Gumanda din panahon samin nung patanghali na biglang labas si haring araw nahiya lang pala lumabas ng maaga.Tinatamad ata at malamig daw hehe.Ngayon ayan umaliwas din ang kalangitan.Ewan ko lang nito mamaya.Hindi na pala ko nakapaghintay na mag ulam ng tuyo natakam ako sa mga post dito kaninang umaga.Kaya imbes na pork giniling lutuin ko nagluto na lang akong monggo na may chicharon,sotanghon at gulay na ampalaya.Nagprito nadin akong tuyo super busolved tuloy ngayong lunch.
Nakakatamad ang panahon makulimlim padin samin.Ok lang sana ganito panahon huwag lang uulan.Kaya ito tamad din kumain ng kanin nag oatmeal na lang at yung buko roll umpisahan ko ng ubusin.Meron ulit akong bago hindi pa nga ubos yung kahapon bibili kasi sana ng ube roll si hubby kaso wala pa daw sobrang aga pa kasi tsaka hindi pa ganun kadami ginagawa nila at bago lang yung ube roll nila.Kaya bumili ulit ng buko roll pasasawain talaga ko ni hubby nito para siguro hindi na ko mag crave haha.Nahiya si hubby pumila tapos hindi bibili at wala yung gusto ng anak ko.Napagalitan ko pa si hubby sana hindi na siya bumili at dipa nga ubos kaloka.Dalawa nga lang ni reheat ko at nakakabusog na.Gandang morning sa lahat!
Pasalubong ni hubby kanina dahil sa panggabi siya nag supervise.Dinaanan niya dun kanina sa bilihan ng buko roll.Hindi na daw mahirap bumili doon basta sasabihin mong riders ka.Bumili siya ng dalawang box ng buko roll nagkamali pa ng bigay kasi ang isa dapat niyan ube roll yung bago.Kaya bukas daan ulit siya dun at bibili.Ayaw ng anak ko ng buko roll gusto niya daw yung ube.Kaya ayan ako lang uubos ng mga yan.Sino gusto tumulong sakin sa pag-ubos niyan ng hindi ako nananaba kakakain ahaha.Trending padin yan ngayon samin at may ilang branch nadin sila ngayon nakarating na nga ng ibang bansa yan at ang life span niya 3-5 days pag nilagay sa ref at reheat na lang ang gagawin.Nakatulog na lang ako paggising ko naulan padin.Timpla na lang ako ng energen para partner ko diyan.
Ito na naman si ulan.Mabuti na lang at wala akong sinundo sa skul.Nakakatamad pa naman lumabas.Ano kaya meron may low pressure na naman ba o bagyo?Huwag naman po sana.Masarap nito matulog pagkatapos kumain.Ang ulam namin ginisang sayote na may itlog at giniling na pork.Napanood ko kay dee dang sa yt pwede pampalit sa kanin yan.Kaya ginagawa ko diyan papak lang din talaga.Yung last photo naman ginataang puso ng saging na may sahog na tulingan.Inabot samin ng kapitbahay namin kahit na naulan.Kaya ayan puro gulay kami ngayon.
No pork?no problem eh chicharon muna lang yarn.Pancit bato o pancit bicol para sa almusal namin.Masarap yang pancit kaya kahit anong sahog kering keri.Pass sa kanin at processed foods kaya mag pancit naman.Isang balot na lang tong natitira antagal din maubos samin.Yung isang balot nagagawa ko tatlong lutuan tatlo lang naman kasi kaming nakain.Kain tayo habang mainit pa at may sabaw pa.Mabilis kasi maabsorb sabaw niyan mamaya lang eh waley na.Lalagyan ko din yan ng suka na may sili aw!yummylicious...Happy tuesday noise.app mates...
Nilagang saging na saba na may sawsawang bagoong.Sino po nakain ng ganito.Wala lang po akong sili kaya bagoong at kalamansi lang yan.Hindi ko to ipagpapalit sa tinapay.Hindi ako nauumay dito sa saging laga laga lang gawa ko minsan naman prito na may harina.Pinaubaya ko na sa anak ko yung tirang sopas kanina at kulang pa sa kanya yun.Ang lakas kumain kaya gumaganda na katawan niya ngayon.Di bale anak ko manaba huwag lang ako hihi.Pangalawang post pa lang ngayong araw.Sino din ang ganito na busy sa unread post kaya nakakalimutan na magpost ahaha.Magandang hapon sa lahat diyan merienda tayo...
