Forgive me if I will write it in Tagalog. My brain was not functioning the whole day. I just want to share my so unproductive day.
Sobrang tinatamad ako kahapon, wala talaga ko gana kahit mag cellphone. Para kasi kong magkakasakit, ang init ng pakiramdam ko tapos sakit ng ulo ko.
Kagabi, ayun na nga magkakasipon pala ko kaya ganon pakiramdam ko. Hindi ako makahinga dahil sa sipon ko. Sakit sakit ng ulo ko. Nasabay pa itong videoke sa kapitbahay namin na alas dose na ayaw pang lumubay. Yung tipong gusto ko na talaga magpost sa facebook na " Hoy magpatulog naman kayo " pero hindi ko magawa kasi issue na naman, saka si Mama andoon din. Siguro madaling araw nako nakatulog. Tinakpan ko na lang ng unan tenga ko para malessen yung sounds e.
So kinabukasan, ang aga nagising ng anak ko. Antok na antok pako pero kailangan gumising na. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Mama nakahiga pa. Alam ko na kung bakit. May hang over to. So ayun utos dito utos don. Wala e hindi pwede bako magreklamo ππ So ayun maghapon sya nakahiga dahil sa hang over nya. At ako masama padin pakiramdam. Tulo tulo sipon π Init pakiramdam e. Diba pag may sipon ganon?
Kahit may nararamdaman ka hindi ka pwede magpahinga kase wala mag aalaga sa anak mo. Sobrang antok na antok nako bandang 2pm , gusto ko matulog kaya pinanuod ko nalang anak ko ng cocomelon para maka iglip kahit 30 mins.
Fast forward.
Ngayon pinipilit ko na talaga matulog ng maaga. Sana makatulog π
Bukas nako magpapublished nung ginawa ko.
GoodNight Everyone
Spread Love
Mommy Yen.
Take a rest sis. Good night too.