read.cash Log in
@XOperUs

@XOperUs in August 2022

@XOperUs

Birthday gift! Kaarawan ko noong July 25, tapos kahapon nagkita kami ng friend ko sa church, inabot nya ito birthday gift nya daw sa akin. Grave ang saya ko talaga kasi, wish ko talaga bumili ng ganito kaso laging may mas priority na bilhin, laging walang budget para nitu. Pero kahapon ito ang nataggap ko ang saya saya ko wish granted. Hihihi.

@XOperUs

Naglinis ako diba sa phone gallery ko kasi nag memory full na at ito nakita ko sa gallery, naalala ko pinadalhan si baby Exo namin ng tita Ai nya ng snacks, ang laman nito ay maraming cloud9 at fudgebar at may memory card pa for tab ni baby, sya din kasi nag bigay sa tab ni Exo. Pero sa cloud9 ako lang lahat kumain kasi ayaw ni baby, ang fudgebar lang gusto nya at kinain hihihi.

@XOperUs

Nag send ng photos ang isa naming ka churchmate sa gc namin at ito nakita ko si hubby kaya ge save ko at i bahagi sa inyo dito hahaha. Nag community service kasi ang ward namin at ang napili nila ay ang elementary school dito sa barangay namin na linisan kasi balik skwela face to face na. "Brigada Skwela" Wala lang flex ko lang si hubby na nahuli sa camera hahaha.

@XOperUs

May blog page ako sa fb baka mag scroll2x kayo sa fb nyo padaan na rin ahahaha. XOper Us name ng page. Pinakamahirap na trabaho ay ang pag iisip ng uulamin palagi, pero mas mahirap pag walang budget pang ulam hahaha. Kung ano mga tira2x sa sa kusina na pwedi lutuin yun nalang, hihihi.

@XOperUs

Sobrang na touch talaga ako kay baby Exo ko mga inay, pinalo nya ako tapos agad sya nag sorry at ge kiss nya kung saan nya ako pinalo. Na realise nya agad na mali ang ginawa nya at pakiramdam nya siguro nasaktan ako. Exo : Sorry mama(sabay kiss kung saan nya ako pinalo As in one second lang after nya ako pinalo nag sorry agad sya at nag kiss.

@XOperUs

Mga moms may question of the day ako ngayon hihihi. Bukod sa ating mga anak na nagpapasaya sa atin, ano pa ang nagpapasaya sa inyo? Ako ang nagpapasaya sa akin Bukod kay baby Exo, ay kung may mag inquire at mag confirmed book sa page sa small business ko. Hahaha. Ano sa inyo mga moms?

@XOperUs

Nag crave ako ng adobong patatas kaya nagpa bili talaga ako kay hubby ng patatas, nang hindi pa na slice ang patatas namahalan ako kasi tag 25 pesos yan isang piraso, nang na slice na marami pala kaya okay na rin pala sa 25 pesos hihihi. Hinalo ko sa anim na piraso na chicken neck inadobo ko, chicken neck lang binili kasi yun ang pinaka mura ng kilo ng karne ngayon haha.

@XOperUs

Noong kabataan ko, gustong gusto ko mag pisa mag laro sa bubble wrap hahaha. Natawa ako kay nanay kani at sa bunsong kapatid ni hubby, tuwang tuwa din sila nag lalaro sa bubble wrap hihihi. Seryoso sila oh lalo na si nanay hihihihi. Sabi ko kay nanay, nag picture ako nay ha i post ko sa noise hihihi.

@XOperUs

Ang tagal ko to hinintay na ma deliver, every day ako nag tract kung saan na kasi gagamitin ito sa August 10 kasi freebies ito sa gown na pina pa rent ng pinsan ko at may mag rent sa gown na business ni ate sa August 10 tapos excited na ako kanina pag tract ko out of delivery na daw today, kaya binantayan talaga namin ang cellphone kung may tatawag o mag txt na rider, nag txt ang J&T EXPRESS kanina umaga kaya after ng txt na yun binantayan na talaga namin ang cellphone buong…

@XOperUs

Nag hanap ako ng picture naming tatlo na medyo maganda kasi ipang cover photo ko sa fb page blog namin kasi family blog eh hihihi. At ito lang ang nakita ko na picture naming tatlo na medyo maganda kaya ito nalang sunulatan ko gamit ang canva app hihihi. Salamat sa canva app talaga, free lang na mga template ginagamit ko kasi walang budget sa pro pang subscription.

@XOperUs

Thank you so much sissy @MrsPepper sa pag liked ng fb page blog namin ni baby Exo. Alam ko na meron din iilan sa inyo dito na nag liked sa blog namin pero hindi ko lang na recognise kasi iba ang name nyo sa fb, maraming salamat din sa inyong lahat. Nakakatuwa lang na mga naging kaibigan ko dito sa noise, sinasamahan din kami ni Exo sa aming blog hihihi. Thank you so much!

