Wag kang matakot na sumubok ulit
Pagkabigo, kabiguan ay Isa sa mahalagang parte sa ating buhay dahil ito ang huhubog sa ating pagkatao.
Maaaring mabigo ka ngayon bukas o sa makawala o sa mga susunod pa na iyong gagawin sa iyong buhay subalit wag mo sanang isipin ang pagsuko sa mga ito.
Ang daming dahilan para magpatuloy sa buhay, huwag mong isipin yung mga nakaraan na kabiguan lamang upang maisipan mo na ayaw Muna at sumusuko kana.
Sa dami nang tao sa mundo Hindi mo ba naisip na Isa tayo sa napakaswerte dahil nakikita pa natin ang paglubog at pagsikat nang araw na siyang Hindi na nagawa nang iba dahil sa sila ay Hindi na binigyan nang pagkakataon ng panginoon na Makita ito. Kaya be thankful for that.
Walang ginawang problema na walang sulosyon, kailangan lang natin hanapin ito at gawan ng aksyon upang maiayos natin ang mga bagay bagay
Wag kang matakot na sumubok ulit dahil lang sa nakaraan na kabiguan, dahil sa pag kakataon na ito ay hindi kana magsisimula sa Wala dahil meron kanang guide mula sa nakaraan na kabiguan upang gamitin na magawa ng maayos ang gusto mong gawin.
Wag kang matakot na s sumubok ulit, sa pagkakataon na ito ay alam mo na kung saan ka nagkamali at alam mo na kung paano ito maitama.
Wag kang matakot, maaari na Hindi ka muling mag tagumpay o mabigo ka ulit, okay lang yan dahil Ang mahalaga ay Yung makuha kang aral sa kabiguan na iyon.
Laging may kaakibat na pagkabigo ang bawat bagay na gusto mong subukan at mga bagay na gusto mong gawin, Ang kailangan mo lang matutunan ay pagtanggap sa magiging resulta nito panget man o maganda dapat ay handa na harapin Ito nang buong buo.
Kailangan ay lagi kang positibo sa mga bagay bagay na,
Laging tandaan na ilubog ka man nang panahon sa kabiguan, unti unti ka rin makakabango. Uusad ka patungo sa iyong destinasyon.
Balang araw ay makakamit mo ang tagumpay at masasabi mo na
Buti nalang
Buti nalang
Buti nalang at hindi ako tumigil at Hindi Ako sumuko na sumubok ulit na maayos ang Ang aking buhay. Na Hindi ka sumuko sa bawat hamon Ng Mundo, na patuloy mong hinaharap Ang bawat ibato sayo ng panahon..
Binabati kita dahil marami ka nang laban na napagtagumpayan
At binabati kita dahil patuloy ka na lumalaban sa mga binibigay sayo na pagsubok na Mundo.
Isang araw mapapagtagumpayan mo lahat Iyan Basta maniwala at mag tiwala ka lang.
Isang bagay lang upang magawa mo ito kailangan mo lang maniwala sa sarili mo at magtiwala ka lang na magagawa mo ito.
Ikaw lang Ang makakapagpabago ng buhay mo at ng sitwasyon mo,
Hindi Ako
Hindi siya
Hindi sila
Hindi ang ibang tao, kundi ikaw, ikaw lang Ang makakapagpabago ng buhay mo,
HUWAG MONG IPAPASA SA IBA ANG PAPEL AT ANG TENTA NA GINAGAMIT MO SA PAG SULAT NG BUHAY MO DAHIL SA IYONG LIBRO AY IKAW ANG BIDA DITO.
One thing na pinakamagandang traits ng Filipino is resiliency po... Babangon at babangon tayo kahit ano pang mangyare... Lalabas at lalaban. Tuloy Ang buhay