Ang inaasam-asam at pagmamahal ng isang ina!

13 57
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Fiction-short story

Ako si Naina may dalawang anak kambal at magkaiba ang kanilang ugali. Mahirap panatilihin ang isang pamilyang buo at sama sama sa hirap at ginhawa lalo na kung ang anak ay suwail. Hindi ko maintindihan kung bakit ang isa sa kambal ay may topak, ibang iba siya sa lahat ng anak na nakilala ko.

Kung ang anak kong babae ay mabait ang isa naman ay hindi kumbaga kambal sila pero hindi sa ugali. Ewan ko din, kung bakit kaya magulang ang sinisisi kung napapariwara ang isang anak gayong ginagawa ko naman ang lahat para matuwid ang aking mga anak sa tamang landas.

Hindi ko din namang ginustong mapariwara ang aking anak. Ako nga ang labis at unang nasasaktang makita na ang anak ko ay nasa kulungan. Pinakulong ko siya hindi para parusahan siya sa kanyang maling nagawa kundi gusto ko siyang matuto at gawin ang tama sa buhay.

Ako'y nanalangin na sana hindi siya masyadong mahirapan sa kulungan. Araw-araw namin siyang binibisita kahit mahirap para sa amin na makabisita, pero inuuna namin siya, dahil gusto naming makita niya na tanggap namin siya kahit sino at ano pa man siya.

Pagkatapos ng ilang araw sa kulungan, nakagawa ang aking asawa ng paraan para mapalaya ang aming anak. Masaya akong makita ang aking anak na malaya na. Sana lang malaya na din niyang kakalimutan ang mga maling gawain sa buhay.

Bilang isang ina, kung nakikita kong nahihirapan ang aking mga anak doble ang sakit sa akin dahil mayroon bang inang hahayaan nalang na makitang nasasaktan at napapariwara ang isang anak? Minsan nga kahit masakit na gawin ang isang bagay ginagawa ko kahit ikagalit pa niya basta matuto lang siya sa buhay.

Nakita ko ang aking anak kung gaano siya nasaktan sa amin noong pumayag kaming ipakulong siya pansamantala. Ginawa namin yun para matuto siya kahit ayaw niya, wala siyang nagawa ng posasan na siya ng mga pulis. Nakulong siya dahil sa droga.

Sa kanyang paglaya, nagulat ako dahil akala ko magagalit siya sa akin, sa kulungan, nakilala niya pala si Jesus sa kanyang buhay. Sabi niya kapag gabi sa kulungan may bible study daw doon. Nagpasalamat din siya dahil tinanggap namin siya ng buong puso.

Ngayon, handa na daw siyang magbago at gawin ang tama. Yan yung salita niyang sobrang nakapagpasaya sa aking puso, at sa aming lahat, lalo na ako dahil yun talaga ang aking inaasam sa buhay ang makitang nasa tamang landas ang aking mga anak.

Ang mga kwento niya ay sobrang nakakataba ng puso, hindi ko akalaing ang laki ng pinagbago niya, gusto na niyang maging pari. Wala naman akong tutol doon mas gusto ko ngang makita na marami siyang matulungan na magbalik loob sa panginoon.

Wala akong pinagsisisihan na pinakulong siya dahil kung titignan mo siya ngayon, nag-iba na ang kanyang pagkatao, lagi na siyang masayahin, minsan siya na nag-aayang magsimba, na dati wala siyang pakialam, pinagsasabihan pa kaming nagsasayang lang kami ng oras. Ngayon siya na ang naglelead sa amin pagdating kay Lord!

Yan yung gusto kong mangyari sa aking mga anak ang maging masaya sa buhay. Gusto kong makita silang nagmamahalan, at masaya habang buhay. Gusto kong maranasan nila ang mga bagay na hindi ko naranasan noong bata ako. Kaya nga nagpursige akong makapagtapos ng pag-aaral para sa mga anak ko. Pero hindi pala sapat na nakapag-aral ka lang at ibigay lahat ang kanilang pangangailangan. Dapat balanse ang oras sa kanila at sa trabaho.

Minsan sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari sa aking anak, dahil kung nasubaybayan ko sila ng todo hindi siya nakulong, pero sabi ng aking anak wala akong kasalanan infact nagpasalamat pa siya dahil doon nakilala niya ng lubusan ang panginoong Diyos..

"My labour of love has been paid, thank you Lord"

5
$ 3.65
$ 2.44 from @TheRandomRewarder
$ 1.05 from @Brigette0607
$ 0.05 from @Bloghound
+ 4
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Ang galing!!!!

$ 0.00
3 years ago

Thank u ate.

$ 0.00
3 years ago

😘😘😘

$ 0.00
3 years ago

nice story sis. Thank you at kahit sa isang maikling Istorya, alam ko na nais mong iparating sa readers mo ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Kahit na gaano pa tayo kasama, walang imposible. Kayang magbago basta tanggapin lang si Hesus sa puso :)...

$ 0.01
3 years ago

Nice meeting you po..bibisita din ako sa timeline niyo siguro bukas na..hehe

$ 0.00
3 years ago

same to you po :)...recently lang din ako medyo naging active dito sa read :)..akala ko kasi dati walang nagtatagalog dito kaya hindi ako madalas tumatambay.

$ 0.00
3 years ago

Ako trying hard sa english dati nung malaman king pwde ang tagalog ayun naging active hehe okay lang yan dipa huli ang lHat..

$ 0.00
3 years ago

trueee, dahil rin sa lesson masnakilala ko pa si God

$ 0.01
3 years ago

Thank you for passing by..

$ 0.00
3 years ago

Minsan talaga dadaan ang pagsubok para makilala natim c Lord.. 🙏 Nagmayaten ada lesson na 👏

$ 0.01
3 years ago

Hehe thank you Ate..

$ 0.00
3 years ago

Maraming mga tao na nabago ang buhay dahil nakilala ang Dios sa panahong silay nakulong.

$ 0.01
3 years ago

Oo nga po di mo akalaing doon pa pala nila makikilala si Jesus

$ 0.00
3 years ago