read.cash Log in

@Sweetzyle22

Joined 1 August 2025 · 454 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Sweetzyle22

Sibuyas kayo diyan mga ka noise.Ang trending sa fb na ginawan ng memes ahaha.Ginto na nga naman presyo nito umabot pa nga ata ng 800 yan sa palengke.Ito nabili ko 170 ang kilo.Makapag benta na nga nito patungan ko ng kahit maliit lang.Yung isang malaking sibuyas nakita ko sa fb pinagkasya na ng isang linggo tipid tipid nga daw🤣Malamig na morning sa lahat.Back to skul na unica ko asikaso nadin ako ng mga gawaing bahay ko.

@Sweetzyle22

Happy sunday to all noisemates! Done na magpatunaw ng chaba☺️Na stuck up na katawan sa nagdaan na mga handaan puro kain.Ganito itsura ko pagkatapos mag zumba nagiging rossy cheeks.Hindi naman ako ganun kaputi pero namumula pag napapagod.Pasensiya na kong mukha ko ang masisilayan niyo dito sa noise ahaha.Sana bumalik na ulit dating sigla dito sa noise.Mornin sa lahat diyan!

@Sweetzyle22

Ube jam,Strawberry syrup at sunflower seeds.May naabutan pa ko sa mga dala ng pamangkin ko na pumunta ng baguio.Andun kasi jowa niya nagwowork sa baguio.Ansarap din nitong ube jam may bawas na pero binigay nadin sakin.Mapapakain talaga ko ng tinapay nito gusto ko kasi mga ganitong palaman sa tinapay.Yung sunflower seed din walang ibang nakain.Masarap kutkutin habang nanonood ng movie.Maulan na naman kaninang umaga ok na sana panahon.Ansarap magkakain pagka ganitong panahon hihi.

@Sweetzyle22

Quality time with my madear dear.Habang bakasyon pa unica ko.Dito muna kami kay mama.Namiss ko din pati ng sobra hanggang vc lang kasi kami nagkakausap.Namiss ko ang masasarap na luto ng mama ko.Tumabi din ako sa kanya pagtulog feeling baby lang ako hihi.Napaka cool ng mama ko dati harutan talaga kami niyan bago matulog.Hanggang ngayon nakahilata pa ko haha.Maglalakad lakad pala kami ngayon.Wala pa ata araw sa labas at magdamag ata yung ulan.Tuwang tuwa naman anak ko sa ilaw sa room may remote control para mag iba iba yung ilaw.Hays ako ang hindi kaagad makatulog kagabi akala mo nasa discohan🤣

@Sweetzyle22

Kahapon dumaan samin hipag ko pauwi sila ng bicol.Hindi kami sumama may pasok padin kasi si hubby ngayon at bukas kahit na new year.Hays grabe company nila binawian ngayon si hubby dati kasi siya yung lagi nagbabakasyon ngayon siya naman ang may pasok ng new year.Yan nga pala pamasko sa unica ko ng tita niya.Swerte ng anak ko kala mo abroad lang tita niya.Wala pa kasi anak tita niya kaya spoiled siya sa tita niya.Andaming binigay may cash na may foods at dress na inorder sa shein.So blessed ng unica ko pagka ganitong dec.Busy naba ang lahat?ako maglalaba at linis padin dati busy na sa handa para sa pagsalubong sa bagong taon.Tatamad ako maghanda lalo na at tatlo lang naman kaming kakain.Magluto lang akong pagsasaluhan namin mamaya yung iba bili na lang less pagod pa.Happy new year everyone!

@Sweetzyle22

Morning guys musta naman dito?na busy araw araw laging nasa galaan.Sinusulit ang bakasyon ng unica ko.Nakakatuwa naman na makitang masaya anak ko na nag-eenjoy akala mo nakalabas sa hawla.Palibhasa bihira na kami maglalabas ngayon.Skl,itong napanalunan ko sa pa raffle kahapon sa christmas party dito sa subd.namin ng aming kapitan at ng sangguniang brgy.Ansaya sobra kahapon andaming nanalo sa pa raffle.First time ko manalo ng ganito sa raffle na cash dati kasi lagi talaga ko bokya.Ngayon lagi na ko nananalo sa raffle.Kaya sa mga hindi swerte sa pa raffle huwag mawalan ng pag-asa mananalo din kayo.Pinaka mataas na pamigay ni kap kagabi 2500.Hindi din umuwi na walang bitbit kasi may pang noche buena din na pamigay at gift para sa mga bata.

