Kayo? Ano kwentong Aling Marites nyo?
Isa lamang akong tahimik na tao. Kapag sinabi kong tahimik ay hindi ako mahilig mangialam ng buhay ng ibang tao. May mga panahong madaldal ako sa mga taong kapalagayan ko ng loob ngunit ang aking pakikipagdaldalan ay hindi umiikot sa pangingialam sa buhay ng iba. Oo alam ko hindi maiiwasan na minsan pag usapan yung buhay ng iba. Sabi nga nila likas na daw sa tao yun pero sana kung pag uusapan man nating yung buhay ng iba ay hindi lamang puro negatibo at panghuhusga yung gagawin natin. Oo tama, minsan kasi kapag isa ka sa myembro ng mga tropa ni Aling Marites ay wala naman talagang dulot yung bunganga mo kundi puro puna sa kapwa mo kahit wala namang ginagawa sayo yung taong kinukwento mo. Yung feeling mo na alam mo lahat ng bagay, yung pwede kang manghusga na walang katapusan at kahit minsan hindi mo maririnig yung positibong komento sa kanila. Kahit yung tao nagsusumikap hihilahin padin nila pababa. Bakit ng aba ko humantong sa ganitong artikulo? Nakikinig kasi ako ng mga nagbabagang balita ngayon. Oo, tama ang pagkakabasa mo. Hindi ako nanunuod ng balita sa telebisyon pero rinig na rinig ko yung mga nagbabagang balita sa mga bunganga ng mga chismosa dito samin na pinangungunahan ng nanay ko. Sa totoo lang araw araw ko nalang silang naririnig at nakakairita din sa pandinig na wala silang ibang ginawa kundi pag usapan buhay ng iba. Yung tipong binabahay bahay nila yung chismis. Kunwari yung topic nila e yung isang bahay tapos sunod sa kapitbahay naman hanggang mapag usapan na nila yung buong purok naming. Minsan nga gusto ko na din silang irealtalk. Bakit hindi nila pagtuunan ng pansin kung paano uunlad pamumuhay nila hindi yong puro sila chismis. Kahapon nasagot ko yung isang chismosa. Kasi naman iritang irita nako e. Edi tungkol ito sa doon sa pina fifill upan nyang tag sheet na pinipilit nya kami sumulat. Nabanggit ko na yata ito noon sa noise e. Sumulat naman ako sa tag sheet kahit hindi ko naman kilala kung sino yung kandidato na magbibigay ng suhol samin. Oo, suhol yon haha. Tagal pa ng eleksyon pero may paganon na sila. Edi sumulat ako don, sinama ko na din pati buong pamilya naming kasi sa totoo lang kahit naman isulat ko buong pamilya ko dun e kami padin naman masusunod sa botohan. Pagkatapos ko isulat yon sabi ng kapitbahay naming ay pupunta sya sa mga kamag anak namin para ipalista din sila pero pagkatapos nyang pumunta nalaman nya na sa kalaban pala nung may ari nagpalista yung mga tita ko at ayun nag umpisa na silang pagchismisan tita ko. Hindi ko na sasabihin kung ano kasi nanay ni Molivs yon haha pero sanay nadin naman sila sa ganyan. Wala ng bago sa chismis dito sa amin lalo sa nanay ko. Medyo naiirita na talaga ko kaya nasagot ko na yung kapitbahay naming at sabi ko. “ eh bakit ba pati desisyon nila pinakikialaman nyo? Choice nila yun. E bakit hindi nyo hayaan”. Hindi nakakibo yung kapitbahay namin tapos umalis na din ako. Mga bandang hapon nagkumpulan na naman sila at syempre narirnig ko dahil nasal abas kami nagmimirienda. Ang topic naman nila ay tungkol don sa kalapitbahay namin na nagtayo ng maliit na ukay ukay business. Alam mo yong feeling na imbes na mainspire ka kasi nagtayo sila na maliit na negosyo o kaya naman maging masaya nalang sila para doon sa nagtayo ng negosyo. Alam