Good evening, kumusta po ang lahat? It’s been 2 weeks since the last time I post here. Actually hindi talaga maganda pasok ng taon for us. January 3, when my husband tested covid positive. For me hindi na bago un, since 2 years mahigit na rin naman ang pandemic. So imbes magpanic ako, sinabihan ko nalang siya na umuwi agad after ng swab test for confirmation. And the same day nag isolate na kami, medyo natagalan labas ng RTPCR Test niya due sa pag surge ng gustong mag pa test. Wednesday night lumabas yung result confirming na positive talaga. So kami ng mga bata hindi na namin naisipan umalis ng bahay para makituloy muna sa tita ko since close contact nga kami. Kasi kung nagkataon magwe Gwyneth Chua ang peg namin, naghasik ng lagim😁 Kidding aside, todo ingat po tayo. Huwag na po muna tayong lalabas kung wala naman tayong importanteng dapat gawin sa labas. Thankful ako kasi mild symptoms lang kami. At mga kids ko ganun din. Sinipon lang pero may panlasa at pang amoy kami. Ito na nga yung bagong variant ng covid na Omicron. At lalong lalo na, thankful ako kasi ang babait talaga ng dalawa kong kapitbahay dito. Sa panahon na ganito mo talaga malalaman yung mga taong may malasakit sayo. Sila kasi nag offer na sila nalang mamimili ng nga kailangan namin. Good thing talaga uso na online transactions. Pinapadala ko nalang yung pambili through Gcash, kaya less hassle na rin. And yesterday, may nareceived kaming blessings from my inlaws. Nagpa groceries sila sa anak nilang bunso na nandito rin sa Manila. Kaya ang saya lang kahit na may ganitong pasubok, makakakita ka pa rin ng bright side. Na nandiyan lang yung mga taong nag-aalala at aagapay sayo…
Can’t help but to try the Lumpiang Shanghai that I made last night. Hehehe parang tinatawag kasi ako kaya ayan nakapag prito nang wala sa oras. Anyways meryenda na rin naman kaya okay na rin, instant snack na rin😁 kaon kita mga kaingay. Ilang oras nalang Pasko na🎄🥳
Finally, natapos din magbalot ng Lumpiang Shanghai. Reding ready na talaga, hehehe. Piprituhin ko nalang siya bukas ng gabi😁. At least hindi ako mahahargardo versoza bago mag Christmas. Kaya maganda talaga mag prepare ahead of time. Kayo po ba nagreready na rin ba? Maupay nga gab-e ha iyo nga tanan😊
Good afternoon noiser. Ready na ba kayo for noche buena? Dalawang araw nalang Pasko na, kaya naman nagreready na rin ako. Katatapos ko lang gumawa ng Buko Salad, then later gawa naman ako ng shanghai. Para bukas luto luto nalang. Anyways, oras na ng meryenda kaya tara kain po tayo ng kakanin from Ka Mely’s and paired it with coffee. Happy snack time😊
Maupay nga gab-e mga kanoise, dinner na ta. Katatapos lang magluto ng ginataang langka at pritong galunggong. Maaga ako nagluto kasi kaya naman tamang oras lang din kami kakain ng hapunan. Sadyang inagahan ko kasi medyo matagal magpalambot ng langka. Kayo po, Ano ulam niyo? Happy dinner po…. https://branch.wallet.bitcoin.com/rO2QCObpamb
Just right before Christmas, I finally received my 2 kiddos pamasko that I ordered from Gingersnaps in Shopee mall shop. Nakakatuwa kasi, nakamura talaga ako dito since inorder ko siya nung 12.12, medyo napatangal lang yung delivery dahil na rin siguro maraming omorder sa shopee nung pasale nila. Ever since sa Gingersnaps na talaga ako bumibili or omoorder ng mga damit nila. Maganda kasi yung style at quality ng clothing line nila pambata. Kayo mga kaingay, nabilhan niyo na rin ba ng pamasko mga chikiting niyo? Ilang kembot nalang Christmas na😊 Maupay na udto ha iyo nga tanan, happy Tuesday!
