Mas nanaig padin yung tunay na pagkakaibigan.
Pagkakaibigan na sinubok ng panahon.
Isang kaibigan na mas piniling magpatawad at umintindi.
Isang kaibigan na piniling kalimutan ang lahat at magsimulang muli
Ang kwentong ito ay nagsimula nung kami ay nasa High School pa lamang. Sa lahat ng myembro ng grupo si Rachel yung tinuturing kong pinakamatalik na kaibigan. Hindi ko alam kung paano nagsimula basta ang alam ko naging close lang kami basta. Lagi nya kong kasama kahit saan , kahit pa minsan kasama yung kasintahan nya na si Markuz. Minsan ako pa nga yung nagpapaalam sa kanila para payagan sya pero ang totoo hindi naman talaga kami magkasama at ang totoo nyang katagpo ay iyong kasintahan nya na si Markuz.
Nakatapos kami ng High School at nagtungo na ako ng Maynila para mag aral ng kolehiyo. Nung mga panahon na yon binilhan na ako nila Papa ng cellphone kasi kailangan na dahil malayo ako sa kanila. Isang araw nakatanggap ako ng isang mensahe sa isang hindi nakarehistrong numero. Tinanong ko kung sino sya at saan nya nakuha yung numero ko. Napanggap pa sya na ibang tao ngunit pagkatapos ko syang tarayan at sagutin na wag na wag na sya ulit magtetext sakin e binunyag na din nya kung sino talaga sya.
Sya ang kasintahan ng matalik kong kaibigan na si Markuz. Sinabi nya na kinuha nya yung numero ko kay Rachel at kinumpirma ko naman ito. Nung mga panahong iyon ay usong usong ang GM o group message at dahil doon lagi ko din syang napapadaanan ng mga mensahe ko dahilan para magkatext kami lagi. Yung mga palitan ng mensahe na yun ay naging madalas at lagi nya nirereklamo sa akin na wala ng oras sa kanya si Rachel. Minsan ako yung sinasabihan nya kapag hindi sila okay tapos sasabihan ko naman yung kaibigan ko na ayusin nila yong problema nila. Hanggang sa nasabi nalang ni Markuz sakin noon yung katagang " Buti kapa " .
Ang totoo , gusto ko ipagwalang bahala yung katagang iyon pero alam ko may kahulugan yon at nararamdaman ko din naman, ngunit ayaw kong mag isip at pinilit ko na manatiling natural lamang. Isang kaibigan para sa kanilang dalawa ngunit tila iba na yung nangyayari. Unti unti na akong nakakaramdam ng kalinga at ganon din sya sakin ngunit mali.
Bakasyon noon at umuwi ako ng probinsya. At tulad ng kinagawian , kita kita kasama ang tropa. Isang gabi sinabihan ako ni Markuz na puntahan namin si Rachel sa kanila. Dagli naman akong tumugon at kahit walang kasiguraduhan na papayagan sya na magulang nya ay pumunta padin kami sa bahay nila. Katulad ng kinagawian , ako lamang ang tumawag sa gate ng bahay nila Rachel at pinagpaalam sya sa kanyang ina ngunit sa kasamaang palad hindi sya pinayagan. Naglakad kami muli pabalik sa kung saan kami naggaling at yon ay sa aming bahay dahil sinundo nya ako bago pumunta kila Rachel.
Habang naglalakad kami malapit sa eskwelahan bigla nalang nyan hinawakan yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya at sinabi kong bawal ito. Hindi nya inalis yung pagkakahawak bagkus ay lalo nya pa itong hinigpitan. Inaamin ko naging marupok ako at nagpadala sa ganda ng mga buwan at butuin habang naglalakad kami. Ngunit ang mga sumunod na eksena ay ikinagulat kong tunay. Biglang na lamang nya akong niyakap na mahigpit at sinabing matagal na nya itong gustong gawin sabay halik sa aking mga labi na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako makagalaw at napatulala.
Oo ito ang una kong halik! Unang halik na sana nangyari sa isang romantikong paraan o hindi kaya ay sa lalaking tunay kong minamahal. Ngunit ito ay ay nangyari sa maling paraan at ang masakit ay hinayaan ko lamang. Pagkatapos noon ay humingi sya ng twad ngunit hindi ako nagsalita at nag aya na lamang umuwi.
Magulo yung isip ko kinabukasan. Hindi ko alam kung sasabihin ko ito kay Rachel o ibabaon nalang sa limot na parang walang nangyari. Ngunit nanaig padin yung kagustuhan ko na maging tapat kay Rachel at sinabi ko sa kanya lahat kahit alam ko na kapalit non ay pagkawala ng isang matalik na kaibigan. At iyon nga ang nangyari.
Nagpatuloy ang kanilang relasyon at nawalan ako ng isang kaibigan. Tinanggap ko lahat iyon dahil alam kong may pagkakamali ako ngunit isang araw nagulat na lamang ako sa mensahe ng kaibigan ko na sya naman daw yung tinetext ni Markuz at doon kami gumawa ng plano para sabihin kay Rachel ang lahat. Sinakyan ng kaibigan ko lahat ng pambobola ni Markuz at pinaalam nya ito kay Rachel.
At alam nyo ba kung ano reaksyon ni Rachel?
Okay Lang Yan. Ginagantihan ko na din sya. Nakipagbalikan ako hindi dahil mahal ko sya kundi para iparamdam sa kanya kung ano pakiramdam ng lokohin. Nakikipag date nadin ako sa iba at wala syang kaalam alam.
Naipaliwanag ko nadin yung sarili ko kay Rachel at pinatawad nya ko. Ngayon magkakaibigan padin kami. Halos labing tatlong taon na yung nakalipas. May mga sarili ng pamilya at masaya. Si Markuz? Wala na akong balita hahaha.
Naisulat ko yung artikulong ito pagkatapos kong mabasa yung artikulo ni @Eirolfeam2 nung nakaraang araw at habang nagbabasa ako ng komento para na naman akong sinasampal hahaha. Minsan din kasi akong naging marupok at gumawa ng isang bagay na mali at muntik ng ikasira ng pagkakaibigan namin. Pasensya na sa pamagat wala akong maisip e.
Duhhh, porket walang time talaga. Mga rason ng mga fvck boy yan ee. Pero ang maganda dun, mas pinahalagahan pa rin nya ang pagkakaibigan nila ni Rachel, and it's not really her fault. Markuz is the one initiated the kiss. Kaya sya ang may kasalanan, cheater talaga ampt