Nilagang saging na saba na may sawsawang bagoong.Sino po nakain ng ganito.Wala lang po akong sili kaya bagoong at kalamansi lang yan.Hindi ko to ipagpapalit sa tinapay.Hindi ako nauumay dito sa saging laga laga lang gawa ko minsan naman prito na may harina.Pinaubaya ko na sa anak ko yung tirang sopas kanina at kulang pa sa kanya yun.Ang lakas kumain kaya gumaganda na katawan niya ngayon.Di bale anak ko manaba huwag lang ako hihi.Pangalawang post pa lang ngayong araw.Sino din ang ganito na busy sa unread post kaya nakakalimutan na magpost ahaha.Magandang hapon sa lahat diyan merienda tayo...
75 comments
Nilagang saging sarap sa kape sis
Hindi nga lang ako nagkakape sis tubig lang sapat na ayaw ko din ng juice nakakapataba at uti.
Ganyan dn ang ginagawa namin kapag saging na saba hjndi nawawala ang ginamos nilalagyan namin sya ng kalamansi at sili
Sarap nga po ng ginamos sa saging na saba talaga.
Ako di ko na sinasawsaw kapag nilaga, mate. Gusto ko puro. Hehe!
Mas ok din po puro lang walang sawsawan maalat din po kasi yan.
Kuuu, ang sarap. Si Mommy ang ulam nya sasaba ay isda talaga
Nilagang saging lang pero un isawsaw sa bagoong diko pa na try
Ako din sis kadalasana wala ng sawsawan masarap na nng saging kahit walang sawsawan.
Lalo sanang masarap pag may sili sa sawsawan, gustong gusto ko yan, pa grab nga po.
Kaya nga po naubusan po akong stock sis.Sige po padala ko po diyan sayo hihi
Ang sarap po ng snack niyo ngayon 😋
Fave ko saging saba din kahit laga lang, sarap momsh.. pero walang sawsawan hihihi
Oo sis ganyan din ako ewan ko ba bat yan naisipan ko mag sawsaw ng bagoong ahaha.Ganyan kasi mama ko noon pag nakain ng saging.
What banana is this dear.😁
Banana cardaba dear
ah ito nakaabot pa ako ngayon sau😊 Busog na masarap pa na meryenda naku at may bagoong pa😊
Halika na dito sis kain tayo para may kasalo ako hihi.
on the way na sis akowww dala ako ng drinks🙃
Ako man mas gusto ko ang nilagang batag sana pero dae ko pa yan natry isawsaw sa bagoong. Sa mga nahihiling ko sa picture kayan garo gusto ko man itry hehe, mayo dae kaya uso igdi ang bagoong ai.
Samo sis diyan sa bicol uso yan ta si papa kato pirmi naggigibo kaan bagoong su ginamos palibhasa harani sa dagat hehe.Tigtry ko man sana an ngunyan magkaag sawsawan hihi
sa totoo lang hindi kopa yan natikman may bagoong sis, per marami nag sasabi sarap daw yan. enjoy your snacks
Oo sis masarap siya lalo na kong ginamos tapos may sili pero kadalasan wala ako sawsawan sa nilagang saging.
Masarap ba na sinasawsaw sa bagoong sis? Hehematry nga din yan minsan ..
Oo sis try mo gamitin mo yung ginamos wala kasi dito kaya ginamit ko.
Ou sis sarap nga yan sa bagoong
Ang saba bow, my paborito na nilaga.
Sis namiss ko to. Lagi kami kumakain nito sa probinsya. Simula nung andito na ako sa city di na ako nakakain. 🥺
Oo nga sis mama ko ang mahilig talaga diyan akin ok na ko kahit walang sawsawan.
Senior na Kasi kaya di ko na nilalaga o piniprito. Basta hinog isinasama ko sa oatmeal na pang meryenda ko. Masustansya Ang saging na Saba kumpara sa tinapay.
Mas ok nga daw po pag hilaw kakainin mas masustansiya lalo na nga po sa buntis gawa ng potassium.
Diko pa natry sawsaw sa bagoong yan sis,, matry nga minsan
Saraap ka miss Ang meryendang Ganyan. Lalo pag may barakong Kape.
Oo sis yun ang masarap na kapartner niyan talaga.
Walang tatalo sa saging noh? Sulit na sulit sa tiyan..
Oo sis at mas healthy pa kainin...
Me sis sarap niyan kahit sa niyog po sawsawin..
Hindi ko pa na try yung sa niyog isawsaw yan sis.
Bagoong nalang ang kulang
May bagoong na po yan kasama sis click mo yung photo.
Ay oo nga. Sarap naman
Sayang apat lang ang saging na saba. Hingi sana ako sis. Haha.
Ahaha tigduwa na lang kita sis hating kapatid😊
Mabooton man hay.. Salamaton. Haha
May nakikita nako sa noise na nagsasabi nga na sinsawsaw din nila sa bagoong pero diko pa natry sis, pero prito fave ko jan at inuulam ko hehe
Sa probinsiya sis yan kasi uso lalo na malapit sa dagat at hindi nauubusan ng bagoong hihi.
yan lagi ang merienda namin noon, pwede din gawin sawsawan ay asin na may mantika. Pero mas masarap talaga bagoong
Nag try ako nian pero ndi ko talaga bet sis. Asukal na lang puede? Hehehe
Diko pa nsuukan sis Sa bagoong ehh Pero sabi ni hubby masarap raw Po ehh
Di ko pa yan natikman sis... Yun may bagoong ah. Pero fav ko din nilagang saging.
More comments