Maulan na hapon💦 Anlakas ng ulan samin.Kaya ang aga pa lang madilim na.Kawawa mga pauwi nito galing skul at work.Pasma ang mga paa.Bat maulan na naman kaya ngayon anong meron.Hindi kasi ko nanonood na ng balita.Ito ang ayaw ko dito sa subd.Mabilis tumaas ang tubig.Kaya balak namin pag nakahanap ibang haws paupahan na lang namin bahay namin dito.Pagabi na naman kaya asikaso na ng pang hapunan.Ingat po sa mga pauwi...
30 comments
Dito samin sis lumindil kanina. Ingat po kayo dyan
Salamat sis.Ingat din kayo diyan.
Naku dito din samin sis malakas po ang ulan. Baka may bagyo sa ibang province. Di na ako nakakanuod nang news eh
Same sis katamad na manood ng balita hehe.
Hahaha opo sis parang masarap lang mag dotdot sa cp.
Same po, malakas nadin ang ulan samin. Sana tumila din agad to, hirap Kasi magbyahe na umuulan Lalo bukas at my pasok.
Ingat sis hirap pag nasa labas na maulan talaga.
Dito samin maulan na din pero ngayon palang sis nagsisimula siguro eh mi bagyo na naman.
Kahapon ganun din maulan eh!ingat kayo diyan sis
Thankyou sis kayo din jan ingats
sana walang bagyo dyan sis kala ko sinukmani o suman ang pic😂 antay ko kz yong meryenda mo sis🙃😂
Oo nga sis wala akong balita bigla na lang naulan ng malakas.Ahaha oo nga pala dapat merienda post ko.Saging na naman merienda namin walang kasawa sawa sis haha.
Tingin ko pagkain na lahat sis 🤣
Ahaha mag scroll ka lamg dito madami post nun sis masasarap pa.
Hala buti d umaabot tubig diyan sa loob ng bahay niyo sis. Dito din sa amin baha na sa harap.
Hindi naman sis sa labas lang hindi siya invited sa loob ng bahay namin haha.Katamad pag nalabas at pupunta ng palengke.Binabaha din pala sainyo diyan...mahirap yung pinapasok ng putik.Hirap maglinis.Samin hindi naman tibig lang pag sobrang lakas at walang tigil ang ulan.
Tubig lang din ang napasok dito, wag lang sumama ang daga haha. Oo yoko din pumunta sa palengke kapag baha ang kalsada kasi baka mag ka leptospirosis ako haha.
Oo sis kaya naka bota ako niyan.Kaya pag maulan nag stock na lang ako niyan pnng ulam namin kahit na malapit lang bilihan samin.Inaayos naman drainage sana mag ok na samin hindi na bahain gawa kasi ng bagong tayong subd.samin.Naging catch basin tuloy samin.
Dito sis wala naman pong ulan pero makulimlim ehh
Baka mamaya ang ulan sainyo diyan sis.Ganyan samin lagi makulimlim minsan sa gabi ang ulan.
Tama yun Sis kesa lagi kayo nasa peligro sa baha
Kaso matagal pa ata yun sis magastos din kasi pag kukuha na naman ng bahay...
Kaya nga double na ang presyo ngayon saan po ba yan..kami dati sta Rosa Laguna
Cabuyao kami sis.Dito din pala kayo sa laguna.
Oo mate 2002 ako dyan gang 2019 pero yung mag aama ko 2015 pa umuwe ng Quezon province.
Ambon lang naman dito sa amin sis
Dito kulog at kidlat pa lng
May bagyo daw sis
Maulan ngayong araw nato sis.
dito rin sa amin sis kaunti ulan bumabaha sa labas ng bahay, mahirap if ganyan. mabuti pa yan sis paupahan nyu if maka kita kayo malilipatan na bahay.