Can a relationship survive if the other half is cheating?
Dahil ilang days na rin naman akong puro English, balik tayo sa pagsusulat ng Tagalog dahil you know, dinudugo rin ang ilong ko guys. O kahit gaano pa kagaling si Grammarly sa pag correct sa grammar ko eh minsan talaga bumabalentong ako sa pag-e-English. Anyways, dahil buwan naman ng mga Puso, pag-usapan natin ung mga bagay na pino-problema ng mga magkakasintahan.
If ever na ikaw ay Singol, hindi ito ang article na para saiyo. Charot! Dahil andito ka na sa part na to eh ituloy tuloy mo na din ang pagbabasa dahil marami ka na malalaman dito. Yes! Madami. Promise, kapag natapos mo to tiyak madami kang maiisip or baka ayun, lalong ma-trigger ang anxiety mo sa pakikipag-relasyon. Joke!
Cheater!!! Manloloko, Babaero, Lalakero, or kahit ano pang ibang tawag jan, isa lang ibig-sabihin niyan. Hindi ka FAITHFUL at LOYAL sa jowa mo!
Iniisip ko bakit andaming ganyan sa mundo. Hindi makuntento sa isang tao. Bakit gusto maraming natitikmang putahe? Yung iba eh gusto pang nakiki-budol fight pa. You know what I mean? Mga taong mangangaliwa na nga lang eh doon pa sa nila-lafang na ng iba. Nako ewan ko lang ah. Ayoko mag-generalize ng iisang gender kasi jusko, obvious naman na some male at female eh guilty for doing that act.
Anyways, punta tayo dito sa tanong na ito:
Can a relationship survive if the other half is cheating?
For me, totohanan na ito ah, girls makinig kayong lahat. Bilang babae, lahat titiisin mo. Pag -labor nga ng ilang oras at pag-eere habang nanganganak kaya mo tiisin ang sakit e. Pero ito ang masakit, kahit anong pagtitiis ang gawin mo, darating sa point na titigil ka na. Minsan sasabihin ng iba pagod na sila, yung iba sasabihin natuto na sila sa kat@ngahan nila or ung iba nagsawa na maging martir. So the answer for that question is NO. Kapag ang partner nyo patuloy pa din kayong niloloko eh it's time to let go na.
"Eh, paano kung ako talaga mahal niya pero natutukso lang siya?"
Hay nako, ang astig naman ng manloloko na ganiyan, tamang tikim tikim lang na kala mo nasa buffet restaurant tapos kapag may hindi nagustuhan eh babalikan na lang yung isang putahe na nakasanayan? NOO!
"Paano kung inakit lang?"
Girl, edi kung naakit ng iba edi malamang nagsawa na talaga saiyo. Imagine this, magkatabi kayo matulog pero di naaakit sayo? Abay malala.
"What if, sinabi niya sa akin na kelangan niya ko pero apo-fall out of love lang sya?"
Then girl, uulitin ko, it's time for you to let him go na. Kapag sinabi yan sainyo ng isang guy ibig lang sabihin nyan eh gusto nya lang makaramdam na may nagmamahal pa sakanya pero di ka n niya mahal. periodt.
"Sorry, magbabago na ko para sa iyo"
Duhhh? after mong mang loko eh ang lakas pa nga loob mo na sabihin yan. Parang sinabi mo na din na; last na to promise pero uulit pa. Girls and boys, once na sinabi yan ng partner ninyo eh wag na wag na kayong maniwala. Mataas ang chance na lalo lang kayo lokohin nyan. Sa lahat ng nakilala kong lalaki, jeske, ni isa ata doon walang napatunayan na nagbalik loob talaga at hindi na umulit. Well ako na bang malas sa lalaki? hahahah (btw, ilan lang po jowa ko. Ang mga tinutukoy ko is mostly mga kakilala ko talagang tunay, friends, aquiantance etc.)
Sa pakikipagrelasyon, hindi masamang mag-set tayo ng mataas na standards sa isang tao. At for me, mas mabuting mag-antay ka na lang ng para saiyo. Kapag nakita mo na ang taong iyon, make sure na kilalanin mo ng buo. Hindi ko sinasabing magpaligaw ka ng matagal na panahon girl. Pero ang akin lang, tiyakin mo na kilalang kilala mo na yung taong yun. Kung kelangan mong magpaka-NBI para jan eh gawin mo na. Kung gusto mo, hingian mo rin ng cenomar, NBI record at police record para make sure na mabuti ngang tao yan. Wag mo kong tawanan sa part na to dahil totoo ito. Wala naman masam kung gagawin mo. Saka sa panahon ngayon, madali na lang manloko ng identity.
Sa mga tao naman na naloko na, Please, do not close your hearts. May darating na tao para sainyo. Minsan di natin inaakala na sila na pala iyon. Yung 'the one' na iyon maaaring isang certain stranger na isang beses mo lang makikilala tapos marami ka ng matututunan sakanya, or minsan malay mo isang kaibigan lang pala hanap mo.
Hindi kahinaan ang pag-let go sa isang tao. Kailangan mo itong gawin para sa ikaka-payapa ng utak at puso mo. Hindi mo deserve ang masaktan. If ever na anjan ka parin sa relasyong ganito, please, better find ways para sa peace of mind mo. I know it is very hard lalo na kapag minahal mo yung tao or may anak kayo, pero dear, you deserve to be loved. Yung tipong di mo kailangan magmakaawa for that. I hope you will find a man or a woman na araw araw ipaparamdam sa iyo na ikaw lang ang gusto niyang lambingin araw araw at gabi gabi. Deserve natin na magkaroon ng taong laging ipapaalala sayo ang mga bagay na nagustuhan niya sayo kahit mainisin ka.
Always remember,
If you will let go of it, God will bring you the most wonderful gift you ever prayed for...
Anyways, I just wanna know your viewpoints as well guys so the comment section or any supporting article regarding this would be nice to hear ❤️
By the way, thank you so much @Kelzy for renewing your sponsorship. And also to my new sponsor, @francis105d1 thank you so much sir. ❤️❤️
PUBLISHED: FEBRUARY 6, 2022
TIME: 8:43 AM PST
Ang kulet! Parang naririnig ko boses mo bhie habang binabasa ko to kahit di ko naman alam boses mo😅