Can a relationship survive if the other half is cheating?

29 51
Avatar for Usagi
Written by
2 years ago

Dahil ilang days na rin naman akong puro English, balik tayo sa pagsusulat ng Tagalog dahil you know, dinudugo rin ang ilong ko guys. O kahit gaano pa kagaling si Grammarly sa pag correct sa grammar ko eh minsan talaga bumabalentong ako sa pag-e-English. Anyways, dahil buwan naman ng mga Puso, pag-usapan natin ung mga bagay na pino-problema ng mga magkakasintahan.

If ever na ikaw ay Singol, hindi ito ang article na para saiyo. Charot! Dahil andito ka na sa part na to eh ituloy tuloy mo na din ang pagbabasa dahil marami ka na malalaman dito. Yes! Madami. Promise, kapag natapos mo to tiyak madami kang maiisip or baka ayun, lalong ma-trigger ang anxiety mo sa pakikipag-relasyon. Joke!

source

Cheater!!! Manloloko, Babaero, Lalakero, or kahit ano pang ibang tawag jan, isa lang ibig-sabihin niyan. Hindi ka FAITHFUL at LOYAL sa jowa mo!

Iniisip ko bakit andaming ganyan sa mundo. Hindi makuntento sa isang tao. Bakit gusto maraming natitikmang putahe? Yung iba eh gusto pang nakiki-budol fight pa. You know what I mean? Mga taong mangangaliwa na nga lang eh doon pa sa nila-lafang na ng iba. Nako ewan ko lang ah. Ayoko mag-generalize ng iisang gender kasi jusko, obvious naman na some male at female eh guilty for doing that act.

Anyways, punta tayo dito sa tanong na ito:

Can a relationship survive if the other half is cheating?

For me, totohanan na ito ah, girls makinig kayong lahat. Bilang babae, lahat titiisin mo. Pag -labor nga ng ilang oras at pag-eere habang nanganganak kaya mo tiisin ang sakit e. Pero ito ang masakit, kahit anong pagtitiis ang gawin mo, darating sa point na titigil ka na. Minsan sasabihin ng iba pagod na sila, yung iba sasabihin natuto na sila sa kat@ngahan nila or ung iba nagsawa na maging martir. So the answer for that question is NO. Kapag ang partner nyo patuloy pa din kayong niloloko eh it's time to let go na.

"Eh, paano kung ako talaga mahal niya pero natutukso lang siya?"

Hay nako, ang astig naman ng manloloko na ganiyan, tamang tikim tikim lang na kala mo nasa buffet restaurant tapos kapag may hindi nagustuhan eh babalikan na lang yung isang putahe na nakasanayan? NOO!

"Paano kung inakit lang?"

Girl, edi kung naakit ng iba edi malamang nagsawa na talaga saiyo. Imagine this, magkatabi kayo matulog pero di naaakit sayo? Abay malala.

"What if, sinabi niya sa akin na kelangan niya ko pero apo-fall out of love lang sya?"

Then girl, uulitin ko, it's time for you to let him go na. Kapag sinabi yan sainyo ng isang guy ibig lang sabihin nyan eh gusto nya lang makaramdam na may nagmamahal pa sakanya pero di ka n niya mahal. periodt.

"Sorry, magbabago na ko para sa iyo"

Duhhh? after mong mang loko eh ang lakas pa nga loob mo na sabihin yan. Parang sinabi mo na din na; last na to promise pero uulit pa. Girls and boys, once na sinabi yan ng partner ninyo eh wag na wag na kayong maniwala. Mataas ang chance na lalo lang kayo lokohin nyan. Sa lahat ng nakilala kong lalaki, jeske, ni isa ata doon walang napatunayan na nagbalik loob talaga at hindi na umulit. Well ako na bang malas sa lalaki? hahahah (btw, ilan lang po jowa ko. Ang mga tinutukoy ko is mostly mga kakilala ko talagang tunay, friends, aquiantance etc.)