Sopas sa mainit na umaga...
Masaya na naman ang bebe ko nito at masarap ang kanyang almusal ngayon ang kanyang paborito.Hindi na nawala sakin ang sopas kesa bumili ako na lang magluluto.Mas masasatisfied kapa sa lasa.Hanggang mamaya pa yan ng anak ko hindi pa siya bitin.Wala lang siyang butter nakalimutan nung mag grocery kami pero ok nadin yan masarap padin yarn.May kasama pang nilagang itlog para matagal magutom.Nag add nadin ng pandesal.Kaya super busog ang agahan ng aming pamilya.Gandang morning sa lahat!
Happy lunch!
Walang kahirap hirap pag gusto kumain padeliver na lang tipid pa sa pamasahe.Dapat kasi lalabas kami ng anak ko kanina.Inabutan na naman ng katamaran.Kunyari restday ko naman ngayon kaya hindi na ko nagluto.Saglit lang kay jobee pag nagpadeliver.Bale ito nadin treat ko sa anak ko sa nakuha niyang highest score sa exam.Gusto niya daw jobee kaya ayan deserve niya naman yan para lalo galingan sa klase.Anliit na ng favorite kong ube cheese pie bitin tuloy bat kasi iisa lang inorder ko antipid ahaha.Kayo po anong ganap niyo ngayong sunday?
Good morning and Have a blessed sunday noise app friends...
Aga ng gising ko kanina babangon na sana ako bigla naman umambon.Bigla ako tinamad bumangon at nag announce na hindi tuloy ang zumba.Now pa naman sana namin isusuot bagong sponsor na tshirt namin.Hindi nadin makabalik sa tulog basta nagising na.Kaya ito laruin ko na lang ang makulit na to ang chaba chaba kagigil sobra.Napaka playful pa naman.Hindi talaga pumayag mag-ama ko na ibenta yan kaya ayan natira samin.Maigi din at kawawa ang nanay nag-iingay naghahanap ng mga baby niya.
Hello sa lahat happy weekends!
Natambakan na ko ng babasahin.Pahinga muna after ko mag marinate ng pang pork steak ko.Mabuti yung ganitong luto walang gaanong sangkap.Panay gulay at isda naman kaya need din mag pork para balance.Napagod din sa zumba kanina sobrang hataw na naman ng zin namin.Umpisa pa lang pawisan na agad kami.Namigay din ng bagong tshirt pang zumba sponsor ng aming konsehal.Tambay muna bago magluto maaga pa naman.
Super happy ako today skl,Pagkalabas na pagkalabas ng anak ko ng skul binalita agad sakin na highest siya sa exam.Sinabi sa kanila ng class adviser at sinulat daw sa white board kong sino top3 na naka highest.Nag hulaan pa daw mga kaklase niya sabi ng iba si shy yun anak ng tr.nila sabi naman ng iba si yesha yan yung anak ko.Nung sinulat na daw sa white board gulat anak ko at siya yung first gawa ng may mga perfect exam siya.Bilang isang nanay sobrang natuwa din ako siyempre.Mas ok din na hayaan na lang mag review mag-isa para masanay nadin hindi naasa sakin.Kaya ayan namiss mag computer kasi 1 week kong hindi pinagamit ng cp at computer.Second photo niluto kong ulam pritong daing na bangus at ginisang ampalaya.Tara!kainan na naman.Happy lunch po sa lahat...
Good morning everyone!
Share ko ulit itong nakuhanan ng kapatid ko sa bakuran nila.Tinamad lang siya nung una kaya sabi ko sa sunod pasahan niya ulit ako ng magagandang rosas.Ngayon may kulay lavender na sobrang rare nito.Ngayon nga lang ako nakakita niyan tsaka yang kulay orange.Yung kulay dilaw ganda din basta lahat sila magaganda basta rosas.Buti pa pala doon sa kanila kahit hindi na bumili ng rosas pipitas na lang sa bakuran hihi.Samantalang dito pinas ang mahal ng per pc niyan.Parang gusto ko tuloy padala at magtanim niyan dito pag-uwi ng mga inlaws ng kapatid ko.Ang tanong mabuhay kaya yan sakin ahaha.Patanim ko kay mama kasi maganda lupa sa kanila at malamig kamay ng mama ko.May mga meaning din ang bawat kulay ng rosas search niyo na lang hihi.Asikaso muna at papasok na anak ko sa skul last day na ng exam nila.
