Galing sa bodega ng J&T EXPRESS nag shake muna kami pangpalamig ulo hahahha, nainis talaga ako sobra sa mga rider pramis, pero ang bait ni ma'am yung staff sa bodega, nang hingi talaga sya ng pasensya. Sinabihan ko lang si ma'am na, sana yung mga rider nyu pag first dial nila sa number ng buyer na hindi mag ring, etxt nalang nila, gawin pa ang Best ba bago sila mag sauli sa bodega ng parcel tapos i report agad na unreachable buyer agad, ni txt wala galing sa rider. Sabi naman ni seller isang dial nya lang sa number na naka lagay sa parcel nag ring agad at nag tanong ako kay ma'am staff sa bodega kanina na kung naka ilang dial sya sa number namin, sabi nya isang beses lang daw nag ring agad number namin so ibig sabihin hindi nga tinawagan ni friday and Saturday rider ang number namin tapos mag report na agad sila ng buyer unreachable. Kawawa naman ang seller pag ma return item sa kanya, tsaka super need ko ang item na ito grabe. Nagpatulong talaga ako kay seller na ipa contact J&T kung saan ang parcel ko na hindi ma return sa kanya kasi dapat return na daw yun hays. Ngayon okay na ako hahahah.
7 comments
Mabuti sis at nakuha mupa rin yung parcel mo? Hehe..
ganyan po ang ibang rider...return to seller agad...kawawa ang seller kc ma deduct ni shoppee sa kanya ang delivery fee pag return to seller....konti lng kita ng seller tas mag deduct sa return parcel...abonado pa c seller dahil sa delivery fee ma charge sa kanya....un ibang rider din wa paki...
Kaya nga sissy eh kawawa talaga mga seller pag ma tiempohan parcel nila sa mga rider na walang paki. Marami din naman rider na may malasakit, may iilan lang talaga na walang paki hays
Buti sis at badly need mo ung items, paano if ndi return to seller na agad
Ayun sis, haay buti na lang at napuntahan ninyo at nakuha na ang parcel.
Oo sissy, pina kontak ko kay seller ang staff ng j&t na wag muna i balik sa seller ang item kasi i pick up nalang namin sa bodega. Ayun tinawagan kami sa staff binigyan ng instructions paano makapunta sa bodega nila, ang hirap pa naman hanapin bodega nila pero nakita pa rin namin nag tanong2x kami hihihi.
Tama Yan sis idaan mo nalang lahat sa shake kaysa magalit ka..Buti nalang nakuha mo ang parcel mo