read.cash Log in

@Sweetzyle22

Joined 1 August 2025 · 454 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Sweetzyle22

Maagang papawis kanina... Maligayang araw ng sabado sainyong lahat.Laba day ba ang karamihan dito?ako kahapon naglaba na.Done mag zumba kanina hanggang bukas papawis ko tapos bawi ng kain niyahaha.Hays balewala lang pinggagawa ko pero sa totoo lang konti lang kinakain kong kanin.Bawi kasi sa mga snacks ahaha.Hanapin niyo na lang kong nasan ako diyan.Naligo sa pawis basa lahat pati panty haha.Pinagkukuhanan pala kami video ng anak ko nasa dulo kami niyan.Happy weekend po sa lahat.Ganda sana gumal tinatamad lang ako.Ingat na lang sa may mga lakad ngayon.

@Sweetzyle22

Kain tayo ng dalandan medyo mahal pa siya ngayon.Natural vitamin c din ito.Ang hilig ko sa ganito dati pag may sipon at ubo ako ito lang kinakain ko.Ayaw ko kasi nag-iinom ng gamot.Dami ko nauubos niyan.Ang ganda ng nabili ko yung makikinis ang balat niya at manipis lang pagka ganun kasi matamis talaga siya.Kaya pag may nakikita akong mkakapal ang balat ayaw ko nun.Hindi na nakapag update sa kabila dito muna ako.Na busy din kasi lalo na at mag umpisa na naman ang pa liga sa aming subd.Makakapaglaro na naman ulit.

@Sweetzyle22

Magandang umaga sa lahat! Inom muna energen dahil hindi ako nagkakape.Walang pasok anak ko sa skul ngayon ang celebration sa kanila ng teacher's day.Maaga padin nagising at mag zumba ako sama din daw anak ko.Wala din pati siya kasama sa bahay kaya sama ko na lang din siya.Tara mga sis maki zumba tayo para healthy ang katawan natin.

@Sweetzyle22

Oishi with Mayo Ganito ako kumain ng oishi may mayo.Masarap siya mga sis na try niyo nadin ba ganito?Tagal nadin hindi nakain nito bigla lang naisipan kanina pagkatapos kumain para maglakad lakad lang sana para bumaba kinain kaso nakita ko naman sa tindahan to ahaha.Bat hindi na ko naaanghangan dito dati kaya halos hindi ko maubos to.Tindi ko na talaga sa maanghang hehe.Alak na lang kulang sana kaso hindi pala ko nainom na tubig na lang.Madaming tubig at yari kay uti nito.Magandang gabi sainyo...

@Sweetzyle22

Sarciadong Dalagang Bukid Nasundo ko na anak ko sa skul kaya pahinga lang saglit at kakain na kami.Akala mo naman pagka layo ng skul nila.Ang init din kasi kaya kala mo nakakapagod maglakad.Mas ok na sakin ang ganitong panahon kesa mainit.Ito ulam namin ngayon sarciadong dalagang bukid.Bihira ako bumili ng ganitong isda pero masarap naman to.Bakit kaya natawag na dalagang bukid to eh nasa dagat ahaha.Happy lunch mga mate...

@Sweetzyle22

Good morning everyone! Ready na ang baon ng anak ko sa skul.Mayang quarter to 7 hatid ko na siya sa skul.Malapit lang skul nila at nasa loob lang ng subd.namin.Snack ng anak ko apple,cookies, butterscotch at cimory yogurt.Kailangan laging may fruit kahit paisa isa lang na klase ng prutas.Ayaw na ayaw ng anak ko yung may balat sa apple kaya tinatanggal ko na lang andun pa naman daw sustansiya sa balat ewan kong totoo yun ahaha.Busy nadin ba ang lahat sa pagpasok sa skul at sa work?ingat po ang lahat...