@XOperUs

Naisip ko lang, kung magpapalit ako ng profile picture dito makilala nyo parin kaya ako? Hihihihi. Ako kasi nuon profile picture lang tinatandaan ko hindi ang pangalan lalo na ang hirap basahin o complicated ang spelling ng username nya dito sa noise hihihi kaya profile picture nalang tinatandaan ko, pero yung lagi kung nakakausap dito at lalo na yung naging kaibigan ko dito pangalan na ang tinatandaan ko, para kahit mag palit ng profile picture, marecognize ko pa rin sila.

@XOperUs

Galing sa bodega ng J&T EXPRESS nag shake muna kami pangpalamig ulo hahahha, nainis talaga ako sobra sa mga rider pramis, pero ang bait ni ma'am yung staff sa bodega, nang hingi talaga sya ng pasensya. Sinabihan ko lang si ma'am na, sana yung mga rider nyu pag first dial nila sa number ng buyer na hindi mag ring, etxt nalang nila, gawin pa ang Best ba bago sila mag sauli sa bodega ng parcel tapos i report agad na unreachable buyer agad, ni txt wala galing sa rider. Sabi…

@XOperUs

Nawala na inis ko mga kaibigan nang pag open ko sa parcel, walang damage ang bouquet at super pretty talaga sa actual ang bouquet at groom corsage hihihihi. Ito na pinicturan ko para i post sa page namin at isend sa bride na mag rent ng gown para sa wedding ngayong darating na August 10. Pa freebies kasi yan ni ate sa gown, bouquet, corsage at bridal robe kaya pinick up nalang talaga namin sa bodega kahit lugi na hahaha, mahal kaya sf nyan tapos ang layo pa ng bodega nila…

@XOperUs

Isa sa happiness natin mga moms hihihi ang makita ang laundry basket natin na wala ng laman at makita ang mga sinampay natin. Nakakapagod mag laba pero pag matapos na tayo mag sampay, titignan na natin mga sinampay natin at ang laundry basket na wala ng laman, nakakatuwa at nakakawala na ng pagod hahaha. Babalik ang pagod pag magkalaman ulit ang laundry basket ahahaha.

@XOperUs

E post ko sana ito kahapon agad sasabihin ko sana na "at the moment" pero ang hina ng signal dyan connecting palagi ang data ko hahaha maski messenger hindi kaya lol. Behind the scene hihihi. While minimake upon ang bride may Videographer naman nag filming hihihi.

@XOperUs

Nakakatuwa talaga ang sinabi sa akin ng father ni bride, nagpapasalamat sya ng marami sa akin, at sobrang smooth daw ng wedding kahapon lalo na sa program. E refer nya daw ako sa kakilala nya na ikakasal din. Ang sarap marinig ang feedback ng father ni bride. Mama ni bride kasi talaga ang kaibigan ko, at noong kasal namin ni hubby sobrang laki din ang natulong nya kaya binalik ko lang din sa kanila ang natulong nila sa akin nag offer ako sa anal nila na kinasal na mag full…

@XOperUs

Ang hirap pala mag virtual on the day wedding coordinator hahaha. First timw ko ito Kakilala namin nag ask kasi na ako maging wedding coordinator nila, tinulungan ko naman sila sa wedding prep nila pero sa on the day, mag virtual lang ako, tapos mga kaibigan nya nalang binigyan ko ng mga assignments, sila ang maging coordinators doon, taga bigay nalang ako sa mga instructions hihihi. Sa wedding reception programme na kasi ako pupunta mamaya doon na ako mag assist. Hihihi.

@XOperUs

Deserve ko naman siguro ito nuh? Hahaha Nag dadalawang isip kasi ako kung bibili at kakain ba ako nito kasi nga kunti lang naman ang kita ko sa tatlong kasal this week hihihi, tsaka inisip ko ang mahal ng ulam, daily needs pa ni Exo, ang 1k kunti lang mabili at mabilis maubos hihihi. Nanghihinayang ako gumastos sa burger na 30+ hahaha. Pero bumili pa rin ako, bahala na basta maka kain ako nito kasi parang sarap kumain nito, minsan lang naman hahaha.

@XOperUs

Umulan ng malakas, pagka kita ni Exo na nagpa ulan si kuya Shun nya ay ang bilis din nya naka labas,hindi ko napigilan agad. Dahil nasa labas na sya hindi ko nalang pinabalik nabasa na sya eh. Bagong bihis pa kasi sya at mababasa lang agad kaya medyo inis ako kunti hahaha pero nang nakita ko sya na ang saya nya naligo sa ulan, nawala na inis ko hahaha.

