Gising na!

8 44
Avatar for Xzeon
Written by
2 years ago

Kumakaway na ang eleksyon
Mga politiko'y kilala tayo ngayon.
Kanya kanyang diskarte
Upang boto'y makaipon.

Kasinungalingan dito
Kabulastugan doon.
Pangako dito
Paasa doon.

"Mahal kong mga kababayan, "
Aba't sinong mahal?
Di naman natin kasintahan
Ang mga bilihin po nagsipagmahalan. 🤣

Libreng bahay daw
Libreng matrikula
Libreng pagkain, gamot at iba pang paasa
Karamihan nama'y hanggang salita.

"Pag ako'y nanalo
malaking tulay gagawa tayo."
Wala namang ilog
Ba't tulay gagawa tayo?  🤣

Tuwing eleksyon, nagkakapera si Maria,
Nang aking tanungin sa'n galing
Ang sabi'y nakasobreng iniabot sa kanya.
Bigay ng nangangampanya.

Kandidato'y ibinoto dahil sa pangako niya
Si Maria naman ay umaasa,
suhol na pera'y nagastos na
Walang napala, ilang taong nagdurusa.

'Pag eleksyon ay tapos na
Saka mo makikita
Tunay na kulay ng mga nakaupo sa trono
Mga sungay nakalitaw na sa ulo.

Sabi nila sa kahirapan iaahon ka,
bagong bukas nakahanda
Yun pala'y ibabaon ka
Nakaabang ay kadiliman pala.

Karamihan ay puro pangako
Pangakong napapako.
Boto mo'y makuha lamang
Bibig, bulaklak nagsipaglabasan.

Gising na mga kababayan,
Ika'y di ipinanganak kahapon lamang.
Tama na ang pandaraya noon
'wag nang payagan maulit ngayon.

Sa media ay huwag magpapaniwala
Sariling pananaliksik ika' y lumikha.
Pagka't media ay nabayaran lamang
Hindi lahat pawang katotohanan.

Bayan ko gumising ka!
Bawat isa'y mahalaga sa ating bansa
Nagi-isa lamang ang iyong boto
Ibigay sa karapat-dapat na kandidato!  

03/11/22

~Xzeon~

6
$ 10.53
$ 10.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @ARTicLEE
+ 4
Sponsors of Xzeon
empty
empty
empty

Comments

Di man ako nakapag register hehe so no vote for me :D

$ 0.00
2 years ago

Why naman, para ka namang hindi citizen ng pelepenas. 🤣

$ 0.00
2 years ago

Hello madam. Welcome back. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Thank you madam😁❣️

$ 0.00
2 years ago

For me kahit sino Naman manalo nasa tao padin naman pano mababago buhay nila at ng bansa.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Tama ka dyan... Malaki ang contribution ng tao sa kung anuman ang kahihinatnan ng ating bansa pero meron ding contribution ang kung sino mang pipiliin natin.

$ 0.00
2 years ago

D b pwd tulog lng? Haha

$ 0.00
2 years ago

Haha, hindi dahil matagal na tayong tulog🤣🤣🤣

$ 0.00
2 years ago