Hello readcash fam! Kamusta kayong lahat? Sana okay lang kayo at nasa mabuting kalagayan. Hindi ako naging active ng ilang araw dahil dalawa sa mga kaptid ko at dalawang pinsan namin ay nagpositibo sa covid. Nagsimula ang lahat kay ate na nakasalamuha ng exposed sa covid sa kanyang trabaho. Hindi sinabi ng isa sa co-worker ni ate na positive pala asawa niya sa covid na hindi na dapat siya pumasok sa trabaho dahil nga exposed sa covid, dapat nag isolate na din sana siya para hindi siya makahawa.
Unang lingo palang ng September ay nakaramdam na si Ate ng ubo, akala niya normal lang ang kanyang ubo na nalamigan lang siya. Hindi kasi sanay katawan niya sa lamig lalo nat naliligo siya after makauwi sa work. Agad-agad siyang naliligo pagkagaling sa work para kung may naiuwi man siyang virus ay mawala agad. Pero pagkalipas ng isang araw linagnat na siya at nawalan na siya ng pang-amoy. Lahat na kami ay nagpanic kase nga maliit lang bahay namin at share kami ng room ni ate at ang isa pang pinsan namin pag nagkataon lahat kami ay damay-damay na.
September 6 noong tinawagan ni ate ang boss niya na hindi siya makakapasok sa trabaho kinabukasan dahil masama na ang pakiramdam niya. Doon binalita ng kanyang boss na exposed siya sa covid. Kinabukasan sinabihan si ate na magpa antigen test na kase malala na condition niya linalagnat siya, may ubo’t sipon at wala siyang pang-amoy kahit paamoy namin sa kanya yung mga pabango, zonrox, alcohol, lotion ay hindi niya daw maamoy eh masangsang na sa amin. Spray siya ng spray ng pabango at alcohol naghalo-halo na pero hindi pa rin niya maamoy. Nagbabakasakali siyang maamoy niya kase normal lang daw sa may sipon ang walang pang-amoy pero walang umapekto sa kanya. Tinitikman niya din ang asin baka wala na din siyang panlasa sa awa ng Diyos may panlasa pa siya.
September 7 nagpatest si ate antigen lang at isang oras yung resulta ng test. Hindi na nakakapagtaka na positibo siya sa covid dahil nagpapakita na ang mga sintomas ng covid sa kanya. Lalong naging mahirap ang sitwasyon ng yung dalawa naming pinsan na kasama naming nakatira sa bahay ay nakaramdam nadin ng lagnat at ubo. Para mapanatag kaming lahat nagpatest na din kami para malaman namin kung sino sa amin ang may virus. Nagpatest kaming tatlong magkakapatid at yung dalawang pinsan namin. Tatlo ang positive at dalawa ang negative. Positive ang dalawa naming pinsan at asymptomatic ang isa naming kapatid.
Dahil ganun ang nangyari kailangan naming humiwalay sa kanila para hindi kami mahawaan. Ang bilis makahawa ng covid kaya mag-ingat po tayong lahat.
Sa kasalukuyan nakaquaratine pa rin ang mga kapatid at pinsan namin. Araw-araw silang nag-susuob para gumanda ang kanilang pakiramdam. (Ang suob ay ito ay yung tubig na pinakuluan ng asin na yung iba nagtatalukbong talaga para malanghap ng katawan nila yung init at usok ng tubig na may asin) Hindi ito lunas sa covid pero malaking tulong daw ang pagsusu-ob para gumaan ang kanilang pakiramdam. Umiinom din sila ng mga vitamins para lumakas ang kanilang resistensiya at kumakain din maraming prutas.
Si ate ay fully vaccinated yung kasama niyang nagpositive ay hindi pa tapos sa second dose. Ayon sa kanila mild symptoms lang ang kanilang naramdaman baka mas malala yung symtoms ng covid sa kanila kapag hindi pa sila nabakunahan. Kaya malaking tulong yung bakuna kahit papano may panlaban sa virus.
Ako naman at yung isa kong kapatid na nag negative sa test ay ang taga luto ng pagkain at tagabili lahat ng kailangan nila kaya ako naging busy ng ilang araw. Hirap mag-isip ng uulamin nila araw-araw, doon ako nahihirapan kase kailangan masustansiyang pagkain yung ipapakain namin sa kanila. Minsan napapagod na din ako pero kailangan kong kayanin kase ngayon ako kailangan ng mga kapatid at pinsan namin.
Sa awa ng Diyos nawawala na yung ubo nila at maganda na pakiramdam nila. Kailangan lang nilang tapusin yung 14 days na quarantine nila. Sana lang patuloy na silang gumaling. Hoping ang praying for this one!
Lead image source:https://www.shutterstock.com/search/coronavirus?page=2
Hala. Sana gumaling na sila . Mag iingat po kayo palagi at mag pray lang kay lord. Lagi lang gawin ang mga protocol , mag facemask and hugas lagi ng kamay..