@Sweetzyle22

May pa free jollibee ang mayor namin dito sa cabuyao.Birthday niya kasi ngayon kaya dinumog ang apat na branch dito samin.Swerte ng mga nakakuha syempre masarap pagka free.Sayang late ko na nakita itong post sa fb page sana naki pila din char!First 500 sa bawat branch ng jollibee.Ansaya ng mga nakakuha ng free niyan bida talaga ang saya pag kay jobee.Musta dito sana nakapag lunch na ang lahat... Screenshot from fb

@Sweetzyle22

Maagang Biyaya mula sa aking bagong ate.Nag birthday siya kahapon.Hindi siya halatang 50 na sa kanyang edad.Yung pagiging masayahin ang isa sa hindi nagpapatanda satin kaya always smile lang palagi.Huwag lang ma sobrahan at baka mapagkamalang baliw ahaha.Super bait niya naging ka team mate ko lang siya sa volleyball at ka zumba nadin.Nagpm siya ng maaga sakin at may ibibigay daw siya.Nahiya naman ako pero syempre biyaya yan kaya tanggapin.Masarap yung menudo at cake na bigay.Meron pa yan pancit palabok kaso nakalimutan ko na picturan yun na kasi ginawa kong almusal.Siguradong matutuwa anak ko nito pagdating niya galing skul.May pasok padin kasi sila kahit na teacher's day.Btw,Happy teacher's day nga pala sa mga guro na naandito.

@Sweetzyle22

Sopas Sinipag magluto ng sopas sakto malamig ang panahon kaya pag kumain ka nito pagpapawisan ka talaga.Magbabaon din nito anak ko kaya hindi ko na lang dadamihan ang sabaw at baka matapon lang sa skul nila.Yung nilagang egg tag-iisa kaming tatlo niyan.Ansarap talaga pag carnation evap ihahalo mong gatas sa sopas mas creamy siya.Oh siya sa gusto takal na lang kayo sa kaldero ahaha.Magandang umaga sa lahat...

@Sweetzyle22

Ang bait at ang cute nitong puppy na to.Kuha ng anak ko kahapon habang nagpapatila ng ambon.Dala dala yan ng ka zumba namin.Baby na baby niya talaga yan.Napagod na kakakalong at ang bigat na daw.Iniwan muna diyan sa ebike at hindi din sila makauwi wala din dalang payong.Nilalamig na pati yan nakalimutan daw suotan ng damit.Anlaki na kaagad 2mos.pa lang daw yan.May lahi daw yan labrador at chow chow.Tuwang tuwa naman anak ko at nalibang siya diyan kakakuha ng picture at pinaghahawakan.Papakita niya daw kasi kay daddy niya.Yung beagle kasi namin malaki na pero nung baby pa yun ang cute din gawa ng tenga ang laki hihi.

@Sweetzyle22

Pork Menudo Blessed Sunday Everyone! Musta ang weekend natin diyan?kami bahay lang ulit.Nagluto na lang ako nitong pork menudo.Dati pag may okasyon lang ako nakakakain nito.Ngayon madali na lang lutuin basta may sangkap ka.Naging paborito din kasi ng anak ko to.Siguradong ganado na naman kain niya nito.Hindi nga lang nakain mag-ama ko ng atay kaya sakin mapupunta ang mga yan.At tsaka hindi din ako naglagay ng pasas.Siguradong tatanggalin lang nila yun.Happy lunch po sa lahat...

@Sweetzyle22

Milktea and Pizza for Merienda Imbes na lumabas at pumunta ng mall naghanap na lang dito samin ng ma merienda namin tipid pa sa pamasahe.Yun nga lang yung craving kong milktea mumurahin lang ahaha.Keri na yan sa mainit na panahon.Madami naman mabibilhan dito samin naka tipid na pero solve na ang merienda namin.

@Sweetzyle22

Hello everyone!Happy caturday! Andito na naman ang cute kitten ko padaan lang muna siya dito sa wall niyo.Huwag daw kayo magsasawa sa kanya hehe.Sa totoo lang hirap kuhanan yan ng magandang anggulo kasi ang likot.Gutom na yarn yung eyes eh anlaki.Nagbago na eyes niya dati kasi kulay blue yan.Ang lamig guys yung dapat mag zuzumba ako eh hindi nagising sa alarm clock ko.Napasarap tulog ko.Done nadin mag download ng new app ng noise app.Nakapag download naba nng lahat?Good morning and Happy weekend!

@Sweetzyle22

Dark Chocolate Nagutom sa pamimili kaya ito muna ang aking kakainin dark chocolate.Mas ok pa to less sugar at pampabilis ng metabolism at madami pang health benefits na nakukuha dito.Malapit nadin kasi kami mag dinner nakalimutan ko hindi pala ko nag merienda kanina.Hindi talaga ko sanay na hindi nagmemerienda.Sino po may gusto kuha na lang hehe.