Sa pakikipagrelasyon, hindi masamang mag-set tayo ng mataas na standards sa isang tao. At for me, mas mabuting mag-antay ka na lang ng para saiyo. Kapag nakita mo na ang taong iyon, make sure na kilalanin mo ng buo. Hindi ko sinasabing magpaligaw ka ng matagal na panahon girl. Pero ang akin lang, tiyakin mo na kilalang kilala mo na yung taong yun. Kung kelangan mong magpaka-NBI para jan eh gawin mo na. Kung gusto mo, hingian mo rin ng cenomar, NBI record at police record para make sure na mabuti ngang tao yan. Wag mo kong tawanan sa part na to dahil totoo ito. Wala naman masam kung gagawin mo. Saka sa panahon ngayon, madali na lang manloko ng identity.

Sa mga tao naman na naloko na, Please, do not close your hearts. May darating na tao para sainyo. Minsan di natin inaakala na sila na pala iyon. Yung 'the one' na iyon maaaring isang certain stranger na isang beses mo lang makikilala tapos marami ka ng matututunan sakanya, or minsan malay mo isang kaibigan lang pala hanap mo.

Hindi kahinaan ang pag-let go sa isang tao. Kailangan mo itong gawin para sa ikaka-payapa ng utak at puso mo. Hindi mo deserve ang masaktan. If ever na anjan ka parin sa relasyong ganito, please, better find ways para sa peace of mind mo. I know it is very hard lalo na kapag minahal mo yung tao or may anak kayo, pero dear, you deserve to be loved. Yung tipong di mo kailangan magmakaawa for that. I hope you will find a man or a woman na araw araw ipaparamdam sa iyo na ikaw lang ang gusto niyang lambingin araw araw at gabi gabi. Deserve natin na magkaroon ng taong laging ipapaalala sayo ang mga bagay na nagustuhan niya sayo kahit mainisin ka.

Always remember,

If you will let go of it, God will bring you the most wonderful gift you ever prayed for...


Anyways, I just wanna know your viewpoints as well guys so the comment section or any supporting article regarding this would be nice to hear ❤️


By the way, thank you so much @Kelzy for renewing your sponsorship. And also to my new sponsor, @francis105d1 thank you so much sir. ❤️❤️

PUBLISHED: FEBRUARY 6, 2022
TIME: 8:43 AM PST

12
$ 4.91
$ 4.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @itsmeCguro
$ 0.05 from @Ruffa
+ 10
Sponsors of Usagi
empty
empty
empty
Avatar for Usagi
Written by
2 years ago

Comments

Ang kulet! Parang naririnig ko boses mo bhie habang binabasa ko to kahit di ko naman alam boses mo😅

$ 0.00
2 years ago

hahahahah dati kasi akong bading kaya ganyan ate wahahahah

$ 0.00
2 years ago

On point sizz! Pag red flag na, end na agad. Dami pa dyan and for sure, darating ang tamang tao for us, kaya wag dapat manghinayang sa mga di mapakaling mga cheater na ganyan.

$ 0.00
2 years ago

Sawa na ko sa mga ganyang lalaki ses. Buti ung boy ko ngayon napaka responsableng tao na talaga. Dami kong learningss sa mga naka jowa ko noon.

$ 0.00
2 years ago

Di naba kineri english te HAHAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Di na, ubos na ubos na. Said na nga eh

$ 0.00
2 years ago

Uh natawa ako sa budol fight, buset HAHAHAHA.