@Sweetzyle22

Christmas lighting @ cabuyao city hall.Sinipag gumala kahapon.Sulitin ang bakasyon ng aking unica.Mabuti na lang at sinipag kahapon.Sa plaza at fishing port na lang hindi namin napupuntahan.Maganda din kasi dun mga pailaw.Mamaya baka sa sm naman.Morning guys!katamad na talaga bumangon ng maaga ngayon lalo na at bakasyon naman ng estudyante ko.Sa sobrang lamig pa naman nagdadry pati face ko.Tamad pa naman ako maglalagay sa mukha ngayon need ko na mag apply ng moisturizer.

+2 more

@Sweetzyle22

Araw talaga ng mga bata pagka ganitong pasko.Sila talaga yung nakakadaming pamasko hihi.May pahabol pa iba niyan wala pa yung sa kapitbahay namin at mga tito at tita niya.Yang mga yan padala lang kay hubby ng mga ka work niya.Hindi nalabas anak ko pag pasko hindi kagaya ng ibang bata dito.Maaga pa lang eh nagbabahay bahay na.Kakatuwa din yung inaanak ko dito pagpunta kanina sa bahay namin may dala pang foods.Ayan may cassava cake at macaroni salad.Nahiya tuloy ako magbigay ng maliit na cash ampao kasi bigay ko.Mas unti nga ngayon namamasko na mga bata hindi kagaya ng dati.Ibigay ko na lang sa anak ko yung ibang ampao.Merry christmas everyone!

@Sweetzyle22

Yung iba busy na sa pagsalubong sa kapaskuhan ang kapanganakan ni hesus.Ako lang hindi ito nga oh!lumabas na lang kami para kumain sa labas at take out nadin para tipid.Total hindi naman kami madami.Sobrang lamig diyan sa cabs akala mo eh nasa baguio.Kuha ng anak ko grabe yung mga shorts ko dati kasya na sa kanya.Ganyan pala ko kapayat dati ahaha.Buti na lang naitabi ko iba yung iba kasi pinamigay ko sa pamangkin ko.Padaan lang para bumati sainyo ng maligayang pasko sa lahat...

@Sweetzyle22

Kagabi sumaglit kami sa cabs.Ito yung dinarayo ngayon dito samin sa cabuyao ang santas toy factory kaya trending ang cabuyao ngayon lalo na yung munisipyo samin.Hindi ko pa nga lang napupuntahan.Baka mamaya pag sinipag.Mukhang hahabol ang bayan namin sa mauunlad na bayan huli man daw eh makakahabol din yan ang sabi ni mayor.Dami lagi tao diyan sa gabi at madaming mga tinda na foods,rtw,footwears at kong ano ano pa.Magastos din pala pumunta diyan kasi andami mo makikita talaga.Madami ang natulungan ni mayor magkaron ng hanap buhay sa pamamagitan ng mga stores diyan.Hindi na nga lang namin napuntahan yung peryahan.Yung anak ko nagpabili ng taho na may iba't-ibang flavor mocha yung napili niya at yung isa potato limot ko na tawag diyan ahaha.Akin naman yung puto bumbong busog na kasi ko ng pumunta dun.Masarap kumain habang nanonood diyan.Pinapakita kong ano yung kahalagahan ng pasko.Sa malapit samin sa cabuyao punta na kayo guys.Madami akong kuha kagabi pero yan lang post ko dito.

+1 more

@Sweetzyle22

Nakapagpaayos din ng buhok bago magpasko eh fresh look man lang diba guys.Akala ko hindi kami matutuloy kanina lumabas gawa ng maaga eh naulan.Tumigil din sa wakas kanina nagsawa din ahaha.Kaya ito time ko naman magpaganda ng hair.Thanks sa napaka suportive kong asawa.Siya yung may gusto nito pero hair color at brazilian lang papagawa ko.Ang gastos nadin paayos ng hair kulay at brazilian lang 1500 nadin.Dati rebond na yan at treatment.Dapat papa highlights ako kaso mas mahal siya.Saka na lang ayaw ko muna gumastos ng bongga tama na muna to kakaparebond ko lang naman nung feb.After pumunta ng mall diretso na kami ng salon ng anak ko pinamili ko muna at kain para hindi mainip maghintay sakin hihi.