Chicken Curry
Chicken as always pero hindi adobo at baka magreklamo na anak ko.Paborito ng anak ko yun kaya sa tingin ko hindi siya magsasawa iniba ko na lang na luto.Nung nakaraan ginawa ko naman na sinigang imbes na baboy ginawa kong manok.Mas mura kilo ng manok kasi.Nag try ako maglagay nung nabibili sa palengke na curry powder hindi ko siya gusto.Mas bet ko padin yung nabibili sa supermarket mas malasa kasi siya pero ginawan ko na lang paraan.Namamaster ko nadin naman pagluluto pwede na siguro ako nito magtayo ng kainan charot lang!Late post na yan at kumain muna kami.
Chicken Curry
https://noise.app/invite/hke1jhnw
https://noise.app/Janrich
Chicken as always pero hindi adobo at baka magreklamo na anak ko.Paborito ng anak ko yun kaya sa tingin ko hindi siya magsasawa iniba ko na lang na luto.Nung nakaraan ginawa ko naman na sinigang imbes na baboy ginawa kong manok.Mas mura kilo ng manok kasi eh!Nag try ako maglagay nung nabibili sa palengke na curry powder hindi ko siya gusto.Mas bet ko padin yung nabibili sa supermarket mas malasa kasi siya pero ginawan ko na lang paraan.Namamaster ko nadin naman pagluluto pwede na siguro ako nito magtayo ng kainan charot lang!Ano ba ito dami ko na pinagsasabi.Namiss ko lang magpost dito kahit waley na ft's.Antagal din na binigay sakin na ayuda kahit puro mema post lang.Kaya nagpapasalamat padin ako at nakilala ko tong platform na to at sa nag invite sakin kahit wala na siya dito.Salamat din sa mga nakilala ko dito...
Taho sa umaga
Dumaan ang maglalako ng taho.Ibinili ko anak ko kahit na nasa skul na siya.Ang bilis lalo ng oras pagka ganitong 2hrs exam nila.Maya maya lang magsusundo na naman ako.Dibale last exam na nila bukas.Wala ng pasok nextweek.Yung practical exam naman nila.Hinahayaan ko na lang na mag-isa hindi kagaya ng dati na nirereview ko pa siya.Kaya naman na.Pag-uwi niya may kakainin siyang taho.Gutom na naman yun gawa ng exam kahit na may baon sa skul.Andami din pati binigay ni kuya nasa baso kasi siya.Minsan nakain din ako niyan hindi lang pang bata pwede din sa young at heart na hihi.Magandang umaga sa lahat mga ka noise app.
Maulan na hapon💦
Anlakas ng ulan samin.Kaya ang aga pa lang madilim na.Kawawa mga pauwi nito galing skul at work.Pasma ang mga paa.Bat maulan na naman kaya ngayon anong meron.Hindi kasi ko nanonood na ng balita.Ito ang ayaw ko dito sa subd.Mabilis tumaas ang tubig.Kaya balak namin pag nakahanap ibang haws paupahan na lang namin bahay namin dito.Pagabi na naman kaya asikaso na ng pang hapunan.Ingat po sa mga pauwi...
Angel Devil Costume
Ang ganda sana nito pang sayaw sa halloween party kaso gahol na sa oras overseas pa kasi yan.Sayang kong alam ko lang sinabay ko na sa order ko sa costume ng anak ko.Hindi ko alam na meron din pala kaming halloween party ng zumba movers.Hindi pa naman ako magaling mag diy costume.Pwed naman maghanap sa ukay kulay black at mag make up na lang ng nakakatacute ahaha.Yun nga lang pati mag make up hindi ako magaling.So pano yan balik ako mamaya malapit ko ng ihatid sa skul anak ko at exam nila.Next week na ko mag-isip at sem break na ng anak ko nun.Good morning!