Good afternoon noiser, happy Monday. Another blessing from the Municipality of Manila. Maagang pa noche buena, may pang spaghetti na ako at fruit salad. Kulang nalang ng panahog, baka nemen😁 Konti nalang kailangan kong bilhin. Simpleng salo-salo lang naman gagawin ko kaya ang saya dahil may mga ganitong pa Christmas Box. Bongga talaga diba? Kayo mga kanoise, may natanggap na din bang ganito?
Maupay nga gab-e mga kasangkayan. Just done cooking Chicken Sontanghon soup. Request ni hubby at tamang-tama na naman sa malamig pa rin na panahon. Kung kelan papalapit na ang Pasko tsaka naman nag-uulan at maraming nasalanta dahil kay bagyong Odette. Thank God okay lang family ko sa province. Meron na rin daw silang kuryente at signal yung mga telcos. Ang hirap kasi parang yung panahon pang nung Bagyong Yolanda, nakakatakot. Anyways kain po tayo. Happy dinner!
A rainy Sunday noiser. Katatapos ko lang magluto ng champorado. Tamang-tama sa malamig na panahon. Medyo na napaaga meryenda namin ngayon, mas masarap ko kasi kainin ito pag mainit pa. Lalo na maraming gatas. Perfect combo sana kung may tuyo pero iwas iwas muna ako sa maaalat kaya ok na to😁 Kain tayo mga kanoise. Maupay na kulop…
Christmas time is in the air. Alam naman natin pag ganitong papalapit ang Pasko, nandyan yung may magreregalo sa tin. Kagaya nalang nito, an early Christmas gift from my generous neighbor. Every year talaga bago mag Christmas binibigyan niya ako lagi ng buong ham kaya naman, thankful ako kasi hindi ko na kailangan bumili ng ham para sa Noche Buena😁 I know mapapasana all tayo pag may ganitong kapitbahay.
Every time na makikita niya ako lagi niya akong kinukumusta. Lalo na this past weeks hindi ako masyadong naglalalabas. Napakabait talaga na kapitbahay, tawag ko nga sa kanya tita. Parang family na rin kasi. Siya rin pala yung nagbigay sa kin ng wallet at choco noong umuwi siya galing US.
Happy Saturday noiser, good morning 😊
Good afternoon noiser, kumusta po? Ilang araw din hindi nakapagpost dito. Dami ko rin kasing isipin this past few days. By the way, I just got home with this Ka Mely’s kakanin from SM Sta. Mesa. Nagustuhan ko kasi yung suman sa lihiya nila the last time na bumili ako. Ngayon naman bumili rin ako ng sapin-sapin sa latik. Amoy palang masarap na, amoy langka kasi siya. Tamang-tama snack time na rin. Timpla nalang ako ng coffee and ready to eat na ng meryenda. Kain po tayo, happy snack time😊
Good morning noiser, kumusta po? Hindi na masyadong nakakapag active dito, nag search kasi ako ng Ortho kung sakaling okay naman yung sa urinalysis result. Actually kagagaling ko lang sa Doctor ngayon, okay naman na yung sa urine. Advice niya is before ako magpa consult sa Ortho is mag pa whole abdomen ultrasound muna ako para sure. Kaya pa schedule muna ako dito diagnostic clinic na malapit sa min which is ito nga na Anonas Diagnostic.