@XOperUs

Basta nagugutom ang baby Exo ko, nang hihingi yan ng rice talaga. Nakakatuwa lang kasi pag gutom sya kusa syang nanghihingi ng rice. Naka second batch na sya nyan sa picture hahaha, gutom na gutom siguro sya at nasasarapan sa sabaw ng nilagang buto ng baboy. Kaya minsan pag kunti lang kainin nya hindi ko pinipilit pakainin ng marami kasi alam ko pag gutom sya nanghihingi sya ng rice at pag kulang pa nagpadagdag talaga sya.

@XOperUs

Na busog naman ako sa dinner namin kanina ngayon nagutom naman ako, at may gusto akong kainin na hindi ko alam kung ano yun hahaha. Naranasan nyo na din diba na kumain na pero mabilis nagutom at may parang hinahanap tayo na kakainin na hindi natin alam hahaha ang hirap.

@XOperUs

Gawa ni hubby, ako na nag kulay sa second photo attached for Exo hihihi. Gusto nya ang fire truck at ladder truck eh. Nang hiram lang ako ng crayons sa pinsan ni Exo kay kuya Shun nya. Ang mga kraft cartolina, mga tira lang sa mga client ko para sa lettering ss kanilang mga names para sa wedding backdrop design nila.

@XOperUs

Madaliang lettering ni hubby. Dalawa pina gawa ko na number 3 ni hubby para may choice ang aming kaibigan na nagpagawa nito, birthday kasi ng baby nya today, ang kulay kasi ng names ni baby na lettering ay yellow at naubusan na ng yellow kaya ibang kulay nalang ginawa nya yellow green at red. Yellow and red naman ang kulay ng birthday theme nila eh.

@XOperUs

Andito kami ngayon sa bahay ng kaibigan ni Exo, kasi birthday nya. Tuwang tuwa ang baby namin nagkakalaro ulit silang dalawa, lalo na ang daming laroan friend nya na car toys na bago sa paningin ni Exo hihihi. Natutuwa naman ako makita silang dalawa na naglalaro at nag uusap hihihi. Isa talaga sa happiness natin mga momma ang makita ang anak natin na masaya ano?

@XOperUs

Ang baby love namin antok na hihihi. Nag hintay pa kami sa papa nya sunduin kami dito sa bahay ng kaibigan namin na nag birthday. Pagod at antok na sya kakalaro kaya pahinga na sya hindi na nag laro hihihi inaantok na. Nataymingan ang pag picture yawning nya perfect shot hihihi.

@XOperUs

Ang cute ng handle ng spoon and fork. Napawaw talaga ako ng makita ito kagabi noong inabutan kami ng plato para kakainin na. Pinicturan ko talaga para may maibahagi ako sa inyu dito hahaha. Bago kumain picture picture muna nyan hihi. Si Exo baby ko naman ay hindi nakaramdam ng gutom tuwang tuwa sa pag lalaro, hindi ko nalang pinilit kasi bago kami umalis marami din sya nakain na pancit eh kaya busog pa siguro sya, pag gutom kasi sya kusang nanghihingi yan ng rice.

@XOperUs

Last week ito, selfie sa elevator hahaha kasama ang aking partner palagi sa aking mga raket hahaha. Nag hatid kami ng gown with accessories na nirerentahan ng bride, hinatid nalang namin since ako din ang wedding coordinator ni bride. Pababa na kami nito galing sa floor 9, papunta na naman kami nyan sa bilihin ng fresh flowers and leaves para sa reception area set up nila.

@XOperUs

Wish granted talaga. Gusto ko bumili ganitong bottle para sa baonan ni baby Exo na milk, pag aalis kasi kami nag babaon na ako ng milk para hindi na sya mag dede sa akin. Miniral bottle water lang kasi ang nilalagyan ko sa milk nya pag aalis kami kasi ayaw nya mag dede sa milk bottle talaga yung may nipple na bottle. Dahil wala pang budget pang bili, hindi pa ako naka bili ng ganito para sa baonan nya ng milk. Noong Sunday after meeting namin mga primary leaders may pakulo…

@XOperUs

Kung nakita nyo post ko kanina na about sa milk na baon ni Exo, dito namin dinala hihihi. Nag join kami sa children nutrition program ng church collab with the government. Nag sipag talaga ako gumising ng maaga kasi sayang din para kay baby Exo namin, kasi simula nag graduate sya sa immunizations nya hindi na kami naka visit sa center or sa pedia kaya hindi ko na alam ano height and weight nya kung malnourished ba sya o hindi.