nyo komento nila? “ Naku malulugi din yan. Madami ng ukay ngayon , sino pa bibili sa kanila. Kamahal ng bayad sa pwesto wala din silang kikitain nyan. “ and I was like, seriously? Haha. Natatawa nalang asawa ko habang nakikinig tapos sabi ko sa asawa ko “ buti nga sila nagsusumikap , e kayo ano ganap nyo sa buhay nyo. “ Tapos lumipat na naman sila ng target. Yung topic naman nila e yung single mother na tiga dito samin. So si single mother kasi nakahanap na ng trabaho , bale nagtatrabaho na sya sa Manila bilang isang sales representatitve sa tindahan ng cellphone sa isang mall. Yung imbis na matuwa sila kasi may trabaho yung bata at masusuportahan ang anak nito. Ang sabi pa nila “ naku , maliit lang sweldo non. Hindi naman nakatapos yung ng high school e. magkano lang ba sweldo ng tindera ngayon without knowing na yung pinagtatrabahuhan ng bata e minimum wage at may mga incentives pa. Oh dyivah ? nasa loob lang ako ng bahay pero ang dami kong nasasagap na balita haha. Hindi naman ako masaya ng naririnig mga ito at hindi naman ako interesado. Mas interesado kasi ako kung paano paunlarin yung buhay namin. Pwede naman magkwentuhan tungkol sa ibang bagay e. Pwede naman pag usapan yung mga issue sa lipunan katulad ng pagtakbo bilang president ni Rastaman, the half human half zombie , the hapini infinity, ganon. Mas goodvibes pa yon kesa pag usapan buhay ng ibang tao e. Kayo ? Ano kwentong Aling Marites nyo?
38 comments
Sa halip na iwish goodluck ang kapitbahay na nag uumpisa sa hanap buhay eh dinadown agadd nila.. Halatang may inggit sis.. Hehe.. Buti nalang dito sa clmpound namin walang marites..walang masyadong naglalalabas ng bahay..
Naku dito samin madami haha.
Ahaha.. Mahirap pala kumilos dyan sa inyo sis.. Madaming mata
Kahit nga Wala man ginagawa Basta ikaw naspotam it's your turn to shine haha
ahahahaa....kalerkey. truth yan sis. Kahit sino lang maibala sa kwentuhan ng mga marites talaga :)
Nako marami akong mga kwentong marites. Puro ko pinakain sa kanila ng bumuo. 😅🤣Kainis, puro dada wala naman napatunayan ehh. Tapos ngayon puro mga parang basang sisiw makalapit smain manghiram ng pera. Tsee talaga hahaha
Kainis yon e no hahahaha. Lalapit lang pag may kailangan 🤣
True yan hahaha. Iwan ba, di ko din alam saan nila nakukuha kakapalan 🤣
Madami palang chismosa sa palagid ng bahày nyo,naku nakakainis yang ganyan ayaw pakialaman Ang kanilang mga buhay at ng umunlad ,tapis mga pangit pa nga kwento mabuti ba naman kung pinupuru yong kapwa. Away lng makikita nila dyan. Sabagay di naman mapanis laway nila haha Huwag muna dila iinom para di sila ma pasmo
Pati sa mismong bahay namin haha. Chismosa din nanay ko e
Sabihan mo si nanay mo na huwag na maki grupo doon
Naku, too many too mention, sis hehe.
Parang Ang dami dami tlga ah hahahaha
Naku momsh, yan mga tropa ni Marites eh matindi ang inferiority complex nga mga yan. Di nila matanggap na nasasapawan sila kaya ang ginagawa nila eh hinahatak nila pababa. Btw, dun tayo sa suhol, hahahaha. Dito sa min kapag eeksyon, basta nasa masterlist list ka, kabilaanmatatanggap mo partido ka man o kontra partido. Tinatnggap ko lang, bakit di naman nila alm kung sino iboboto ko eh, hahaha.. Last lresidential election eh naka 2k each kami ni husband, kaya bale naka 4k kami. Eh ngayon botante na din anak ko..