Screenshot from shopee
May bigas na ayuda
May padala samin mula sa bicol na isang kabang bigas.At dahil sa mabait si hubby hinatian niya din tita niya.Malaking tipid na samin yan lalo na at sanay sa kanin sa umaga.Mahigit isang buwang kunsumo na namin yan.Kaya ulam na lang ang poproblemahin namin.Bagong ani lang yan at nailagay ko na yung iba sa lagayan ng bigas.Bago ko isalin nililinis ko muna gamit ang bilao.Sabi ng kapitbahay namin marunong daw pala ako gumamit ng bilao ahaha.Sanay naman ako diyan parang hindi laking probinsiya.Mukha lang akong maarte pero sanay ako sa hirap nung maliit pa.Magandang gabi sa lahat.
Corned beef w/ Potato
Mabilisang lutuan lang kaya nag de lata na lang kanina.Ginisang corned beef na may patatas naman kadalasan kasi itlog nilalagay ko sa corned beef.Mabuti at nagustuhan ng anak ko.Napa chika pagkatapos maghatid sa skul ng anak ko.Kaya now pa lang makakain.Mahirap din pala pag nadami na kakilala.Pag nakasalubong eh chika chika ahaha.Pinag-usapan kasi yung sa gaganaping halloween party ng mga ka zumba.Hindi ko sure kong makakasali ako nun.Sa 29 kasi anak ko naman ang sinali ko sa bayan.Bahala na maghahanap pa kasi ko ng costume niyan.Kain muna at medyo tomguts na ang lola niyo.Morning sa lahat!
Rusty Sold
Mamimiss ko ang rusty namin.Nabenta ko na siya kinuha nadin kahapon.Yung itsura niya diyan parang ayaw niya pa benta kawawa naman.Ang dumi pa ng ears niya diyan sa sobrang busy ko.Bago naman kinuha siyempre pinaliguan ko at nilinisan ko yung tenga niya.Dapat kasi regular din ang linis ng tenga nila para hindi magkaron ng ear mites.Ang taba din niyan dati kaso namayat sa anak ko na lamog hihi.Pwede pa ko umidlip 8 pa pasok ng anak ko at exam week nila ngayon.Next week sem break na sila.Good morning to all!
Selecta Ice Cream
May promo sa alfamart ng selecta ice cream buy 1.3L and get 3in1 selecta.Dalawang flavor nga lang cookies & cream at Coffee crumble lang ang pagpipilian.Nasa 299 php din yan malaki.Kaya napabili na ko minsan na lang naman kami mag ice cream at iwas sa malalamig at matatamis na pagkain.Tamang tama ito ngayong mainit ang panahon happy ang bebe loves ko.Ako naman eh tikim lang kawawa😫.Sayang yung pag zumba ko kong ikakain ko niyan hays sarap pa naman.Sarap din ipalaman sa tinapay huhu.
Good morning everyone!
Aga ng blessings muling nagbabalik si generous tipper oh!kong sino ka man maraming salamuch sayo...Musta ang lahat?me as usual maaga na naman ang gising.Friday ngayon kaya tara maki zumba tayo mga sissy.Sasabay na sakin anak ko pagpasok niya sa skul.Malapit lang kasi sa court skul nila.Ingat ang lahat...
Andiyan na naman mga pusa sa labas ng gate namin mga abangers ng food ahaha.Bale apat yan hindi nahagip yung isang pusa ng cam ko.Isang itim na halos ayaw na umalis samin minsan dito nadin sa balcon namin natutulog,dalawang tricolor at yung gray ang kulay.Lahat sila puspin at lahat lalake dami manliligaw ng babae kong pusa hihi.Pag may napunta daw na mga pusa sa bahay eh swerte ewan ko kong totoo yun sabi sabi lang naman.Ang iba naman sabi mababait daw kasi nakatira sa bahay kaya komportable sila alam nila na hindi sila sasaktan.Kaya niloloko na ko ng kapitbahay namin para n daw ako may farm ng mga pusa😂.Happy lunch po sa lahat...
Merienda kanina pritong saging na saba.At dahil nahinog na nga saging na nabili ko yan ang masarap na luto maruya.Harina lang kasi available ko dito.Ayaw din naman namin ng banana cue at matamis.Wala din lumpia wrapper kong ano lang avail.yun na lang ginawa ko.Huwag na maghanap ng wala hehe.Sinamahan din namin ng yogurt super busog na kami ng anak ko.Hindi na nga makakakain ng kanin kaya papak lang ng gulay na sayote.Maganda din yun low carb diet.