@Sweetzyle22

Hello guys musta dito?Share ko muna kuha namin kanina ng fur baby namin.Yung kuting na lang tingnan niyo yung mukha ko huwag na halatang wala talaga ko sa mood kanina kaya pati ngiti ko eh pilit lang.Hindi na nga ko nakapag update sa kabila.Mga 3 days lang to bwisita sakin good mood na ulit ako.Good night po sa lahat...

@Sweetzyle22

Pritong tilapia with Atchara Grabe tamad na tamad ako ngayong araw na to at kaya pala gusto ko kumain ng maasim kasi the red flag is up kaasar.Kanina ko pa gusto papakin ang atchara na yan kaya naisipan ko mag prito na lang ng tilapia partner sa atchara.Mabilisang lutuan lang.Wala tuloy kaming sabaw ngayon.Hindi nga totally maasim kasi may asukal pag nagawa ng atchara pero namiss ko din to perfect appetizer din to at pantanggal umay.Happy lunch sa lahat!

@Sweetzyle22

Baliwag Spicy Chicharon Tara guys kain tayo ng chicharon ng baliwag.Masarap din ang ganitong chicharon.Maulan samin kaya ito masarap magkakain.Pinabili ko to kay hubby at yung isang balot pang sahog ko sa monggo.Ang mahal din ng may laman niyan nasa 100 petot kaya dito na lang ako sa mura lang.At siyempre ayan ang aking sawsawan pinakurat na suka na galing ng quezon province.Ayan na lang natira nilaklak ko na yung suka char!Magandang gabi nga pala sa lahat...

@Sweetzyle22

Paglabas ko kanina ayan may araw na.Nung maghatid kasi ko sa anak ko sa skul makulimlim na naman siya.Akala ko uulan na naman.Yung araw may ring yung paligid niya oh!Maulap padin ang kalangitan kaya for sure sa hapon maulan na naman.Kaya huwag kalimutan lagi ang panangga sa ulan iwas basa at trangkaso.Gandang morning sa lahat.Sana naman lahat eh nakapag almusal na.Musta panahon sainyo diyan mga mate?

@Sweetzyle22

Bago matulog nais ko munang magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko ngayong araw.Maliit man yan o malaki kailangan ipagpasalamat yan.Thank you noise app.Good night sa lahat need na matulog maaga pa ang gising.Kita kits dito bukas...Naulan na pati samin hinihila na mata ko hihi.

@Sweetzyle22

Ito ang stress reliever ko ang cute naming kuting.Nilalaro ko yan kanina pagkatapos ko maglaba.Nagpapakagat ako pero hindi naman dinidiinan.Lumapit kasi sakin habang nagpapahinga ako.Gusto niya laruin habang mga kapatid niya eh natutulog.Lunch na pala mga mate bilis ng oras.Happy lunch time!

@Sweetzyle22

Champorado+Tuyo=Yummy Natuloy din ang pagluto ko ng masarap na champorado para sa aming almusal at pwede hanggang merienda na yarn.Perfect sa malamig na panahon.Mas bet ko talaga yung powdered milk ang ilagay na gatas sa anak ko naman evap milk.Sakto may tuyo din ako dito perfect match sa champorado ko pero hindi gaanong maalat yung tuyo mas gusto ko ang ganito iwas uti at sakit sa bato.Ito mga sangkap ko malagkit na bigas,gata,asukal at tablea.Nasa last photo yung dinurog kong tablea buti may stock pa ko niyan.Nagluluto lang talaga ko ng champorado pagka may tablea ako na galing bicol.Mapapa wow na naman anak ko nito fav.niya kasi to.Salamat at hindi ganun kalakas ang bagyo samin.