Anyways, agree ako sa mga sinabi mo. Iwasan din minsang maging t@ng@ kahit malinaw na nga sa sikat ng araw na niloloko na. I mean ung mga reason na nabanggit sa taas, like seriously ang kapal ng apog ng iba na mag litanya pa ng ganon ano. Feelinh siguro nila na forever magpapakatng@ sa kanila ang girls. Ang ibang girls pa naman pag talagang piniling mag move on naku HU HU KA BISH!!! Hahaha. Wag lang talaga sanang marupok 🤦🤦

$ 0.00
2 years ago

Hayy nako, been t@nga din for years. Ilang beses pa. As in lokang loka din ako sa sarili ko pag naaalala ko. 8niisip ko na lang na ah baka that time, dali lang tlga ako mauto ng mga taong yon

$ 0.00
2 years ago

Kuuu, buti at inalis mo na yan. Walang magandang madudulot satin any pagpapakatenge sa kahit na kanino lalo di naman nakokita worth natin. Charowtttt hahahaha seryoso kuno 🤣

$ 0.00
2 years ago

I'll give the other person a second chance. I believe everyone deserves a second chance but if he/she does it again, sorry nlng. 🤷‍♀️

$ 0.00
2 years ago

Hmmm siguro I'll go with a second chance pero depende sa level ng cheat eh. May klase ng cheat na sobra na. Tipong alam mong sanay na sanay na so pag ganun, let go na agad agad.

$ 0.00
2 years ago

That's an exemption. Hehe

$ 0.00
2 years ago

True ano tikim tikim lang! Ayaw ko na niyan pag sa iba niya sinawsaw mehehe 😹

$ 0.00
2 years ago

Omg grabe ang wordings wahahaha pero tama yan, wag mong ísubo ung sinubo na ng iba 😂😂

$ 0.00
2 years ago

ako sis I do not tolerate cheating. Well, sa first relationship ko, nagmimicrocheating yung ex ko like, pasimpleng flirt sa chat. Ako kasi di masalita, so bigla ko na lang siya inaaway.

$ 0.00
2 years ago

Omg pag ganyang ma flirt sa chat eh red flag na iyan so wag na pakampante ses, putulin na agad sungay or alis na agad.

$ 0.00
2 years ago

Once a cheater it always be a cheater.

$ 0.00
2 years ago

Hindi naman po ako babaero, hmm. Haha. When someone cheats talaga means start na yon ng pagiging broken ng relationship. It's a matter of time nalang kung hanggang saan itatagal ng relasyon at pagsasama ng dalawang tao. Talagang God bless nalang sa mga cheaters.

$ 0.00
2 years ago

Nako please lang wag ka magiging ganun dahil walang patutunguhan iyan...

$ 0.00
2 years ago

I couldn't find your mention until I went to the end of the article, yes it is my pleasure, and hopefully, I will renew once it expires.

$ 0.00
2 years ago

Thank you so much sir, I am very much grateful for that

$ 0.00
2 years ago

Almighty God is most merciful and gracious. If we leave anything in his seek of love , sure He awards us much better alternate which we never think.

$ 0.00
2 years ago

So for you sir what if the person you marry cheated on you many times and you are married in the church, will u let her go or still be with her??

$ 0.00
2 years ago

I can't live with such partner. Sure I will move out!

$ 0.00
2 years ago

Sobrang agree ako dito. Pag ganun talaga let go na talaga kasi pag hindi mo bibitawan yung mga taong ganyan, Ikaw lang mismo nagbibigay ng pain sa sarili mo. You need to close the door na sa mga taong ganyan.

They are not worth it so ba't ka pa magtitiis. Puro pain at iyak lang maabot. Puro promises na mag change na pero sa huli hindi pala. Sa mga taong ganyan, wala ng chances. Once a Cheater always a Cheater.

$ 0.00
2 years ago

I am so agree ate. Nako I've been with a person who was a cheater. Up to now talaga alam kong di pa din magbabago. Buti na lang nadala na ako at ayun, ni let go ko na lang kasi pain in the @ss lang talaga sila.

$ 0.00
2 years ago

Yes Langga at tama lang ginawa mo Langga. Hindi nila deserve second chance.

$ 0.00
2 years ago

Nako ate, ilang beses din ako nagpatawad eh. Nakaka shUng@ sa totoo lang

$ 0.00
2 years ago

Okay lang yan Langga. Minsan ganun talaga Langga.

$ 0.00
2 years ago