Maagang pamasko sa anak ko ng kanyang ninong.Nakatanggap na kasi ng 13th month pay kaya bigay agad.Malaki na lang anak ko hindi pa nakikilala mga ninong at ninang niya mga katrabaho kasi ni hubby.Kadalasan pinapadala na lang kay hubby pamasko nila.Kaya hindi sanay anak ko ng napunta sa mga ninong at ninang niya naghihintay lang kong bigyan o hindi pasalamat na lang.Nag breakfast naba ang lahat?si hubby bumili ng pandesal yung malambot at siya na lang nag toasted nilagyan niya ng margarine mas masarap pa kesa pag bibili ng toasted nagiging makunat.Bili na lang akong pancit palabok at pansit para sa anak ko.
37 comments
Ay niceyyyy, masaya ang anakis mo for sure. Bili mo daw sya ng toyssss hihi
Hindi na mahilig sa toys anak ko sis tsaka marunong na siya magtabi ng pera hindi na ma scam charot😅
maagang blessings sis good morning sis pasko na talaga hehehe.
Kaya nga yung mga bata talaga masaya nito sis pag pasko.Sarap maging bata.Gandang umaga sayo sis...
Na all may angpao hahaha
Kaya nga pag malaki na waley na haha
Haha ay aba ka swerte mo naman pala kamate hehe
Aba sana all advance magbigay ng pamasko haha.
Na'ol may ninong na galante 😁
Oo nga sis ako noon hindi ko naranasan yan mabigyan ng mga ninong at ninang.Malalayo pa pati kasi hihi
Ako rin diko naranasan na makatanggap Ng aginaldo sa mga ninong at ninang ko
Wow may pamasko agad. Kala ko cheese pandesal hehe.
Kaya nga aga mamigay palibhasa wala pang asawa.May cheese na nga yan sis pero konti na lang ngayon.Hinayaan ko isa gumawa niyan siya may gusto eh!tinatamad ako eh!haha
Ay wala pa pala asawa kaya generous😁. Kung ano gusto sila gumawa haha.
Kahit pala may mga asawa na sis tropa kasi ng asawa ko.Kaya asawa ko wala din palya sa mga inaanak niya bawian lang😅
Palitan lang sila haha.
Ang aga ng blessing parang kami nong maliliit pa ayaw na ayaw kong pumupunta sa mga bahay kung maalala salamat kundi okay lang .Buti mabait yong ninong ninang ng anak mo hindi na kailangan pumunta sa pa bahay.
Ngayon sis iba na sa city dinadala talaga ng mga magulang sa mga ninong at ninang nila.
Ang swerte naman at aga papsko ng ninong
Sana all may advance na magbigay na ninong😊
Samantalang tayo nun hindi natin naranasan ganyan noh!
Kaya nga sis
Ang saya may maagang pamasko sis ang tuwa siguro ni bebe mo :) totoo yan sis mas masarap Kung Tayo nalang gagawa. Magandang morning sis!
Oo sis tago agad ng anak ko hindi na siya ma scam ko haha.Dati ako taga tago ngayon marunong na siya pero hindi naman gastador.Mas gusto nga madami siya ipon.
Haha marunong na sis kaya hindi na mascam haha. Mabuti at marunong na mag ipon na sis ganyan din mga anak ko para kapag may gusto daw sila hindi na manghingi sa akin kasi may naipon na silang pera :)
Ayos maagang blessing :D
Kaya nga po dagdag savings ng unica ko.
mamasko po😊
Ako nga mamasko sayo sis ahaha
Such a blessings mate❤🙏
Opo aga ng pamigay ng ninong kaya happy anak ko.
Ay wow, sana all sis🤣.
Oo sis sabi ko nga sa anak ko sana all haha ako nung bata pa walang ganyan.
Wow maagang pamasko sis ah. Wla akong kilalang ninong at Ninang pero yung sa Ninang sa kasal ko ang palagi nagbibigay sa akin.
Akin sis tita ko na lang ang alam ko patay na mga ninong at ninang ko.
Agang papasko sa anak mo sis. Gnun din mga anak ko d sila nmamasko. Puro pdala lng din
Ayaw nga niyan mamahay mahay eh yun ang uso dito pag pasko kaya nakakadami mga bata dito pag pasko.