Limang matatapang na babaeng bayani ng Pilipinas.

31 12217
Avatar for Valryan14
4 years ago

Kapag tayo ay hinihingian ng mga pangalan ng isa sa ating mga bayaning Pilipino, sinu-sino sa kanila ang maaari mong isagot?

Marahil ang ating iisagot ay si Doktor Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Lapu-lapu, Diego Silang at kahit pa si Heneral Antonio Luna. Maaring sa mga nabanggit sa isa diyan ay ang iyong masasagot.

Walang opisyal na listahan ng mga bayani ang Pilipinas. May iba na nagpapasa ng pinal na listahan ng mga bayani pero ito ay di pinapasa ng lehistratura upang maiwasan ang mga debate at komplekasyon patungkol sa mga kontrobersiya ng nakaraan tungkol sa mga bayani.

Karamihang sa mga bayani ay pawang mga lalaki at iilan lamang at nakikilalang mga babae na naging parte ng kasaysayan sa Kalayaan ng Pilipinas.

Dito sa artikulong ito ay mababasa ninyo at malalaman ang tungkol sa limang matatapang na babaeng bayani ng bansang Pilipinas na karapat-dapat na alalahanin. Ang mga babaeng ito ay hindi lamang nagrerepresenta ng simpleng babae. Huwag mo silang kakalimutan at ang kanilang mga nagawa para sa susunod na may magtanong sayo, ikaw ay handa na iyong isasagot.

1. Gabriela Silang (1731-1763)

bayaniart.com

Si Gabriela Silang ay marahil ang pinakakilala na babaeng Pilipinong bayani, pero siya ay lagi lamangΒ  nababanggit kasama ng kanyang asawa na si Diego. Dahil sa kanilang mga nagawa ay naisulat bilang iisa, nakakalimotan na ng nakararami na may sarili itong kontribosyon bilang "Unang babae na namuno ng grupo ng mga rebolusyonayo".

Si Gabriela ay isang matapang na mandirigmang IlocaΓ±a na pumalit sa kanyang asawa bilang tagapagmuno ng hukbo matapos ito patayin noong 1763.

Pinamunoan niya ang pakikipaglaban nito sa mga kastila sa kanilang probinsya sa Ilocos. Inatake nila ang mga sundalong kastila na siyang nagpakilala sa grupo sa mga ito.

Sa huling pakikipaglaban nito sa Vigan, pinamunoan nita dalawang libo (2,000) na Pilipinong sundalo laban sa hukbo ng mga kastila na may anim na libo (6,000) na mga sundalo.

Sapagkat sila ay di nagtagumpay, nahuli at binitay, si Gabriela Silang ay kinilala paΒ  rin dahil sa kanyang katapangan para sa kalayaan ng Pilipinas.

2. Tandang Sora (1812-1919)

Pinterest.ph

Ang totoong pangalan ni Tandang Sora ay Melchora Aquino na nakilala sa tawag na "Ina ng Rebolusyon". Isang ina na magsasaka na naiwan ng kanyang yumaong asawa pati na ang anim na anak nito.

Tinawag siya na Tandang Sora dahil sa paggagamot nito kila Andres Bonifacio at ng mga Katipunero noong taong 1896. Nakilala ang kanyang katapangan matapos siyang mahuli ng mga kastila para itukoy ang kinaroroonan ng ibang mga rebeldeng Pilipino pero tinanggihan niyang sumagot dito.

3. Teresa Magbanua (1868-1947)

philnews.ph

Isang Guro at dating asawa ng mayaman na nag-aari ng malalaking kalupaan. Hinusay niya sa panahong yun ang kanyang pangangabayo at pag-aasinta gamit ang baril sa kanilang malawak na lupain.

Nang malaman niyang sumali ang kanyang mga kapatid na lalaki sa hukbo, pinilit niya rin ang kanyang tiyohin na si Heneral Perfecto Poblador na siya ay isali sa Katipunan ng mga babae sa kanilang lugar. Pumayag ang Heneral, na siyang nagtakda kay Teresa Magbanua bilang kauna-unhang babaeng namuno ng rebolusyonaryo sa Visayas.

Nakipaglaban ito hanggang sa dumating ang mga Hapon sa Pilipinas upang sila naman ang manakop.

4. Josefa Llanes Escoda (1898-1945)

scribd.com

Isa sa dalawang babae na nailagay ang larawan sa papel na pera ng Pilipinas. Ang isang babae ay Melchora Aquino o si Tandang Sora.

Pinakamatanda sa pitong magkakapatid at tumutulong sa kanyang ina na alagaan ang mga kapatid dahil namatay ang kanilang ama noong 1918, habang siya ay nag-aaral ng edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nang mangyari ang ikalawang pandaigdigang digmaan, ang kanyang pagtulong at paggamot sa apektado ng digmaan ay siyang kadahilanan upang siya ay hulihin, ikulong at bitayin.