Anyway, kumusta naman po yung 12.12 Budol sale niyo?😁 Budol na budol po ba? Ako kasi budol na budol ng very light😂 Not sure kung very light lang ba talaga yan. Kayo na po humusga🤣
Maupay nga gab-e mga kanoise, kumusta po? Just done cooking our viand for tonight, Laing and fried pork liempo. Early dinner kami ngayon, na excite kasi akong magluto at maaga akong natapos😁 Ngayon nalang kasi ulit nakapagluto ng laing kaya inagahan ko para maluto siya ng maayos. Kagaya nalang niyan halos nagmamantika na siya dahil lutong-luto talaga yung gata. Tara kain po tayo, happy dinner…
Good afternoon mga kanoise, ngayon palang magme meryenda. Okay lang siguro sa kin tong dynamite. Medyo natakam kasi ako at maraming bumibili kaya napabili rin. Partneran ko nalang ng tubig. Then yung cheese sticks para sa mga chikiting ko, favorite kasi nila. Kain po tayo😊
This is what I hate whenever I get sick. Sa totoo lang ayaw na ayaw ko umiinom ng kahit na anong gamot, pero wala akong choice. Kailangan ko siyang inumin. Until now kasi hindi pa rin nawawala yung back pain ko. To the point pati tagiliran ko makirot na. Kaya kagagaling ko lang din sa Doctor para magpacheck up ulit. Inulit yung urinalysis test. Babalikan ko pa yung result later kaya yan nalang muna resita na gamot para sa kin. Praying na wala akong serious na sakit like sa kidney. Ang hirap lalo na nag maintenance na rin si hubby, tapos magkakasakit pa ako. Kaya hindi rin ako nakapag online dito kahapon kasi I’m not feeling well. As possible gusto ko happy lang pero hindi talaga maiiwasan yung mga ganitong scenario sa buhay natin. Yung kahit ayaw natin pero dadating talaga siya. Hay ang hirap talaga, lalo na ako lang naman lahat gumagawa dito.
Magandang buhay noiser, happy Wednesday. Since holiday today, we had an early morning dip with the kids. Kahit ang lamig ng panahon nakuha pa rin namin maligo sa pool. Yung tipong hindi man lang nilamig mga junakis ko😂 At kitang-kita na enjoy na enjoy pa sila dahil parang halos ayaw na nilang humaon😅
Happy dinner y’all! Just done cooking Chicken Sopas with quail eggs. Tamang-tama sa malamig na panahon. Actually nakakita kasi ako ng sopas dito kagabi, natakam ako bigla kaya naman isinakatuparan ko ang aking craving😁 At ayan na nga mainit-init pa siya, hehehe. Tara kain po tayo mga kanoise, maupay nga gab-e…
Good afternoon noiser, kumusta po? Just got home from UERM. Nagpa check up kasi si hubby at kumuha ulit ng medical clearance. Then after namin sa hospital, dumaan kami ng SM Centerpoint para bumili ng maintenance niya sa Watson. Nagkataon may mga nagtitinda ng kakanin, kaya napabili ako nitong Suman sa Lihiya. Tamang-tama sa mainit na kape at sa malamig na panahon. Tara pangisnak kita.
Maupay na kulop, pangisnak kita mga kanoise. Yung nagpahinga lang ako ng isang araw, pancit malabon o palabok na naman meryenda ko😁 Mga ilang kainan nalang, mauumay na ako😂 By the way dumating na rin tong Shopee budol ko na Magsafe case for my phone. Pati tong headphones na pina order sa kin ni hubby. Last order na muna. Antayin ko nalang siguro mag 12.12 baka mas malaki ang pabudol sale. Kayo mga kanoise ready na ba magpabudol sa 12.12?😁
Good morning noiser, happy Monday. Facebook reminded me that today is my son’s birthday. How time flies so fast, ang laki na ng anak ko. Yesterday nag advanced celebration na kami ng birthday niya since may pasok ngayon si dada niya. But I will cook spaghetti later for long life daw sabi ng matatanda. Un nalang gagawin namin ngayon since nagsimba na rin kami kahapon. Happy birthday ulit anak, lab lab ni mama yan.
Happy snack time, we’re here at SM Manila. Kain muna bago pumunta ng Fort Santiago sa Intramuros. Pasyal lang kami ngayon. Then later bilhan nalang ng toy si birthday boy. Maupay na kulop.
Good morning, blessed Sunday y’all. Tomorrow is my son’s 4th birthday. But since may pasok si dada niya bukas, we are going to celebrate his birthday today. Just like her sister’s birthday, pasyal nalang kami at kakain sa labas. Mas na appreciate kasi nila yung ganun. At sa panahon ngayon kailangan praktikal nalang din. Kung saan mas gusto at sasaya mga bata dun tayo. Sana lang hindi umulan para naman ma enjoy nila yung araw na to.
#GalaResponsibly
Maupay nga gab-e mga kanoise, ngayon palang kami kakain ng dinner. Katatapos ko lang din kasi mag prito ng isda na Salaysalay. Nagluto rin ako ng ginataang puso ng saging. Perfect combination right? Sarap magkamay pag ganito ang ulam. Pangaon kita, happy dinner.
Maulang hapon mga kanoise, snack time muna habang naglalaba. Walang kasawa -sawa sa pancit malabon at puto cheese😁 Ewan ko ba kahit kinakain ko na siya araw-araw gusto ko pa rin siyang imeryenda sa susunod na mga araw. Kahit mga anak ko gustong-gusto nila tong meryenda namin. Hehehe parang may gayuma na nakakahumaling😂
Good morning noiser, question lang po. Does anyone here using PayMaya na experience na hindi makareceive ng OTP? Mag bank transfer sana ako. Pero kanina ko pa tinatry mag send, as in wala akong narereceive na one time pin from my smart number. Hindi ko alam kung ako lang ba nakaka experience nito o lahat ng PayMaya users. Tumawag na rin ako sa CS ng PayMaya pero wala naman daw advisory sa kanila na May maintenance sila. Kaya ang advice niya sa kin is ilipat ko yung sim ko sa ibang device, which is ginawa ko naman pero wala pa rin talaga😔 Kailangan na kailangan ko pa naman magtransfer ng fund ngayon. Sana may makasagot kung meron din ba naka experience nito. Thank you
Yung akala kong wala na talagang pag-asang ideliver tong camera protector ng cellphone ko kasi nga RTS na or return to seller na yung status. Sa pagbabaka sakali kong madedeliver pa, nag request ako na iredeliver siya since second attempt na yung fail delivery. Sa wakas after 2 years ideniliver din, hehehe char! Buti nalang nadala sa reklamo😁 Hay ang cute cute pa naman niyang tignan sa camera kaya tuwang-tuwa ako at thankful na ideniliver din.
Anyways, let me refresh my stressful day with this lemon juice with yakult. Cheers!
Yay nareceived ko na yung Payday sale budol ko😁 Pero hindi pa lahat, yung dalawa palang, hehehe. Tapos yung isang araw ko pa inaantay, wala na. Return to seller na siya kasi hindi talaga dineliver ni 2go. Lens protector pa naman yun ng phone ko kaya talagang gusto ko sana siyang mareceive. Pero hayaan nalang, oorder nalang ako ulit. Hoping na pag nireorder ko siya, ideliver na. What about you mga kanoise nareceive niyo na rin ba mga budols niyo from Shopee?😁
Magandang buhay noise fam, almusal po tayo. Umay na kakarice kaya ginagawa ko alternate nalang, kaya tinapay na muna kami ngayong. Bilis nalang talaga ng araw ngayon, friday na. Sa sobrang bilis minsan hindi ko na alam kung anong araw na😅 I don’t know kung lutang lang ba ako lagi😂 Lapit pa naman na magpasko, ilang kembot nalang. Hopefully maging masaya ang kapaskuhan natin lahata despite may bagong variant na naman. Kapit lang po tayo, matatapos din po tong crisis na pinagdadaanan natin. TGIF y’all!
Pangaon na ta mga kanoise. Just done cooking sautéed bitter melon with egg and fried marinated milkfish (daing na bangus.) Kamo mga kanoise ano iyo sura? Happy dinner!
This is what I really hate sa online, yung out for delivery pero hindi naman idedeliver. And what’s worse is ipapasa sa buyer yung fault. Na kesyo hindi available or house is closed. Nakakaloka tong 2go na to. Maghapon ako nag antay kahapon tapos biglang unsuccessful yung delivery. Ngayon out for delivery ulit, hoping this time ideliver na.
Anyways meryenda po tayo. Ngayon lang nakapagpost. Nagfollow up kasi ako sa Shopee at 2go regarding dito sa order ko. Gusto ko talaga siya mareceive. I mean come on, hindi naman tayo oorder kung hindi natin kailangan. Nakaka beast mode mang talaga. Maupay na kulop