@XOperUs

Nag iisang naglaro nalang si Exo dito sa ginawang play room just for today kasi ang iba nag lunch pa. Tapos na check up si baby Exo namin, sabi ng doctor sa edad nya daw ay kulang sya ng dalawang kilo na timbang pero sabi nya hindi daw ako dapat mag worry kasi hindi naman daw ganun ka kulang sa timbang at ang importanti malakas sya kumain at hindi sya nagkakasakit ni minsan. Sabi naman ng head nurse wag lang daw puro rice at sabaw ng gulay ipakain kay Exo para madagdagan ang…

@XOperUs

Ito ang lunch namin kanina after the event, Children nutrition program, may inihanda silang heavy snacks slash light snacks hihihi. Hindi kumain si Exo, ako ang kumain sa share nya kaya dalawa ang kinain ko, busog na busog ako kahit unang tingin ko pang lang parang hindi ako mabubusog sa laman ng packlunch hihihi.

@XOperUs

A thank you letter from bride and groom na tinulungan ko last week. Nag offer lang ako ng free service kasi as wedding coordinator nila kasi ang mama ni bride malaki din ang tulong sa amin noong kami ni hubby ang kinasal. Pag open ko sa letter ayun nakakatuwa basahin ang thank you letter nila. Pero may isang papel pa na naka fold pag open ko pera ang laman. Nagulat talaga ako nang makita ko ang pera, akala ko thank you letter lang, pag bigay kasi sa akin sabi nya, ate ito…

@XOperUs

Dumating ang aking kaibigan from Negros dito ko sa bahay pina stay muna para maka tipid sila at syempre para may kalaro si baby Exo namin hihihi, dala nya kasi baby nya. Nagpa medical ang husband nya requirements para abroad dito sila sa Cebu ni refer for medical test. Sumama na rin sila mag ina. Makita nyo naman tuwang tuwa ang baby namin oh may kalaro sya na ka edad nya hihihi. Ang sarap pag masdan ang anak mo na masaya kasama ang kalaro nya. Last night photo ito, hindi ko…

@XOperUs

My boys, my everything! Last Tuesday ito, nag laro si hubby ng basketball, naisipan ko picturan mag ama ko hihihi. Hindi nya yan uniform talaga pinahiram lang sa kanya ng coach nila kasi hindi nagpatahi ng uniform si hubby. Yung inipon ko sana dito sa noise earnings ko ang ibigay sa kanya 700 para sa uniform nya para may uniform din sya, ayaw naman nya kasi nga hirap din kami sa everyday food namin kaya ayaw nya. Ang akin lang naman iyan na nga lang bisyo nya eh gusto ko…

@XOperUs

Na amaze lang ako dito sa pangalan ng pagkain na kinain ko kanina sa snacks ko hihihi. EC ito kasi name ng fb ni Exo ko, short sa dawalang name nya Exo Cayden hihihi. Kaya pinicturan ko hihihi at naisipan share sa inyu hihihi. Nasarapan din ako sa choco flakes na ito, para syang coco crunch pero mas malambot ito kaysa sa cococrunch medyo matigas need ng freshmilk talaga.

@XOperUs

Andito ulit kami ni Exo nanood sa laro nila hubby, sumama kami kay hubby. Every Tuesday, Thursday, Saturday night kasi laro nila. Minsan lang kami ni Exo sumasama sa papa nya, kanina ayaw ko sana sumama kaso si Exo gustong gusto sumama at gumala hihihi kaya no choice ang ina kundi sumama, na bored na si Exo sa bahay hahaha. Nag ngingipin si Exo, kaya irita palagi sya kaya nilabas ko nalang para ma refresh ang feeling nya hihihi

@XOperUs

Nakita ko post ng kaibigan namin ni hubby na "kuya2x ko noon, ngayon husband ko na" tapos naka attached ang first convo nila. Nag comment ako na mag backread nga rin ako sa convo namin ni hubby hahaha. Nang sinubukan ko i backread, naku hindi ko kaya basahin ulit ahahahahaha. Todo tulak ko palayo pala talaga si hubby noon hahah, at lagi nya sinasabi na hindi daw sya mag give up. Ahahahah!

@XOperUs

Pagka gising sa umaga ni baby love namin una nag dede sya at huminto sinabing; Exo : Walang laman dede mama, mag timpla tayo ng milk. Pag dating namin sa baba, nanghingi sya ng bread sa lolo nya, ge partner sa milk nya. Birch Tree ang ginamit ko lang na milk for baby Exo namin kasi mura lang, hindi namin afford ang mamahaling milk for kids hihihi.