5. Magdalena Leones (1921-2012)

imgur.com

Isa sa mga di gaanong kilala na bayani noong World War 2 kahit siya lang ang kaisa-isahang Asyanong babae na nabigyan ng Silver Star sa World War 2 ng Estados Unidos.

Ipananganak siya sa bulubundokin ng Kalinga at anak ng isang misyonaryo.
Dahil sa pagtanggi nito na sumuko matapos ang pagbagsak ng Bataan, kinulong siya ng limang buwan. Habang nasa kulongan, sinanay niya ang sarili na magsalita ng Niponggo.
Naging "Special Agent" siya ni Kernel Russel Volckman ng Estados Unidos. At ginawa niya ito bilang oportonidad para makakuha ng mahalagang impormasyon sa mga hapon. Dahil dito, tinawag siyang "The Lioness of Filipino Guerilla Agents".

Si Magdalena Leones ay yumaon lang noong taong 2015.

Iilan lamang sila sa mga matatapang na babae ba lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas na dapat nating pasalamatan at kilalanin. Dapat natin silang pasalamatan dahil parte sila ng kadahilanan kung bakit tayo ay malaya mula sa mga mananakop.

Kung gusto mo pa malaman ang ibang mga bayani, sigurdahonin mo lang na naka-subscribe ka. Salamat!

Lead Image: cnnphilippines.com

15
$ 0.19
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @tired_momma
$ 0.05 from @Yolive98
+ 2
Sponsors of Valryan14
empty
empty
empty
Avatar for Valryan14
4 years ago

Comments

Familiar sila sakin πŸ˜… Pano kase di ako mahilig makinig sa araling panlipunan dati kaboring πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Balikan mo yon, dapat makinig ka πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Hahaha ayoko mag read cash na lang ako 🀣

$ 0.00
4 years ago

May pera pa πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

kaya nga kisa kilalanin sila wla nmn ako makuha pera πŸ˜…πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Oo nga, pero si bch pababa na hahaha

$ 0.00
4 years ago

ayy grabe sya palapit na kase ang pork isti fork 🀣

$ 0.00
4 years ago

nice article

$ 0.00
4 years ago

valovabe decribe koteso ,pore valo laglo ,keep it up

$ 0.00
4 years ago

apnr article ti translate kore history ti porlam ,valo laglo ,onek valo vane present korsen .Best wishes apnar jonno

$ 0.00
4 years ago

Ang kilala ko lang talaga sa kanila ay si Gabriela Silang at Tandang Sora. Kaytatapang nila diba, hindi lang naman talaga sa mga lalaki ang bayani. Madami din talagang matapang na mga babae ilang daang taon na ang nakaraan. Ang mga babae ay may angkin din na tapang para sila ay ibilang sa ating mga bayani.

$ 0.00
4 years ago

Oo, ikaw din matapang. Pinaglaban mo yong taong di para sayo πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Matapang ako pero pag alam kong wala na talagang labana, marunong akong sumuko, duhhh

$ 0.00
4 years ago

Hndi ko kilala si teresa magbanua at magdalina leones πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Ngayon kilala mo na πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Oo nga eh salamat haha..my kapatid pa nmn ako madalina name pati lola nmin.. Dun ipinangalan name ng kapatid namin.. Oldies and name 🀣

$ 0.00
4 years ago

Classic nga yon e haha

$ 0.00
4 years ago

Oo nga eh 🀣🀣

$ 0.00
4 years ago

Hahaha kilala ko sila naalala ko kakanuod ng Bayani sa Abs Cbn πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Marami pa yan. Kaso hirap na pataasin pa πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

respect

$ 0.00
4 years ago

Tama ka, tila ba nakakalimutan nating mga Pilipino na may mga naging ambag din ang mga babae sa ating kasaysayin. Malimit lamang silang mabanggit sa mga aklat dahil kadalasan ay puro mga kalalakihan lamang ang nailalathala. Sa pamamagitan ng iyong artikolo ay muli silang nakilala ng iilan na nandito sa readcash.

$ 0.00
4 years ago

Nice article

$ 0.00
4 years ago

I only know gabriela silang and tandand sora then wala pagkatapos nun πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Marami pa yan sila kaso parang sobrag haba na pag nilahat ko e πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Sobrang haba nga but this is a good way to appreciate filipinas ahh UwU

$ 0.00
4 years ago

UwU πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Napag aralan ko na to dati pero dalawa lang talaga ang natatandaan ko lagi, si Gabriela Silang at Melchora Aquino πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Sila lang kasi sumikat πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago