Ama, silang ang ating haligi ng tahanan na nagtatrabaho upang buhayin ang kanilang pamilya. Ngunit pano nalang kung ang iyong ama ay sya pang sisira ng iyong buhay ?. Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng ama ay maaasahan, hindi lahat ay may paninindigan at responsable. 3bata ang iniwan ng kanilang ama. Kawawa ang mga bata . Walang kamuwnag muwang s anga nangyayari . Hindi nila alam ang dahilan kung bakit sila iniwan ng Ama. Inalagaan sila ng kanilang lola . Ang nanay ng kanilang ama. Ngunit nkakalungkot na hindi sila kayang buhayin nito kaya kahot labag sa kalooban ng lola nila. Nagawa niyang papagpalimusin ang kanyang nga apo. Matanda na sya hindi sya makapag trabaho ng maayos kaya hindi sumasapat ang kanyang kita para sa kanyang apo. Napakasama pala ang ugali ng kanyang anak. Binubugbog pala niya noon ang kanyang asawa na ina ng kanyang mga anak at ito ang dahilan kung bakit ito nawala. Lumipas ang ilang mga buwa at taon . Lumaki ang mga bata sa piling ng kanilang lola . Pilit sila nitong itinaguyod at ngayong malalaki na sila . Sila naman ang mag aalaga sa kanilang lola. Ngunit di nila inaasahan na ilang taon ang lumipas ehh babalik ang kanilang ama.Gusto silang hagkan at yakapin. Ngunit galit sa kanya ang kanyang mga anak. Bawat isa sa kanila ay may poot na nararamdaman pra sa kanilang anak. Pinabayaan, iniwan , hinayaang mamalimos sa kalsada yang ang iniisip ng mga bata para sa knilang ama. Imbes na arugain , alagaan at mahalin siya pa ang sumira sa buhay nila. Yan ang natuon sa isip ng mga bata . At alam din nila ang dahilan kung bakit nawala ang kanilang ina. kaya naman galit na galit sa kanya ang mga anak. Ngayon babalik sya? Kung kelan malaki na sila? Kung kelan kaya na nilang kumita ng pera? Para saan para gawin silang kasangkapan dahil pera? Kaya naman hindi sya tinanggap ng kanyang mga anak. Ang iniisip lang nipa ang lola nila na may sakit ngayon ,ang tumulong sa kanila upang mabuhay, ang tumulong sa kanila na harapin ang buhay. Ano man ang gawing pagpapakumbaba ng kanilang ama ay hindi nila ito mapatawad . Nanaig sa kanila ang galit dahil sa pagkawala ng kanilang ina at ang pag abandona sa kanila . Na ospital ang kanilang lola. At habang ito ay nasa hospital, humiling ito na kung maaari ay bigyan ng pagkakataon ang kanilang ama. Dahil ano man ang nagawa nito sya pa rin ang kanilang ama. Dahil sa pakiusap na yon ng kanilang lola. Pumayag ang mga bata . Bnigyan nila ng pagkakataon ang kanilang ama . Ngunit hindi naging madali ang lahat . Hanggang sa mawala ang kanilang lola . At hiningi nito sa kanyang mga apo ang pagpapatawad para sa kanilang ama. Pinilit sundi ng 3bata ang hiling ng kanilang lola. Unti unti natatanggap na nila ang kanilang ama. At nakikita nman nila na pilit bumabawi ang kanilang ama at nagbabago na ito . Humingi rin ng tawad ang kanilang ama sa lahat lahat ng mga ginawa niyang nakapag pasira ng kanilang buhay . Ilang araw,linggo,buwan at taon ang lumipas. Napatawad na ng mga bata ang kanilang ama. Nagsimula muli sila sa kanilang buhay na magkakasama Humingi na rin ng tawad ang kanilang ama sa labi ng kanyanb asawa na syang dahilan kung bakig ito nawala. Sa bandag huli . Nanaiig ang pagmamahal sa puso ng bawat isa. Hindi pa huli ang lahat upang bumawi sa mga pagkakamali . Lahat ay may karapatan magbago at bigyan ng pagkakataon upang magbago. Maraming salamat . At isang magandang umaga sating lahat ..
7
25
tama learn how to forgive to someone. yan po ang nararapat. God will surely bless you on what you did.