happy Birthday kay Barbie ☺. Initschapwera na yung damit sis haahha. Solve na sya sa laruan eh hihi