Pamilyang Nasira

4 28
Avatar for Vhea20
Written by
3 years ago

Marami sa atin ang nag hahangad ng kompletong pamilya ngunit paano kong sa isang iglap mag babago ang lahat dahil sa isang tao lamang.

At hanggang ngayon ba umaasa ka parin na mabubuo ulit ang inyong pamilya nasira na? Atin nang simulan ang aking kwento na ang pamagat ay Pamilyang nasira.

Nag-simula sa masiyahing pamilya hanggang sa naging bangungut na tila wala ng katapusan.

https://images.app.goo.gl/CemuAqevvDSA1KGo8

Noon una masaya at marangya ang takbo ng buhay sa aming pamilya may mga sakahan at taniman ng mais na siyang ikinabubuhay namin dahil sa sipag at tiyaga ng aking magulang nakakaraos kami araw-araw at masasabi kong maganda na sana ang takbo ng buhay namin dahil pinanganak akong naibibigay lahat ang aking gusto na kapag my gusto akong bagay andiyan na kaagad, Ngunit nagbago ang lahat ng dumating yong araw na nagkasakit ng malubha ang aking ama na siyang nagpabago sa aming lahat, nabenta ang ibang ari-arian na siyang pinanggamot sa aking ama hanggang sa maisanla lahat ang kagamitan sa bahay pati na din yong Lupa at Sakahan.

https://images.app.goo.gl/K21UqRHZLhjHNW4M6

Gulong-gulo ang aking ina noon nga oras na yon dahil walang-wala na kami dahil ang aking ibang kapatid ay may-asawa kong kaya't hindi na sila nakakatulong kaya napag isip-isip ng aking nanay na mamasukan nalang ng Trabaho nakakapanibago lang dahil doon na siya nagpapalipas ng gabi bihira nalang siya umuwi sa aming bahay. Sa tuwing umuuwi siya napapadalas na ang kanilang pag-aaway ng aking ama na hindi ko alam kong anong kadahilanan. Takot na takot ako tuwing sila ay nag aaway dahil ang aking ina ay hindi nakakahinga kapag my sama ng loob mabuti nalang at nariyan ang aking lola na siyang nagsasabi kong ano ang kailangan kong gawin para mapigilan ang pag atake sa sakit ng aking ina kaya't nagiging mabuti rin ang kanyang kalagayan.

Makalipas ang ilang buwan! Naghahanda na ang ibang tao para sa pagtatapos ng Taon (Bagong Taon) dapat nagkakasiyahan kami noon mga oras na yan pero bakit tila nag aaway parin sila? Kaya ang ginawa ko umalis ako ng bahay para doon nalang sa aking kaibigan salubongin ang Bagong Taon masaya at walang iniisip na kahit anong problema na tila minsan ko lang naranasan.

https://images.app.goo.gl/g757xro3Gpg1G4GQA

Sumapit na ang araw at ako'y umuwi na ng bahay hindi kona naabutan ang aking ina dahil umalis na daw patungo sa kanyang trabaho. Dali-dali akong umakyak sa taas para mag handa na dahil ako ay may papasok na sa paaralan ngunit bigla akong napatigil ng may nahagilap ang aking mata isang sulat na galing sa aking ina na ang nilalaman ay "hindi na daw siya babalik dahil pagod na siya at inamin niya din sa sulat na may iba na siyang kinakasama" :( Gulong-gulo ang aking isipan ng mga oras na yon andami kong tanong na bakit? Para maliwanagan ako masagot ang aking mga katanungan tinawagan ko ang aking ina ngunit hindi na siya sumasagot pa. Hanggang sa may nabanggit ang aming kapitbahay na matagal na daw niya iyon na kasama, hindi ko alam kong makakaramdam ba ako ng galit oh inis sa aming kapitbahay dahil sa hindi niya pinagsabi kaagad at sana naagapan namin hindi makakaalis ang aking ina.

https://images.app.goo.gl/g757xro3Gpg1G4GQA

Pitong taon na ang nakakalipas noon iwan niya kami at andito parin sa puso ko yong bakas na kanyang ginawa sa aming pamilya. At hindi na umaasang mabubuo pa ulit! At sa ngayon nagsisikap akong mag-aral ng mabuti para maiahon ko sa kahirapan ang ang Pamilya kahit na minsan ako ay pagod na dahil wala man lang akong mapagsabihan ng sakit na nararamdaman mabuti nalang at nariyan ang aking mga kaibigan para ituro kong ano ang tama.

Habang sinusulat ko itong kwento hindi ko namamalayan na may pahid na palang luha na dumadaloy sa aking pisngi galing sa aking mata.

Sana ay magustohan niyo ang aking masalimuot na kwento:) Salamat sa inyong pagbasa:/

Promoting my 1st and 2nd Articles Sana magustohan niyo:)

2nd Article! 1BchGoal

https://read.cash/@Vhea20/my-1-bch-goal-e65bfb58

1st Article! My Ghost Experiences (Part 1)

https://read.cash/@Vhea20/my-ghost-experiences-part-1-d4ddc19c

Love:/

5
$ 0.00
Avatar for Vhea20
Written by
3 years ago

Comments

Awts! Bakit nman hantong sa ganun. Anyways, kaya mo yan, palakasin lang ang loob☺️

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko alam nabigla kami sa mga nangyari eh dahil noon bata pa lang din naman ako

$ 0.00
3 years ago

nakakalungkot na man. pinaka worst feeling yung walang nanay sa tahanan.

$ 0.01
3 years ago

Habang sinusulat ko nga ito naiiyak na ako haha bumabalik lahat ng sakit na naranasan ko noon.

$ 0.00
3 years ago