Sa ating buhay minsan napapanghinaan tayo ng loob sa buhay dahil sa mga negatibong komento o panghuhusga ng mga taong feeling nila sila ay perpekto. Sa aking obserbasyon yung mga may pinag-aralan na ay sila yung medyo may pagkamayabang na pero hindi ko linalahat dahil may mga kakilala naman akong humble sa kabila ng taas ng kanilang narating.
Naalala ko yung isang teacher namin noong first year college ako na isa sa requirements namin sa kanya sa finals ay mag interview ng isang tao na alam naming matatag sa kabila ng panghuhusga ng tao sa kanya.
Ininterview ko ang isang binata noon na kinukutya dahil sa edad niyang 13 ay hindi pa siya marunong magbasa ng english, sa tagalog walang problema. Ayon sa kanyang nanay hindi niya kinakahiya ang kanyang anak dahil naniniwala siyang , ang mga kumukutya sa kanyang anak ay magiging kaibigan din niya in the future. Sabi pa niya parang mas malakas pa ang kanyang anak kaysa sa kanya dahil parang wala lang sa kanyang pagtawanan siya pero labis siyang nasasaktan kapag nakikita niya kung paano pagtawanan ang kanyang anak.
Doon sa binata naman parang ako pa ang nahiya dahil ang matured niyang mag-isip. Tinanong ko siya kung bakit siya kinukutya sabi niya hindi lang daw sanay ang mga tao sa kanya, balang araw yung mga feeling perpekto ay magpapatulong sa kanya.
Ayon sa kanya kinukutya siya dahil hindi siya marunong magbasa at umintindi ng english pero nakapasa siya sa english subject. Dagdag pa niya siguro naiinggit mga tao sa kanya dahil feeling nila favorite siya ng teacher nila kase sa kabila ng lahat pasado siya. Akala ng mga tao hindi siya nag eeffort sa katunayan sabi ng teacher niya sa english hindi lang siya marunong magbasa pero yung effort niyang matuto ay wala sa iba.
Nagpasalamat naman siya sa mga bashers niya dahil doon mas naging matatag pa siya at naging inspirasyon niya pa iyon para pag-igihin pa ang kanyang pag-aaral. Imbes na panghinaan siya ng loob lalo siyang naging matapang para harapin ang kanyang buhay dahil sabi nga niya kung ipapakita natin na tayo ay mahina sa kanilang paningin hindi sila titigil hanggat nakikita nilang nagpapaapekto tayo sa kanila. Instead make them guilty for what they are doing.
May mensahe pa siya sa mga edukadong tao na lumait sa kanya Sabi niya "Salamat sir/maam sa pagpapakita ng totoo niyong kulay, sana lang alalahanin niyong kayo ang tagaturo ng magandang asal hindi yung kayo pa ang nangunguna sa kabalastugan".
Hindi ko maimagine na ganun na siya katapang harapin ang mga pagsubok niya sa buhay.
May kanya-kanya tayong time of accumulating knowledge kaya huwag tayong manlait ng kapwa tao dahil hindi natin alam kung anong magiging impact nito sa tao. Hindi lahat katulad ni Tomy na malakas at matapang. Hindi siya marunong magbasa pero yung understanding niya ay to the next level. See? We have different potentials in life kaya huwag nating iparehas kung ano ang kaya natin sa iba dahil sabi nga nila we are all unique.
Thank you @Sequoia for renewing your sponsorship. More blessings po sayo!
Hindi naman kase kumo mga matatalino at nakapag tapos ay sila na yong perpekto di ba ,katunayan kung sino pa nga minsan yong sa akala mo walang alam pero sila yong mga naging success sa buhay.