@Sweetzyle22

Maulan na naman ata maghapon nito huhu.Pinagbigyan lang kahapon ganda ng panahon.Screenshot nga pala mula sa live ng aming pres.ng hoa kagabi.Ang bongga ng christmas party ng mga senior citizen kagabi sobrang nag enjoy mga matatanda samin.Hindi na ko nanonood kagabi napagod sa cabs kasi kahapon.Buti na lang masipag mag live ang aming pres.Sana naman tumila ulan kong kelan lalabas pa naman kami ng anak ko.Hirap gumala ng naulan kakatamad.O siya ako'y iidlip pa ulit at nakaalis na si hubby pumasok na sa work niya .Gandang morning sa lahat diyan...

@Sweetzyle22

Hays kapagod pumila sa pagkahaba haba pero tiis lang at kapalit naman itong bigas na pamasko ni mayor.Matagal na namin yan at mahina naman kami kumain at tsaka tatlo lang kami.Sinabay lang din kami kaya libre na ang sasakyan.Mabuti na lang mabilis lang kami yung iba kawawa mula umaga pa naghintay kami ginawa namin bumalik na lang ng 4pm.Naka jackpot din kay sir hayden otto crypto ng $1 salamat naman at nadagdagan laman ng wallet ko.Super blessed ngayong araw na to.

@Sweetzyle22

Year end party kanina ng unica ko.Mabuti na lang at natapos din ang party nila.Hindi nga lang sila nag enjoy masyado wala kasi mga pa games.Sa skul na lang daw pagbalik nila.Ayaw kasi makisama ng panahon buti nakapag sayaw pa sila.Tangkad na talaga ng anak ko nakakuha din solo pics.Na late na kasi kami ng punta sanay ako ng maaga hihi.Yung food nila jolibee nung pagka bigay lang sa kanila nun umambon na ulit kaya uwian na lang kami.

@Sweetzyle22

Christmas party kahapon sa subdivision namin ng mga homeowners.Andaming pa raffle at may may pa certificate pa sa mga naka kompleto ng monthly dues.Meron din pa raffle na cash tag 5 hund.sponsor ng mga konsehal samin.Hindi sinuwerte sa cash nabunot name ko sa pa spaghetti ok nadin to kesa sa wala.Sa 22 alam ko meron pa christmas party dito ng aming kapitan naman madami din yung pa games maghanda na ko para sa mga dadalhin ko sa bring me.Wala man lang ako kadala dala kagabi sayang ng mga pa premyo.Morning guys medyo na busy pero nasilip padin naman dito.

@Sweetzyle22

Congrats samin green team.Ito yung ganap kahapon.Walang talo lahat panalo at lahat nag effort para sa christmas party namin.Ang saya sobra namiss ko ganitong mga okasyon ngayon na lang din kasi ako naging active.Ang daming pa raffle kaya lahat eh hindi umuwi ng walang bitbit.Sa foods eh kahit na nag order na lang yung coordinator namin may mga nagdala padin kaya sobrang busolve din.Kinuha ko na lang tong picture sa gc namin.Mabuti na lang din at nakisama ang panahon.Sa tuesday naman ulit magiging busy year end party ng unica ko.

@Sweetzyle22

Meryenda po muna sa mga hindi pa nagmermeryenda diyan tara at kumain ng maruya at pritong kamote.Pili na lang po kayo diyan kong alin gusto niyo.Sinamahan ko nadin ng sunkist carbonated drinks sa akin yang kulay green apple flavor.Masarap din siya lasang apple hihi.Nasa 2nd photo yung heath benefits na nakukuha diyan.Kasama yan sa christmas package ng hubby ko.Now lang ako nagtry uminom niyan ayaw ko kasi ng ice tea.Mas masarap siguro yan kong malamig kaso nakalimutan ko magpalamig at nasa box padin siya.

