Sa trabaho hindi mo kailangan makipagkompetensiya. Gawin mo lang kung ano ang kaya mong gawin. Huwag kang mainggit kung ano ang kaya ng iba. Ito ang natutunan ko sa trabaho noong panahong nagtrabaho ako sa aming munisipyo. Tumagal din ata ako ng 2 years. Last last year hindi ko na renew ang aking kontrata noon dahil sa kagustuhan kong makasama ang aking mga kapatid dito sa Maynila at makapaghanap ng trabaho then kapag nakaipon mag-aaral ulit ako. Pero sa kasamaang palad nagkapandemic. Nahihiya na ako sa aking mga kapatid pero hindi naman nila pinaparamdam na pabigat kami sa kanila pero kasi nahihiya akong walang ginagawa sa bahay kundi modules at mga gawaing bahay. Kaya ng mag offer si Anti ng trabaho, nagdalawang isip ako dahil nga pandemic takot akong lumabas labas pero sabi naman niya work from home naman. Ang gagawin ko lang is to accept orders online and to communicate with the riders kung sila ay nalilito sa address namin dito.
Noong una madami talaga akong kamali akala ko hindi ko na magagawa ng tama ang aking mga gawain. Sa awa ng Diyos unti-unti ko ng nagagamay ang lahat ng trabahong binigay sa akin. Ang kinakatakutan ko lang gawin ay iyong magbook ng orders para sa costumer. Actually customers talaga ang nagbobook pero kapag ang customers ay hindi alam kung paano doon lang din ako nagbobook using lalamove.
Noong dadalawa palang kami ni anti, sobrang nahirapan ako kase kaliwat kanan ang orders, bukod sa makulit ang mga customers, magagalitin din sila pag hindi sila naasikaso agad.
Sobrang pasasalamat ko kase ngayon nadagdagan kami ng isa. May katulungan na kami sa lahat ng gawain gumaan naman ang trabaho dahil ang gagawin ko lang ngayon ay accepting orders online tapos sabihin nalang sa aking kasmahan kung anong orders ng mga customers at tagasulat na din ng dedication kung meron. Buti nalang medyo gumanda na ng konti ang aking sulat konting practice na lang hehe.
Konting sipag at tiyaga nalang malapit ng mag December end of contract na din.
Thank you for reading. Godbless!
Till next time!
Congrats sis sa less burden on your shoulders. Sana magkasundo kayo lahat jan. Laban lang.