Kaya nga haha. Diman nila alam kung sino boboto e . Naging honest lang siguro tita ko ng sinabi na nakalista na sila sa kalaban.
Yun lang, loyal si tita mo doon sa partido na yun. Kaya kami, before the election, pumupunta na sa mga partido2, mowtly asawa ko pumupunta and may mga kakilala kasi sya sa bwat partido, heheh.. Mag lider kung tawagin kaya di na mahirap mangolektata..
Miss yen dami talagang ganito saan mang dako sa mundo. Yung mangingialam sa buhay ng ibang tao at ang hindi maganda puro mga negatibo ang sasabihin.. Yung binabantayan lang yung buhay ng ibang tao tapos ipagsabi naman sa iba. Kung pwede lang walang mga ganito. Dapat tumulong tayo sa ating kapwa hindi yung sinisiraan natin..
Kaya nga e. Nakakairita Kasi minsan kapag nadidinig ko
Oo miss yen tama... Ewan ko sa mga taong ganyan....
Dito sa village namin walang masyadong chismiss kase halos magkaaway mga magkakapit bahay dito😆😆sa dati naming inuupahan grabe yung chismiss dun tuwing umaga.😆😆
Naku dun sa block 34 at 35 madami hahahaha.
aaahahaha ang kulit dyan sa inyo sis.. dito sa amin.. tahimik lang ang life.. waley marites lolz
Sarap siguro ng Ganon. Good vibes lang no
oo sis.. tahimik lang kami hehehe yun ata ang difference pag busy sa trabaho ang mga tao less chismisms time
Marami kaya ate hehe lalo na yung mama ko. Ayaw mapagtsismisan pero mahilig magtsismis hehe. Mga tita at lola ko most likely hehe nagkukumpulan haha pero di ko pinapansin hehe. Yung tita kong mataba, nililimitahan ko talaga mag-usap don kahit okay na sila ng mama ko HAHHAHAHAHAHAHA
Naalala ko Yun, Yung sinasabi mong butanding? Haha
Hindi na mawawala sa lipunan ang mga ganyang klase ng tao. Walking CCTV. Haha. Naalala ko dati chinismiss na buntis ako, tapos yung nagchismiss nabalitaan ko nalang nagtatago kasi nagpalaglag.
Ahahahaha. Bumalik sa kanila e no
Oo sis haha.
Nang gigigil talaga ako sa mga memosa ate HAHAHA. 🤣 lalo na kapag ganyan mga usapan nila nako. Di nalang nila problemahin yung buhay nila, kapag sila nachismis galit na galit ustoh manakEyt 🤣
Kaya nga e. Nakakagigil haha. Akala mo mga perfect
Hahaha buti nalang walang ganyan dito sa amin, may marites din pero hindi ganyan na sisiraan. Dito kasi kinaka-awa kapag chismosang whahaha baliktad dito. Uso demandahan sa chismis dito 🤣 malaki multa sayang din 😂
Sana ganyan din samin hahahaha.
Halaaaaa nag daming ganyan samin. Hahahaha May kwentong Aling Marites din ako ate. Yan ay tuwing aalis kami ng ate ko, syempre nakagayak ng maayos, tapos dadaan sa may purok na madaming Marites, at yon sasabihin agad na feeling mayaman daw. Like whaaaat? Anong gusto nilang isuot namin pag aalis? Basahan? Jusme. Nakakatawa na nakakainis. Hahahaha
Kasalanan nyo ba magaling kayo magdala hahaha. Parang Yung dito , feeling mayaman daw sa Facebook Kasi mga ootd daw e magaganda. E ano Kaya gusto gusgusin haha
Kaya nga ate ay. Hays. Mga walang magawa sa life, buhay ng iba pinapakialaman. Hahaha
daming ganyang marites dito samin, nakuuu HAHAHAH pero Rastaman for president parin! Ghost rider at may third eye sa pisngi BWAHAH
Ai true hahaha