@Sweetzyle22

Limang kilong bigas ang pinamimigay para sa mga nabakunahan na dito samin.Kaya kong madami kayo sa isang bahay at nabakunahan malaki din makukuha niyo.May paparating pang 25kls.pamasko ng aming mayor.Kaya matumal ngayon ang bigas sa palengke sagana sa bigas hihi.Mas ok din na bigas at pangunahing pangangailangan to.Pwede din pasabay papadala lang yung id at vaccination card.Bukas papasabay ko na lang sa asawa ko pang isang kinsenas nadin namin na kunsumo ang 10 kilo.Kaya ang laking tipid din.Madaming blessings talaga pagka ganitong dec.

@Sweetzyle22

Bumili na ko ng isang tray ng organic eggs minsan lang kasi magkaron nito sa palengke at mabilis din maubos.Dati mas mahal to sa non organic egg ngayon ito na ang mura ang isang tray niya 180php malalaki pa siya.Mas ok din daw pati to kesa sa puti mas mataas yung omega-3 fatty acids nito at nakakapagpababa ng cholesterol at madami pang health benefits na nakukuha dito.Sabi ng anak ko diyan kayumanggi daw na egg😅

@Sweetzyle22

Walang pasok unica ko ngayon kaya nakapag morning walk sa cabs.Nagmotor papunta dun at dun na lang naglakad lakad.Namili nadin ako ng gulay kaya maggagata akong gulay bumili na lang akong gata pangsahog at malunggay sa palengke.Mura kasi bilihin dun walang bayad ang pwesto nila.Kaya ayan may kalabasa,sitaw,talong,luya at sili.Namili din akong saging at kamote para naman sa meryenda namin.Mura din mga rekado nila dun kaya dun na lang ako dadayo.Nakapag exercise na nakatipid pa ko.Inaabangan ko din yung santa's toys factory yung nasa last photo.Tagal matapos pero mga peryahan diyan ok na maganda tumambay diyan sa gabi.Gandang morning sa lahat!

@Sweetzyle22

Busog much na naman.Birthday ng kasama namin sa sayaw.Nagdala si ate ng handa niya kanina sa pinagpapraktisan namin.Kaya ito busog hindi pa makatulog papababa pa ng kinain.Ang dami din kasing dinala na food anim lang naman kaming kumain tsaka dalawa naming kasamang bata.May pa sharon pa sana hindi na ko nagdala sa sobrang kabusugan.Scroll muna dito at ngayon lang din nakapagpost.

@Sweetzyle22

Umattend ako ng general assembly ng hoa namin sa subd.Check ko agad phone ko pagkadating ko naiwan ko kasi.Bigla naman may notif dumating sakin ansaya naman.Sa dami kong sinalihan na task sa mga communities hindi ko na alam kong san galing yan.Kaya kahit nahihilo ako kakahanap ng sasalihan go padin malay mo maka chamba sa mas malaking pamigay diba.May blessing pa bago matulog ayiee...Good eve at good night sa mga patulog na.

@Sweetzyle22

Sa jollibee bidang bida talaga ang saya.Salamat at pwede na ulit ang mga event na ganito sabi kasi bawal pa.Siguro bawal pag madami limit padin ang tao.Sa pamangkin ko kasi konti lang kami kapamilya lang sa side ng hipag at sa pamilya ng kapatid ko.Nairaos din ang kaarawan ng pamangkin ko.Gumanda din ang panahon hindi na umulan.Masaya ang lahat pati mga lola ng pamangkin ko nakisali din sa mga palaro.Si jobee lang at yung inaabot niya regalo post ko ngayon.Madami kasi kuha kong larawan hindi magkakasya hihi.Blessed & happy birthday sa pamangkin at inaanak ko.Nawa'y maging mabuti at may takot sa diyos at malusog na bata yun ang wish ko sa kanya.

@Sweetzyle22

Maagang pamasko sa anak ko ng kanyang ninong.Nakatanggap na kasi ng 13th month pay kaya bigay agad.Malaki na lang anak ko hindi pa nakikilala mga ninong at ninang niya mga katrabaho kasi ni hubby.Kadalasan pinapadala na lang kay hubby pamasko nila.Kaya hindi sanay anak ko ng napunta sa mga ninong at ninang niya naghihintay lang kong bigyan o hindi pasalamat na lang.Nag breakfast naba ang lahat?si hubby bumili ng pandesal yung malambot at siya na lang nag toasted nilagyan niya ng margarine mas masarap pa kesa pag bibili ng toasted nagiging makunat.Bili na lang akong pancit palabok at pansit para sa anak ko.

