Gumanda din panahon samin nung patanghali na biglang labas si haring araw nahiya lang pala lumabas ng maaga.Tinatamad ata at malamig daw hehe.Ngayon ayan umaliwas din ang kalangitan.Ewan ko lang nito mamaya.Hindi na pala ko nakapaghintay na mag ulam ng tuyo natakam ako sa mga post dito kaninang umaga.Kaya imbes na pork giniling lutuin ko nagluto na lang akong monggo na may chicharon,sotanghon at gulay na ampalaya.Nagprito nadin akong tuyo super busolved tuloy ngayong lunch.
68 comments
Dito sa amin hindi pa aaraw dahil naulan pa din.
Hindi pa tapos umiyak ang langit ahaha
Dito mainit na rin panahon
Mabuti kong ganun sana mag tuloy tuloy na noh!
Scam yan sis, hahaha! mamaya uulan ulit, hihi!
Kaya nga parati namang ganyan sis bigla na nga lang nakulimlim pambihirang panahon to hehe.
Tuyo lang ang sakalam sis. Sarap sawsaw suka yan tas garlic rice. Luh. Hahaha
Bukas ako mag garlic rice sis hays!hirap mag diet talaga food is life😂
😋😂
Tuyo with gulay sarap ng tanghalian.
Oo sis perfect match din sarap tuloy kain ko hehe.
Happy lunch sis gumanda na rin yong panahon dito
Salamat sis nauna na kain niyan hindi nakapag pigil sa tuyo ahaha.Sana nga sis hanggang mamaya na yan minsan kasi kahit mainit bigla na lang nabuhos ang ulan...
Oo nga eh wala manlang babala ahaha
wowww dami naman yan hanggang hapunan na mate
Ahaha napa tuyo nadin ako mate kala ko kaya ko hanggang bukas hindi pala😅
ha ha ha purga ang abot
Maulan parin dito sa amin... May red rainfall warning ako nareceive kanina... xDD
Gawa ng lpa sis samin baka sakaling magtuloy tuloy na maghapon yan.
Kaya pala... Ingat sis and enjoy your day. <3
Enjoy your lunch my friend.
Sana tuloy tuloy na nababahala ko para bukas haha
Oo nga pala noh birthday ng anak mo bukas.Sana gumanda nadin panahon sainyo sis para enjoy ang party ng anak mo.
Wow! Ayos po yan ma'am at okay na ang panahon dyan sainyo.
oo nga po mainit na ulit maghapon...
Gusto ko ng sotanghon, ka-noise!
Kunin muna lang diyan sa monggo hehe
Init ng panahon ngayun , sa amin
Dito din samin sis samantalang ng umaga makulimlim padin.
Samin sissy makulimlim parin, nakakamiss din pala minsan c Mr. Sun 🤭🤭🤭
Samin sis nagtuloy tuloy na ganda ng panahon init nga eh!
Buti at sumilip na si Mr. Sun
Kaya nga sis kaya balik init na ulit...
Sana Hindi na umulan Dyan
Hanggang sa ngayon naman po mainit na ulit
Dito samin tumigil ang ulan pero napakadilim parin ng kapaligiran.
Hindi pa yan sawa sa pag-ulan hehe.
sana nga sis tuloy tuloy na
Oo sis till now naman mainit pa ulit.
Hehe buti naman sis. Nahiya lang pala sis.
Ahaha kaya nga sana bukas din ng makapag jogging kami ng anak ko.
Dito din po samin medyo okay na
Mabuti kong ganun sana hindi na umulan ulit noh!
Oh diba plastic weather na nmn Ang nangyari for todays bidyu hahaha. Mainit na dito sis at as in natuyo Ang uniform ni eldest.
Kong alam ko nga lang na iinit sana nakapaglaba hays pag naglaba ako nito saka naman uulan😅mabuti kapa nakapaglaba.
sarp gnn luto gusto ko heheh buti nga sis umaraw makatuyo ako ng sinampay
Buti pa siya nakapaglaba na kaninang umaga kasi gloomy padin siya.
Wow daming ulam hihi
Wow sarap naman ng monggo..magluto nga rin next tym.
Scam lang yan si haring araw ... Hahhah dito maulan na eh.
More comments