Yung grabe init kanina ngayon naman biglang buhos ng ulan.Kawawa nito mga pauwi ng trabaho na galing sa pang araw at ot2.May bagyo pa naman daw sana naman hindi na tumuloy ang bagyo na yan.Lakas na naman ang kulog nagtaguan tuloy mga kittens namin ahaha.Musta sainyo maulan nadin ba?
Hello mga ka noise app.
Musta naman dito?sana lahat nakapag lunch na.Akala ko ako lang yung hindi na nakakareceive mula sa generous tipper dito.Kanina bumalik na ulit siya.Kahapon mga 3pm ata yung last na nareceived ko.Salamuch...Ang init tapos kasunod naman nito uulan na naman.Sana naman huwag ng makapasok paparating na bagyo matunaw na lang siya.Ingat po ang lahat...Nap time muna...
Itlog na pula
Morning breakfast magkakanin padin pero unti lang at ang ulam ko itlog na pula kasi hindi naman talaga siya maalat.Siyempre may kamatis at kanin.Wala pa yung kanin hehe.Mura lang bili ko diyan sa itlog na pula naka side car kasi nagbebenta niyan nakatigil lang sa may palengke at bagong gawa lang.Meron din balut at penoy kaw na nga lang ang magluluto.Pag sa iba kasi bibilhin yan nasa 14-15 pesos nadin ang isa.Dun tayo sa mura at bago pa.Maligayang araw ng martes mga mate.Kain nadin kayo diyan...
Nilagang Saging
Merienda tayo ng nilagang saging.Sa totoo lang gusto ko talaga sa nilaga yung hilaw lalo na at may sawsawang ginamos or mantika ng taba na may sili.Ang nangyari ang bilis mahinog ng nabili kong saging.Kahapon ko lang nabili ngayom eh pahinog na agad siya.Kaya ito medyo matamis na siya.Kaya dapat kong bibili lulutuin agad kaso may nabili ako kahapon na binutong kaya yun inuna ko.Ok nadin to kesa sa tinapay ang bigat din sa tiyan.Magandang hapon sa lahat!
10.10 Sale na kay shopee.Papabudol o nabudol na ba ang iba diyan?Sa mga mahilig mag online shopping at hindi na kailangan lumabas pa.Aga ko nabudol ang daming free shipping kagabi pa lang bago matulog nag claim na ko akala mo na naman andaming oorderin.Nag order lang ako ng blower at need ko yun hirap magpatuyo ng hair lalo na at ang kapal ng hair ko.Nasira n kasi inorder ko din kay shopee pero antagal din bago nasira.Hindi nadin ako lugi.Matagal ko din kasing nagamit siya.Kakabagsak lang kaya ayon nasira.Magandang umaga sa lahat ng gising na diyan.Almusal muna bago pasok sa skul at work.
Screenshot from Shopee
Binutong
Every sunday lagi ng may nagtitinda nito samin sa palengke.Ito ay bicol's best delicacy.Kaya lagi na ko nabili nito mas masarap to compare sa ibang suman ma gata kasi siya.Binalot lang sa dahon ng saging yung malagkit na bigas at asin lang pampalasa tsaka yung gata.Suman kong tawagin sa tagalog.Mabuti at may nabibilhan na ko nito kaya hindi ko to pinapalampas tuwing linggo.Natanong ko si tatay kong taga saan siya taga tobaco albay daw siya.Kaya naman pala kasi taga bicol nga siya.Ito ngayon merienda ko.Grabe napasarap tulog ko ang haba musta naman kaya nito mamayang gabi.Hindi naman ako pagod at hindi natuloy zumba kanina at biglang umulan.Tara merienda tayo...
Blessed Sunday Everyone!
Share ko lang itong pagka gagandang rose ng kapatid ko nasa australia.Namumukadkad sa ganda ng mga roses na yan at ang lalaki pa.Ganda talaga nila sa eyes.Nahilig din kasi sa mga halaman kapatid hindi lang dito pinas nauso ang mga plantito at plantita kundi pati nadin sa ibang bansa.Pagka ganyan bubungad sayo sa umaga nakaka good vibes talaga.