@Sweetzyle22

For the first time maka jackpot sa pag participate sa mga communities.Gulat ako kong kanino nanggaling kay ihatekyc nakalagay sa email ko.Galing pala siya sa Bitcoin:a p2p electronic cash system community.Ansaya pala mapunta sa top 1 kahit hindi kalakihan yan sobrang na appreciate ko yan.Sa sunod sana malaking jackpot naman🙏.Sali lang ng sali baka kayo na sunod na ma swerteng manalo sa jackpot prize.Blessed friday!

@Sweetzyle22

Maulan na naman ang umaga samin kaya ang lamig.Sana sa cash rain na lang umulan ng grasya char!mas masaya pag dun naulan diba mga mate?Kanina naka ilang entries din sinalihan ko sa mga communities beke nemen po.Isa lang na screenshot ko nasa last photo. Toasted siopao nga pala ang breakfast ko kasawa mag rice.Hanggang merienda na namin yan madami na kasi yan at nakakabusog din kaagad.Mainit pa pati kaya ansarap talaga.Wala na siya ngayon sa box na lagayan akala ko nga pandesal dala ni hubby hihi.

@Sweetzyle22

Naku!naman talaga makita lang akong humiga sa sofa ang bilis ng blaze gusto talaga andiyan sakin at diyan matutulog.Akala siguro sakin foam ahaha.Ingay ingay niyan nung isang araw nag in heat na naman.Sigurado buntis na naman niyan ang scarlet namin nito.Musta ang holiday ng iba diyan?tagal pala bago ko nakapag update.Kanina namatay fone ko kala ko hindi na mag open.Mag 1 year pa lang tong gamit ko samantalang yung vivo ko mag 5 yrs na ok padin anak ko nagamit at nasira agad cp niya kakabagsak.Hanggang scroll at heart lang kasi ko kanina at na busy.Magandang gabi sa lahat!

@Sweetzyle22

Blessings mula sa asia brewery.Dalawang box ng mga inumin na alak,juices at yogurt.Kaunti na ngayon pinamigay hindi kagaya ng dati.Ramdam talaga inflation ngayon pero ok nadin kesa sa wala.Pasalamat padin sa mga natanggap.Sino may gusto ng alak hindi po ako nainom na eh!kahit hindi hard yan bawal na sakin.Dampot na lang kayo diyan yung sa dulo puro tanduay ice.Masarap din yung heinekin,brew kettle at tiger sabi lang kasi hindi ko pa natikman mga yan.Yung yogurt dati isang box yan ngayon ganyan na lang.Lahat yan eh product ng asia brewery.Blessed wednesday noisemates!

@Sweetzyle22

Screenshot mula sa video ng kasama ko.Kinunan pala kami kanina habang naki sayaw sa mga nangangaroling.Madilim nga lang kuha samin wala kasing ilaw sa labas.May practice sana kami kanina kaso hindi natuloy at nangangaroling iba naming kasama.Aga ng mga nangangaroling kabilaan na.Ang alam ko pag nag simbang gabi na.Ito namang mga naka white ibang phase naman daw ito mga nag zuzumba din.Sayaw ang gawa nila sa pangangaroling.Nakisali kami ng isa kong kasama yang naka kulay black ako naman yang nakakulay peach.Pwede din pala kami mangaroling laki nakukuha nung mga stk o samahan ng kababaihan.Yung isang gabi lang nila dito samin naka 6k ang laki din nun.Tara at mangaroling na nga din tayo haha.Good night po sainyo...

@Sweetzyle22

Nakapagluto na ng ulam namin na pork steak.Naubusan nga lang sabaw yun pa naman ang masarap may natira naman konti.Hintay ko na lang oras ng uwian ng unica ko.Kaya tambay muna dito kabilis nga naman talaga ng oras.Madami nadin nagawa na gawaing bahay at sa tulong ni hubby napabilis paglilinis namin ng bahay siya taga vaccuum ko kasi at puro na naman kami balahibo dito at alikabok.Kulong naman bahay namin pero lagi maalikabok.Hindi naman mainroad bahay namin.Scroll muna ko dito maya maya lang sunduin ko na anak ko.