@XOperUs

Kung kailan uuwi na ang kalaro ni Exo tsaka pa nya inaaway, hahaha. Pero pumayag pa rin sya na mag picture sila para remembrance baka kasi next kit nila eh may kanya kanyang pamilya na sila hihihi, mag a abroad na kasi yan. Pero napansin ko kay Exo pag tuwing sina sabi na smile kasi picture ganyan ang smile nya parang napipilitan hihihi pero pogi yan sa mga mata ko hihi

@XOperUs

Nanood kami nito ng basketball sa papa nya noong Tuesday. Pag uwi namin dumaan muna kami sa 7/11 kasi bibili ng gatorade drink si hubby at binilhan na rin namin si Exo ng smart c juice at tinanong namin sya kung gusto nya ba ice cream kasi may tag 15 pesos na ice cream sa 7/11 na malaki at masarap eh hihihi. Pero ayaw ni baby ng ice cream yun lang daw juice sa kanya. Natutuwa ako bilang ina nya sya mismo umayaw hihihi.

@XOperUs

Binigyan si Exo ng bread sandwich kanina nasa church kami , nang hingi din si baby ng plate hahaha, ayaw nya kainin ang bread ng hindi malagay sa plate, buti nalang talaga may paper plate din na isa. Natawa ako kasi gusto pa nya talaga mag plate bago kainin ang bread hihihi.

@XOperUs

Ngayon lang ako natapos nag dinner, na busog kasi ako sa dalawang slice ng banana cake at bread sandwich kanina na snacks kaya hindi ako nagutom. Hindi pa sana ako kakain ng dinner pero dinalhan na ako ng food ni hubby dito sa taas kaya kumain nalang ako, masarap kasi amoy pa lang ang dinala nya na food hahaha. Si tatay nag luto nyan pancit lomi style, ang sarap talaga. Birthday din pala ngayon ni tatay kaya nag luto sya ng specialty nya.

@XOperUs

Binigyan si tatay sa barangay ng birthday cake kasi birthday nya kahapon, pero ge advance ang pag bigay noong Friday ng hapon hinatid kasi wala na daw makaka hatid sa mismong birthday nya kasi sunday. Chiffon cake ang binigay, napa sarap kain ko sa chiffon cake ito nalang natira bago na isipan picturan hihihi. Nagustuhan din ni baby ko ang chiffon cake.

@XOperUs

Ginawan ng bowtie si Exo ng tita (friend) ginansilyo nya. Una ayaw suotin ni Exo, nag tagal sinuot rin nya, may hiningi kasi sya sa akin, at sinabi ko ibibigay ko sayo pag suotin mo ito, ayun pumayag sinuot nya hahaha. Ang cute ng bowtie talaga na ginawa, gawan pa daw sya ulit ng tita r nya yung medyo malaki laki daw, medyo maliit lang din daw yan.

@XOperUs

Pag gising namin ni baby Exo from our afternoon power nap, may sumalubong na sa amin na meryenda. Bumili lang si hubby nito banana toron na naka tuhog sa bbq stick. Paborito ko ito talaga ang banana toron, tagal tagal na rin hindi ako nakakain nito. Kaya masaya talaga ako na ito binili ni hubby na pang meryenda namin ngayon. Hihihi

@XOperUs

Kakatapos ko lang mag sampay, at gusto na maligo ni baby Exo ko kaya after sampay sya naman nag babad sa tubig sa planggana hihih. Ligoin ko lang sana sya saglit kaso parang gusto pa nya mag babad sa tubig, tignan nyo naman nag sun bathing, beach feels lang haha. Kaya dito muna ako sa tabi umupo binabantayan sya at mag cellphone muna ako hihihi.

@XOperUs

Namis ko ganitong tinapay, ito paborito ko noon kabataan pa, malaman kasi to nakakabusog ang isang piraso. Bahug-bahug tawag namin nito sa tinapay na ito. Minsan nalang ako nakakakita nito dito sa city eh. Ito pasalubong ni nanay sa amin na tinapay pag dating nya sa bahay kaya kahit busog ako kasi kakatapos ko lang mag meryenda, kumain talaga ako namis ko eh haha.

@XOperUs

Ang bubble wrap nilalaro ni baby namin, una hinawakan lang nya hindi nya alam pero nang pag hawak nya napasabi sya ng "hala pumutok" kaya simula nun nilalaro nya na tapos nilapag sa sahig inaapakan nya at nag jump2x sya tuwang tuwa eh hihihi inuupuan pa nya. Sinama nya uncle nya na special sa pag lalaro, silang dalawa nag apak apak sa bubble wrap na nakalapag sa sahig hihihi.

@XOperUs

Si Kim Chiu talaga ang tingin ko sa leading lady sa kdrama na ito hihihi. Noong kaka umpisa pa lang ni kim sa showbiz, sa bahay pa lang ni big brother ganyan yung mukha nya hihihi. Ang cute ng bida na ito,parang ngayon ko lang sya nakita sa mga kdrama hihihi. Nagustuhan ko din ang storya ng drama na ito, daming twist hihihi.

