Bitin ang Panaginip!

4 41
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Sa araw na ito ay wala akong ginawa kundi humiga buong araw. Nababagot ako na hindi, hindi ko maintindihan ang aking sarili ngayon. Parang sawa na sa buhay na hindi, ewan. Kung hindi nagalit si Mama hindi ako magsisikilos. Iniisip ko kasi panaginip ko kagabi. Alam kong panaginip lang pero parang may pinapahiwatig sa aking buhay. Malapit na akong pumunta sa Maynila pero heto ako nagkukulong lang sa bahay.

Napaginipan kong bumalik kami sa Maynila kasama ang aking mga kapatid. Sa biyahe magkatabi kami ng kapatid kong lalaki. Nasa malayo na kami ng maalala kong nakalimutan naming dalhin iyong padala ni anti. Ganito kasi dito pag alam nilang may magbiyabiyahe papuntang Manila marami ang magpapadala sayo. Minsan nga sikreto ang pagluwas namin dahil mas marami at mabigat pa ang padalang gamit kaysa sa amin. Hindi sa ayaw naming tumanggap ng padala mahirap lang dalhin kapag nasa mismong terminal kana lalo na kapag jeepney ang masakyan pauwi sa aming bahay. Naranasan ko ito minsan lol wala kaming makitang taxi at hindi pa uso ang grab at lalamove noon. Napilitan na kaming sumakay sa jeep dahil nangangalay na kami katatayo at pagod din kami sa biyahe. Pati sa jeep hirap kaming pumara dahil ayaw nila ng maraming gamit sa loob at limited time lang allotted sa kanila para tumigil dahil magcucause daw kami ng traffic. Tinulungan na kami ng guard ng isang subdivision dahil nakita niya kaming nahihirapan na. Luckily mabilis siyang nakapara ng jeepney para sa amin. Tumulong na din siyang ipasok iyong mga gamit namin.Dahil sa karanasang ito hindi na kami/ako tatanggap ng maraming padala.

Going back sa aking panaginip, sa loob ng biyahe may nag uupdate ng covid sa amin laking gulat ko ng pinsan ko pala iyon, mas nagulat naman ako ng makita ko si Mama sa biyahe, pero hindi siya lumapit sa amin.

Makalipas lamang ng isang oras wala na akong katabi, wala na si Mama at wala na din iyong pinsan naming nagsasalita sa harapan. Hindi naman ako nabahala parang wala lang, normal lang ganun kasi kasama ko pa naman sila ate nasa isang tabi lang sila. Naiinggit ako kasi ang saya nila tapos ako nasa isang tabi lang at hindi nila ako pinapansin. Lumipat ako ng upuan pumunta ako sa tabi ng driver, may pakiramdam na kasi akong malapit na kami. Nagpara ako kasi nakita kong malapit na kami pero sinita ako ng aking ate malayo pa daw kami. Nahiya ako sa driver dahil tumigil talaga siya at tumahimik nalang ako.

Hindi naman ako nakatulog sa biyahe kaya nagulat ako na wala na iyong mga kapatid ko sa upuan nila. Hindi manlang nila ako sinabihan na bababa na kami. Nagpatuloy nalang ako sa biyahe kahit alam kong naiwan na ako. Nagulat nalang ako ng may pumasok na pasahero bed-ridden na siya dahil hindi maipasok tumulong ako. Napatanong nalang ako bakit nagpapasok ng ganung pasahero eh laganap pa ang covid. Ilang minuto lang tumigil na ang bus doon na daw ang terminal nila.

Pagkababa ko parang probinsiya doon dahil parang dessert doon na may basketball court, maraming tao at sasakyang nakaparada sa tabi-tabi. Parang bumalik ako sa probinsiya ulit.

Gumaan ang aking pakiramdam ng makita ang kakalse ko sa court pero hindi ko naman siya linapitan ngumiti lang ako sa kanya. Naisip ko may cellphone at load ako pwede kong gamitin para humingi ng tulong at magpasundo pero hindi ko ginawa. Ibang landas ang aking tinahak sinundan ko iyong mga taong hindi ko alam kung pauwi na sila o hindi basta sumunod lang ako sa kanila nagbabakasakaling makikita ang highway at doon nalang ako sasakay pauwi. Hindi ko pa nakikita ang highway ng magising ako dahil sa lakas ng sound ng radyo ni mama tinignan ko ang oras 4-am palang. Gusto kong ituloy iyong panaginip ko pero hindi na ako nakatulog ulit.

Napatanong ako, bakit parang naiiwan ako sa ere. Hindi ko pa ba alam iyong tamang landas na magbibigay ng kasiyahan sa aking buhay? Sila ate sa panaginip masaya sila doon masaya na sila sa kanilang buhay habang ako parang may hinahanap ako na hindi ko mahanap. Haaays sumasakit na ulo ko kakaisip..

Hello readcash fam! Thanks for reading🙂

6
$ 3.71
$ 3.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @dziefem
$ 0.02 from @Sequoia
+ 2
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Siguro 'wag mo na masyado isipin yan. Fighting lang sa life! Kumusta? Haha.

$ 0.00
2 years ago

Medyu weird yung dream mo sis ah. Pero anyways, don't forget to pray about it. Have a nice day ahead.

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap intindihin sis, wag mo bg isipin pray na lng lagi

$ 0.00
2 years ago

Mag pray ka lang sis, kung ano man yung pinahihiwatig ng iyung panaginip, tanging Panginoon lang nakakaalam lahat huwag ka na masyado mag isip para iwas sa sakit ng ulo.

$ 0.00
2 years ago