Pinandidirian ng karamihan
Para naming di sila nabusog ng mga produkto mo
Nakakasukang trabaho;
Naku par! Di kaya ika’y malason?
Di nila naisip ang iyong halaga
Tila ba langgam na tinatapak-tapakan
Ehh kung mawala ka?
Mabuhay pa kaya sila?
Sinasabing walang mapapala sayo
Naku! Ehh kahit naproseso na’y galling pa din yan dito
Wag mon bina-basta basta
Mga produkto niya’y talaga naming masusustansiya
Huwag lang nila-lang lang
Buhay mo ay buhay ng dahil sakanya.
Tinapong mga basurang taon na ang nilipas
Epekto nito sakanya’y talaga naming bongga!
Kapag may nangyaring di maganda ika’y nagrereklamo
Di moa lam kagagawan mo rin lang pala ito.
Sinasabing walang mapapala sayo
Naku! Ehh kahit naproseso na’y galling pa din yan dito
Wag mon bina-basta basta
Mga produkto niya’y talaga naming masusustansiya
Huwag lang nila-lang lang
Buhay mo ay buhay ng dahil sakanya.
Sa seryosong usapan mo malalaman
Nasasaktan na siya ng lubusan
Ating pangalagaan ang nagbigay sa atin ng lahat
Nagmamahal, Agrikultura.
Love agriculture guys! Its the source of our food and everything.
Ill be back later😉
I agree. Hindi basta basta at hindi fapat minamaliit ang agrikultura dahil kung wala ang agham at sektor nito, ano na lang ang kakainin ng mundo. Napakagandang tula ❣️