@XOperUs

Yung nag crave ka ng adobong patatas, pero ang gusto ni hubby ay adobong sitaw. Kaya pag samahin nalang natin ang dalawa hahaha. Sa imagination ko naman mukhang mag click ang dalawa pag magkasama hahaha. Subukan ko lang, expirement ng lulutuin, hindi ko pa kasi ito napagsama nuon eh hihihi. Si oyster sauce na bahala sa akin hahaha. Laban!

@XOperUs

Infairness masarap naman pala sila mag samang dalawa sa isang adobohan lang hihihi. Ito pala yung sinasabi ko kanina na pag samahin ko nalang silang dalawa at si oyster sauce na bahala sa akin hahaha, salamat sa oysters masarap ang aking expiremento na ulam adobong sitaw with patatas.

@XOperUs

Sayang hindi ko naabutan sila nanay at tatay gumawa nito naka tayo na sila kasi tapos na sila gumawa ng walis tinting. Picturan ko sana silang dalawa eh kasi ganda nila tignan. Pag kuha ko sa cellphone pag balik ko naka tayo na sila kaya ito nalang pinicturan ko hihihi. May bagong walis tingting naman kami bagong gawa nila nanay at tatay. Kanina tanghali nanguha si hubby ng bunga at si nanay naman sa dahon ginawang walis.

@XOperUs

Sa lunch break kanina ni hubby sa work, nag kuha sya ng niyog, pang himagas sa tanghalian namin hihihi. Mahal na daw ngayon ang isang bilog nyan, kaya mabuti nalang talaga may tanim na niyog si nanay dito sa yard nila at libre kaming makakain ng buko pag gustuhin namin. Pero na amaze ako sa unang picture hahaha, click ng click lang kasi ako kanina kasi mainit hihihi.

@XOperUs

Ang sarap ng mahigpit na yakap ng baby love namin. Napa turn on ako sa ilaw eh para i capture ang moments na ito. Ang lakas kasi ng kulog kagabi, takot sya sa kulog kaya mahigpit talaga ang yakap nya sa akin, pero dahil naiihi ako pinalipat ko sya sa papa nya. Ayaw nya talaga bumitaw ang sarap talaga eh hihihi kaya napasabi ako na sana palaging kumulog hahaha. Yumayakap naman sya sa amin palagi pero saglit lang hindi talaga tulad pag may kulog na ang sarap sarap ng yakap nya…

@XOperUs

Kagabi ito, nag luto si nanay ng sotanghon ginisa sa sardinas at patola, pero ang kinain lang ni baby ay sotanghon lang hihihi. Paborito talaga ni Exo ang mga ganito, bihon, sotanghon, noodles, pancit canton, basta mga ganito, iisa lang tawag ni baby nito "pancit canton" lahat tawag nya hihihi.

@XOperUs

Wala na akong makita na pera sa wallet ni hubby at sa shared wallet namin na sya ang humawak pero nag yaya ng ukay-ukay date ngayon pagka tapos ng work nya. Umoo nalang ako tiwala nalang sa kanya hihihi. Taong bahay lang kasi ako, hahaha. At alam nya na gusto ko talaga mag ukay-ukay mag hanap ng mga blouses na pang simba kasi wala na talaga akong mga ganun, mahal din naman kasi sa shopee at mga online o mga mall kaya sa ukay-ukay lang ako kumakapit talaga kasi noon naka bili…

@XOperUs

Ang ukay-ukay date namin ni hubby ay hindi na tuloy kasi 6:30pm lang pala sila mag close na tapos dumating kami 6:20pm na, naka selfie lang kami saglit hahaha. Sayang kasi pa ubos sale na sila tag 10pesos nalang lahat ng klase. Yung nasa likod ko ay mga new arrival, sa sabado nila e open yun. Ang daming magaganda pero for sure mahal pa yun kasi new arrival eh new open bale.

@XOperUs

Kahapon nakita ko na sa parking lot na may bayad ay maraming iniwan na mga helmet sa mga motor lang nila kaya iniwan din namin ang helmet namin ni hubby. Dati kasi ayaw ko pa iwan ni hubby kahit mag bitbit kami kahit saan kami pumunta hahaha. Takot kasi ako mawala, kahit sabihin mo na mumurahin lang yan na helmet takot pa rin ako mawala nuh. Pero sabi ni hubby basta mga ganyan na parkingan may guard at cctv ayos lang yan iwan hindi yan mawawala. Kaya pumayag ako iwan, buti…

@XOperUs

Isa sa small business ko ay ang nagpapa rent ng mga decor materials. Pero nag rent to own din ako sa may ari ng mga materials, bride ko noon. Pag maka bawi na sya sa capital nyan na 5k, ibigay na nya sa akin ang mga materials na yan at ako na ang magpapa rent. Kahit papaano ay malaking tulong na rin sa amin ang pa kunti kunti na kitaan sa rental business na ito. Ang picture ay sinend sa akin ng nag design na nag rent din ng mga materials na yan.

