"Madali lang yan, hawakan mo kamay ko"
mga katagang sinabi mo habang nakatutok ka ng maigi sa screen ng isang telepono. Kasalukuyan tayong nag-eensayo para sa papalapit na intramurals sapagkat tayo ay naatasang sumayaw at nalalabi na lamang ang mga araw kaya't ikaw ngayon ay nag-aaral ng maigi upang maituro mo rin ito saakin.
"Ganito yan, mag-pagaan ka at itataas kita sa upuan"
wika mo habang ako naman itong tulala, hindi makapaniwalang ako ang magiging kapareha mo sa sayaw.
"Nakuha mo ba? - ohh bakit Cris?"
"Tinatawag na kase ako ng sa ibang grupo, hindi parin namin tapos ang isa pang sayaw, mamaya nalang ulit tayo mag-ensayo, paumanhin."
Aking wika bago dali-daliang tumakbo para sa isa pang sayaw na aming itatanghal.
Alam ko na sa aking pag takbo papalayo, unti-inti nanaman magugulo ang planado kong buhay at mundo.
Naging matiwasay at maayos ang ating mga sayaw na iprinisenta. Hindi man ako ang naging huli mong kapareha, labis naman ang galak ko na naging maayos ang iyong lagay bago at pagtapos ng inyong sayaw.
Akala ko'y doon na magtatapos ang ating kuwento, ngunit ito'y mali pala, sa muli ay mag kakasama nanaman tayo. Nataon na nais pala nating sumali sa isang organisasyong babago sa takbo ng mga buhay naten. Naging mag kagrupo tayo, naging mag kausap, at mag ka biruan. Naalala ko pa noon kung gaano ako kagalak kapag ikaw na ang aking katalahayan sa telepono kahit tungkol lang naman sa organisasyon ang ating pinag uusapan. Ewan ko din ba, diko din mawari, maaring may pag hanga na talaga ako sayo.
Naalala ko ang mga biruan natin, maging ang samahan, mabait ka rin naman pala at maginoo. Nagpaka bulag ako sa katotohanang nag kakaroon na tayo ng mabuting ugnayan, ngunit nagkakamali ako, dahil iba pala ang iyong gusto.
Isang araw, ikaw ay galing sa syudad upang makipagkita sa iyong mga magulang, ito ay iyong ipinamalita saakin kaya't walang hiyang nagbiro ako na ako ay iyong uwian ng kahit anong pasalubong, umoo ka naman at nagsabing hintayin ako. Labis ang galak ang aking nadama kasama ang aking kaibigan upang mag-hintay sa iyong pag-uwi. Akala ko ay iyon na ang simula, doon pala ito mag-wawakas. Sa ating pag lalakad pauwi, doon ko nalaman na may gusto ka pala sa aking kasama, at sinabi mo na ito'y matagal na. Masakit? Oo ako ay nasaktan at nadismaya, bilang pag tago sa aking tunay na nararamdaman, ako'y nagbiro muli patungkol sa inyong dalawa at tuluyang umiwas.
Sa aking pag-iwas hiniling ko na sanay maging masaya ka sa piling nya, na sanay mag-tagal kayong dalawa.
Ngunit, mapagbiro nga talaga ang tadhana at ako'y hindi na natutuwa.
Good day everyone, I hope you all had a great day today.
Thank you so much @bheng620 and @esciisc for acknowledging my problems with regards to spam in comment section. I already emailed readcash about it, thanks to @Jane for the suggestion.
Still waiting for our school's decision with regards to the resumption of classes I hope it will be a fair decision for everyone.
Good evening!
You're welcome. Ngayon ko lang 'to nabasa at natabunan na sa notification ko. Okay na ba ngayon?