@Sweetzyle22

Singaporean Seafood Laksa Yung katatapos mo lang kumain ng lunch pero nagccrave ako para mamayang merienda ng seafood laksa.Sakto kasi yan sa maulan na panahon.Medyo spicy din kasi sabaw niyan at tsaka malasa gawa ng seafoods.Na try na kasi namin ng anak ko yan kaya talagang mapapaulit ka sa sarap.Maulan na samin ewan ko lang kong sipagan pa ko lumabas nito mamaya.Namili na nga ko ng stock sa ref namin mga pang ulam takot ko lang magutom.Maigi ng may laman ang ref kahit na malapit lang palengke samin lam naman pagka maulan kakatamad talaga maglalalabas ng bahay lalo na pag baha.Kailangan maging ready lalo na at may bagyo pati rechargeable lamp at fan namin nirecharge ko nadin.Ingat po sa mga dadaanan ng bagyo...sana lumihis na lang yang bagyo na yan.

@Sweetzyle22

Good morning guys!happy sunday sa lahat kahit na may bagyo.Pray po tayo sana hindi malakas ang bagyo.Naambon na samin kong kelan paalis na ko at maki zumba sana sa may court samin.Kaya dito na lang sa bahay magpapawis. Wagas kong humikab ang fur baby ko na to antok pa yarn.Ayan picture ko na lang siya nakikipaglaro na kasi sakin.Napaka playful kasi niyan.Nagpapakagat ako pero hindi naman dinidiinan.Bye muna at maagang papawis bago mag almusal.

@Sweetzyle22

This is it pansit... Ito yung almusal namin at bumili na lang ng pandesal.Grabe pandesal ngayon pag yun na lang kakainin mo hindi kana mabubusog sa liit ba naman...Mabuti at nagluto akong pansit.Walang hebi kaya ginawa ko naglagay akong hipon hiniwa kong maliliit para lang dagdag lasa sa pansit ko at nilagyan ko din ng squid balls at chicharon.May tinabi ako kahapon na gulay sa chopsuey kaya ayan may gulay din siya.Busolve na ang aming agahan...Happy weekend guys.

@Sweetzyle22

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahayπŸŽΆπŸ’¦ Napakanta tuloy ako ng dahil sa ulan.Lagi ng ganito samin pagdating ng tanghali at hapon maulan.Sa umaga naman pagka ganda ng panahon mainit.Musta panahon sainyo maulan din ba?ingat po ang lahat...

@Sweetzyle22

Good morning everyone! Ayiee ansaya naman salamat sa mga mapagbigay.Yan nga pala natanggap kong notiff kahapon.Sino kaya mga yan babait naman.Salamuch ng madami sainyo...

@Sweetzyle22

Hayahay buhay ng kitten ko oh!sarap tulog niya maulan kasi.Sabi na nga ba pagdating ng hapon uulan na naman palagi na lang ganito ang panahon.Akala ko magtutuloy na ang init.Nakakaantok pagka ganitong maulan kaya tara ng sabayan ang tulog ng fur baby ko.Ganyan talaga yan lalo na at busog na busog ang chaba chaba pa oh!kagigil....

@Sweetzyle22

Tara!merienda tayo ng masarap na buko roll.Katatapos lang ng ulan samin ansarap sana matulog kanina pero ng nakahiga na ko hindi naman makatulog.Sarap nito madami talaga siyang buko oh!pero hanap ko may sabaw sana katamad lang lumabas.Pagka ganitong malamig pa naman panahon nakakagutom.Kayo po ano merienda niyo diyan?

@Sweetzyle22

Hello noisemates!andito nadin ako hehe.Ang sweet naman ng mga alaga ko naol haha.Musta sainyo diyan?samin grabe lakas ng ulan kanina kaya pala mabanas na naman kanina.Magandang gabi sainyo...

@Sweetzyle22

Ang fur baby ko na ang hilig umakyat sa taas ng cabinet namin.Mas gusto niya kasi diyan matulog at ayaw pa storbo.Pinapababa ko ng makakain na ayaw padin.Pinakitaan ko na ng tuna ayaw naman nasasanay na kasi ng kinukuha pag hindi makababa.Pasaway na pusa marunong umakyat hindi marunong bumaba.Pano kaya yan mabubuntis eh laging nasa taas.Sabagay baby pa naman kasi siya pangit din magbuntis ng bata pa at hindi pa ready namamatay din magiging baby at ayaw pa magpadede.Ano kaya magiging itsura pag nagka baby na sila at ang magiging ama eh permese.Yung lalake kasi namin short hair siya lang naiiba sa magkakapatid.Saka ko na pakasta sa pure breed din.