@XOperUs

Pag gising ni baby from his afternoon power nap, gusto na agad bumaba sa baba kasi narinig nya lola nya, mangihi daw sya pan hihihi. Ayun kumain na sya ng late meryenda nya na bread pasalubong sa kanya ng lola nya at may yakult din. Hindi mawawala ang yakult kada uwi ni nanay kasi, hinahanap sya palagi ng apo nya hihihi.

@XOperUs

Pasalubong ni hubby kagabi binili ng boss nya na sinama sya umalis kahapon ng hapon. Bribe daw yan hahaha baka ano daw sabihin ko medyo natagalan sila sa pag uwi. Lampas isang decada na hindi ako nakakain nito dunkin. Ang sarap talaga nito, kinain ko agad pag dating ni hubby hihihi, magpapa bili ulit ako nito kay hubby pag sahod nya hihihi. Tag 10pesos isang piraso, mga sampo ang dinala ni hubby kagabi.

@XOperUs

Namis ko bigla mga wedding photos namin, Nagka virus kasi laptop ni hubby nuon kaya na bura lahat ng photos namin sa kasal. Nasa laptop lang kasi yun nilagay, hindi rin pumasok sa isip ko na i post sa fb nuon para may mabalikan pa akong mga photos. Sa fb cover photo lang ito ni hubby, 3 years na ito walang palit palit ng cover photo si hubby hihihi. Ang dalawang katabi nya ay mga older brother ko, the rest mga childhood close friends nya.

@XOperUs

Pagka kita ni baby Exo sa damit na susuotin nya sabi nya agad na "lablab mama" sabay tinuro nya ang damit nya. Naalala nya ang sinabi ko nuon na binilhan ko sya ng bagong damit sa ukay-ukay dahil lovelove ko sya. Yinakap nya ako ng mahigpit kasi love ko daw sya binilhan ko sya ng bagong damit. Ukay-ukay yan lahat suot nya, mura lang kasi ang ukay-ukay kaya sa ukay-ukay talaga ako bumili ng mga damit ni baby at sa akin.

@XOperUs

Nag attend kami ni nanay ngayon ng activity sa church namin lahat ng mga kababaihan na 18 years old pataas ng workshop Self-care Practices to Improve Mental Health. Sayang nga lang hindi ako maka fucos sa workshop kasi andito si baby Exo ko, ang daldal, ang likot at gusto lumalabas.

@XOperUs

After ng Mental health workshop kanina, sa twins gender reveal ng friend naman kami nag attend kaya mga 9:30pm na kami naka uwi ng bahay. May video ako sa gender reveal na ito, kung gusto nyo makita, search nyo lang kami ni Exo sa fb "XOper Us"

@XOperUs

Mga kaibigan may isang kaibigan na naman akong naging interested dito sa noise.cash. Beke nemen hihihihi. @Rickebzs Salamat pala ulit sa mga nag welcome kay ate @Mymei dito ka gabie. Sana mag enjoy sila dito at the same time maka earn ng kahit centavo lang a day. Pag naipon yun lalaki din, at makakatulong na sa atin.

@XOperUs

Kakaupo ko lang galing naglaba at sampay, magpahinga muna ako, cellphone hahaha. De color muna nilabhan ko ngayon, bukas na mga puti. Nag laba din kasi sis nanay, kaya puno na sampayan namin dito, wala na akong masampayan pag labhan ko pa mga puti, babad ko muna ng isang araw at bukas na labhan hihu. Sana at tuloy tuloy ang magandang sikat ng araw dito sa amin ngayon at ng makatuyo ng sinampay.

@XOperUs

Nag datdat(breastmilk) si baby Exo pero biglang nang hingi ng milk kaya bumangon ako agad para ipag timpla sya ng milk. Yung parang bigla syang nag crave ng milk hihihi. Ang lagi nya kasing hinihingi sa amin pag gutom sya ay rice talaga, pero kanina ay hindi nanghingi ng rice, milk ang hiningi nya. Habang umiinom sya ng milk, sinusubuan ko nalang sya ng kanin at kumakain din naman kaya masaya ako hihihi.

