Huwag kang NANINIWALA sa SWERTE dahil MALAS yun.

6 37
Avatar for Tagalog
3 years ago

Huwag kang MANINIWALA sa SWERTE dahil MALAS yung.

Naniniwala kaba sa swerte?

Tinamaan kana ba ng swerte?

Kung ou ano Yun ?

Anong swerte Ang dumating sa buhay mo.

Harahil kokontahin mo ko kung bakit ko nasabi Ang mga ito, subalik gusto lang sabihin na ito ay aking paniniwala laman.

Malaya ka na gawin ang gusto mo, at Malaya ka na paniwalaan ang gusto mo.

Gusto ko lang malaman mo na Hindi dahil sa swerte ka kaya mo nakuha yung gusto mong makuha, kundi nakuha mo Yan dahil nakalaan yan para makuha mo, at dahil pinaglaan mo nang lakas at oras Ang bagay na yan kaya nag bunga nang magandang resulta, Hindi lang dahil sa swerte kaya mo nakuha.

Meron din dumarating sa buhay natin na maganda na Hindi natin inaasahan, at sasabihin natin na swerte naman natin dahil dumating saatin ang ganito kaganda na bagay o pangyayari, pero naisip mo ba na maaaring ginawa mo ang mga dapat mong gawin sa nakaraan kaya nakukuha mo na yung bayad sa tinanim mong pagsisikap nuon.

Sabi nga nga e, 'kung Wala kang tinanim wag kang umasang meron kang aanihin'. Ganon lang yun, Hindi Yun nangyari dahil sa swerte ka dahil lahat nang nangyayari sayo at mangyayari sayo ay bunga ng mga ginawa at gagawin mong hakbang para dito.

Walang swerte dahil lahat ito ay ginawa natin at marahil ay nagkataon lamang na nagbunga Ang lahat ng ginawa mo sa oras na Hindi mo inaasahan kaya nasabi mo na swerte ka.

Naniniwala kaba sa malas?

inabot kanaba ng kamalasan sa buhay?

Kung ou Ang sagot mo ano iyon?

Alam mo bang walang pinanganak na malas sa mundong ito lahat tayo ay isinilang nang magkakatulad at ayon sa kagustuhan ng lumikha, nagkakaiba laman dahil sa mga ginagawa nang mga nagdala at nagsilang saatin.

Hindi ka malas dahil lamang sa Hindi mo nakukuha Ang mga bagay na gusto. Hindi ka malas dahil lamang sa kabaliktaran Ang mga nangyayari sa ninanais mong mangyari, Hindi lamang dahil doon ay sasabihin mong malas ka.

Maaaring Hindi lang ito ang nakalaan para saiyo kaya Hindi mo nakuha Yung gusto mo, maaaring Hindi pa Ito yung tamang panahon para makuha mo ito, lahat at may tamang panahon at pagkakataon para sa lahat ng bagay.

Wag mong pilitin na mangyari yung mga Hindi naman nakalaan para mangyari dahil kabaliktaran ang kalalabasan na resulta nito, sinasabi ko sayo maniwala ka, walang pinipilit ang nakukuha ang nang reresulta ng maganda.

Nasa isip lang naman natin ang malas kapag inisip natin na malas tayo ay tiyak na puro kamalasan ang mangyayari sa ating BUHAY ito ang realidad ng buhay na dapat natin laging ilagay sa ating isip na kung ano ang ating iniisip ay siya din at malaki ang posibilidad na ito ay mangyari.

Walang swerte

Walang malas

Ang lahat ay nangyayari ayon at dahil sa mga bagay na ginawa, gagawin. Lahat ng ito ay nakadepende sa mga desisyon at aksyon na ating gagawin.

Naisip mo ba ?

Ang swerte mo dahil buhay kapa ngayon.

Naisip mo ba?

Na malas ka dahil sa pag gising mo ay puro problema ang sumasalubong sayo.

Naisip mo ba na kaya buhay kapa ngayon ay dahil sa hindi mo pa oras para umalis at Hindi pa kaloob ng lumikha na umalis ka.

Naisip mo ba na kaya malas ka dahil Hindi mo ginagawan ng sulosyon yung mga problema sa buhay mo at hinahayaan mo lang imbis na harapin mo ito.

Pag isipan mong mabuti bago mo sabihin na malas o swerte ka.

Sponsors of Tagalog
empty
empty
empty

10
$ 0.12
$ 0.10 from @HyeRin
$ 0.02 from @iamanobody
Sponsors of Tagalog
empty
empty
empty
Avatar for Tagalog
3 years ago

Comments

Walang swerte sa taong tamad, at walang malas sa taong masipag. . In my opinion. .😌😌

$ 0.00
3 years ago

Tama, ako ay namangha sa kung paano mo ipinaliwanag ang iyong ideya tungkol sa bagay na ito. Magsulat ka pa at ito ay aking babasahin

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat po at nagustuhan niyo Ang aking munting sulat, maarinniyong basahin ang mga nauna ko sinulat dito.

$ 0.00
3 years ago

Tama. Tayo mismo ang gagawa ng ating kapalaran - In God's will. Kung ikaw nga ay tutunganga langvsa isang tabi, malamang walang mangyayari sa buhay mo.. Kung mag aabang ka nalang ng swerte, baka mamuti na ang buhok mo sa kakahintay

$ 0.00
3 years ago

Tama, ang swerte ay ginagawa. Ang swerte at malas ay bunga ng mga ginagawa natin. Kung nabigo tayo sa buhay, hindi ibig sabihin nun na malas tayo, sadyang may pagkakataon O mga bagay na hindi nakalaan para sa atin.

$ 0.00
3 years ago

Salamat po, tayo Ang gumagawa nang ating kapalaran at Hindi ito dahil sa swerte o sa malas tayo. Ano Mang mangyari sa atin ay ito ay dahil sa mga ginawa natin sa nakaraan at sa ginagawa natin sa kasalukuyan.

$ 0.00
3 years ago