read.cash Log in
@Sweetzyle22

Kagabi sumaglit kami sa cabs.Ito yung dinarayo ngayon dito samin sa cabuyao ang santas toy factory kaya trending ang cabuyao ngayon lalo na yung munisipyo samin.Hindi ko pa nga lang napupuntahan.Baka mamaya pag sinipag.Mukhang hahabol ang bayan namin sa mauunlad na bayan huli man daw eh makakahabol din yan ang sabi ni mayor.Dami lagi tao diyan sa gabi at madaming mga tinda na foods,rtw,footwears at kong ano ano pa.Magastos din pala pumunta diyan kasi andami mo makikita talaga.Madami ang natulungan ni mayor magkaron ng hanap buhay sa pamamagitan ng mga stores diyan.Hindi na nga lang namin napuntahan yung peryahan.Yung anak ko nagpabili ng taho na may iba't-ibang flavor mocha yung napili niya at yung isa potato limot ko na tawag diyan ahaha.Akin naman yung puto bumbong busog na kasi ko ng pumunta dun.Masarap kumain habang nanonood diyan.Pinapakita kong ano yung kahalagahan ng pasko.Sa malapit samin sa cabuyao punta na kayo guys.Madami akong kuha kagabi pero yan lang post ko dito.

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.