@XOperUs

Kanina tinanong ni hubby sa akin kung ano uulamin namin sa tanghalian, ang tagal ko sumagot kasi nag iisip pa ako kung ano ang ulam, pero si Exo ang sumagot sa papa nya habang nakahiga na naglalaro Sabi nya "Sardinas" Natawa kami ni hubby hihihi,nakikinig pala sya. Pero nag sardinas with sotanghon and patola na kasi kami sa breakfast at may tira pa kaya yun nalang ulamin at dagdagan nalang ng ibang ulam para magkasya sa aming is lahat.

@XOperUs

Flex ko lang photos ng baby love Exo ko noong Sunday kasama lolo, lala at uncle nya. Gwapo kasi Sunday outfit nya dito eh hihihi, preloved lang yan lahat outfit nya polo, shoes, pants nabili ko lang sa murang halaga. Preloved/ukay-ukay lover mom talaga ako. Pauwi na sila nito, iniwan ako ni baby Exo hahaha sumama sya sa lala nya pauwi ng bahay.

@XOperUs

May lakad si hubby ngayon kasama boss nya kaya wala syang work. Nagka chance kami ni Exo mahiram laptop nya hahaha. Maganda kasi talaga pag sa malaking screen manuod si baby ng mga nursery rhymes. Plan ko nga bumili ng tv yung may flash drive para mag download nalang ako ng mga educational videos sa flash drive at doon na sya manood. Pero madami pang need unahin kaya pang huli nalang yan sa listahan ang tv for Exo hihihi.

@XOperUs

Yung excited ka na dumating ang inorder mo na bedsheets pero pag dating hindi ang inaasahan mo. Unang larawan ay ang inorder ko, super crush ko talaga ang design and combination ng color. Pero ang pangalawang larawan ang dumating. Last year ko pa ito inorder, pina hold ko lang kay seller kasi sayang ang shipping fee pag isa bedsheets 3n1 lang ang ipa ship kaya pina hold ko muna tsaka nalang ipadala pag may ma order naman ako ulit sa kanya para sulit ang sf ko. Yung feeling…

@XOperUs

Kakatapos lang nya kumain ng dinner at nanghingi agad ng milk. Tinimplahan ko kasi nang hingi eh kahit kakatapos nya lang kumain. Wala akong ginawang schedule ng pag timpla ng milk nya, hinihintay ko lang sya mang hingi kasi pag mag timpla ako na hindi sya nang hingi, hindi sya iinom, hindi mo sya mapilit painomin kaya hintayin nalang sya kusa manghingi kasi mauubos nya talaga hihihi.

@XOperUs

Tirik na tirik na ang araw, gusto ko na bumangon at maglaba, ito yung tapusin ko labhan, binabad ko lang kahapon, dinaanan ng first coating hahaha, paint lang. Bitaw, tulog pa si Exo sa akin humiga ginawa nya akong bed nya hihi. Ayaw ko din ma gising sya at maputol ang masarap na tulog nya kaya antayin ko nalang sya kusang magising para maganda ang gising nya hindi mag tantrum.

@XOperUs

Na final coating ko na ang binabad ko kahapon na mga puti at nakapag laba at sampay nabrin ng mga fur kumot at yung dumating na maling design na 3n1 bedsheets kahapon. Nagpatulong ako kay hubby mag banlaw sa mga fur kumot kasi ang bigat talaga hindi kaya ng powers ko hahaha. Sana tuloy tuloy ang init hanggang mamayang hapon para maka tuyo agad ng mga kumot.

@XOperUs

Patola at sayote ay masarap igisa sa sardinas, pero dahil mahal na ang sardinas ngayon at wala pang sahod. Igisa ko lang sana ang patola at sayote, at sa aking pag hahanap sa kusina may nakita akong isang chicken noodles at naisipan ko itong ihalo. Another experiment na naman ng ulam hihihi. Infairnsless nagustuhan ni hubby nasarapan sya at naniwala naman ako kasi pag ayaw nya ang ulam, sobrang kunti lang talaga ang kain nya pero ito ang dami nya nakain so ibig sabihin…

@XOperUs

Excited gumala si baby Exo namin, kaya kahit pakainin namin muna bago umalis eh ayaw talaga kumain at nag aapura na umalis basta talaga naka bihis na. Nag kain pa papa nya bago umalis kasi nagutom humilab na daw tyan nya kaya kain muna sya bago kami aalis. Kaya pag dating namin dito sa galaan namin ayun nang hingi agad ng nips o makakain.

@XOperUs

Matagal pa ang kainan sa pinuntahan namin kasi late na nag umpisa ang program. Kaya binilhan muna si baby Exo namin ng food sa mcdo nagpa deliver lang ang tita nya (hubby's childhood close friends) Nagulat ako may food na sya pag punta ko sa kanya, doon lang kasi sya sa office nag laro kasama ang anak ng tita nya.